XXVIII

3.5K 147 106
                                    

Cathy P.OV.


"hello" pupungas, pungas pa ng matang sabi ko.

naalimpungantan kasi ako ng marinig kong panay ang ring ng phone ko. andito ako sa sofa bed sa room namin habang si desi, ate tin at inang ay natutulog sa kama.

"cathy, si annie ito," ang sagot ni annie sa kabilang linya.

tumingin ako sa orasan ng phone ko, alas syete pa lang ng umaga, linggo ngayon at wala kaming pasok, sa mga ganitong araw, tanghali na'ko gumigising.

"ang aga mo annie?" ang sabi ko at nakita kong medyo napakilos si desi sa kanyang kinahihigaan.

tumayo ako sa aking pagkakahiga at umayos ng upo paharap kina desi na tulog pa rin ngayon.

"may ibabalita ako sa'yo" ang sabi ni annie

hindi ko alam kung bakit parang may biglang tumusok sa dibdib ko, masakit, na para bang hindi ako makahinga.

"a-ano yun?" ang tanong ko kay annie.

"andito ako sa may paranaque" ang sabi nya

"and?" ang tanong ko ulit at sumandal ako sa sofa

"bumibili ng makakakain... namin ni mica" ang sabi pa nito

"oh, kasama mo si mica now?" ang tanong ko

"yes, dito muna kami sa condo ng pinsan ko, wala pinsan ko eh, nasa UK, ako muna pinatao." ang sabi pa nito

"oh kasama mo na pala si mica, bakit tumawag ka pa?" ang tanong ko

"confirmed!.. sila ni desi" ang sabi ni annie sa akin.

at pagkarinig kong iyon, para akong nabuhusan ng isang timbang yelo sa buo kong katawan, nanlamig ang aking ulo hanggang sa akin talampakan

"sigurado ka?, sila ni desi!?" ang medyo nilakasan kong sabi upang marinig ni desi kahit nakapikit ito.

"oo, umamin na si mica kagabi sa akin" ang sabi ni annie

para akong nabingi sa narinig kong iyon kasabay nito ang pagmulat ng mata ni desi at napatingin sa akin.

hindi ko na napigilan ang sarili ko ng magtama ang aming paningin ni desi

"cathy" ang mahina nyang tawag sa akin.

batid na nya siguro ang dahilan kung bakit ako umiiyak

"kahit tanungin mo si desi ngayon, aamin yan, kasi usapan daw nila yan na sabihin na sa ating dalawa ang relasyon nila." ang sabi pa ni annie sa kabilang linya

habang nagsasalita si annie ay nakatingin lang ako kay desi, gusto kong sigawan ito, gusto kong ibalibag sa kanya ngayon ang hawak kong telepono subalit nakita ko si inang at ate tin na mahimbing ang pagkakatulog sa tabi ni desi.

napa-iling na lang ako at napayuko ng nakitang bumangon si desi sa kama at akmang lalapit sa akin.

"ca-cathy" ang nauutal na tawag sa akin ni desi habang tumatabi ito sa akin.

"totoo ba?" ang madiin kong tanong kay desi.

binaba ko na ang tawag ni annie, nagsasalita pa rin sya pero sapat na ang una kong narinig mula sa kanya, ito na marahil ang tamang pagkakataon upang maharap si desi.

"eh ano eh.." ang hindi matuloy na sabi ni desi

"what!" ang malakas kong tanong

"please, pakihinaan ang boses mo, baka magising sila" ang mahinahon pa ring sabi ni desi sabay turo kay ate tin at inang.

Space Between the LINES (girlxgirl) - on going EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon