XXIX

4.1K 128 47
                                    

Frenzy P.O.V

"May problema ba anak?" ang tanong ng nanay ko sa akin.

andito kasi ako sa terrace namin, sabado ng gabi, tanaw ang nagkikislapang mga bituin sa kalangitan, buwang nagbibigay ng bahagyang liwanag sa kadiliman ng paligid, mga panaka-nakang daan ng tricycle sa kalsada ang naririnig kong ingay sa paligid.

"Wala naman po 'nay" ang sabi ko sa aking nanay na ngayon ay paupo na sa aking harapan.

"Alam mo nung bata ka pa lang, kapag nagpupunta tayo sa palengke at nakikita kong gustong gusto mo yung kalan kalanan pero hindi mo sinasabi, alam kong gusto mong sabihin sa akin yun pero hindi mo sinabi" ang pagkwekwento ng nanay ko sa akin.

"Kaya po ba, iyon ang iniregalo mo sa akin nung birthday ko?" Ang nagtataka kong tanong.

"Oo, kasi hindi mo man sabihin anak ang nasa loob mo.. ramdam ko iyon dahil anak kita, 9 months ka sa tyan ko at ang pusod mo ay nagdudugtong sa pusod ko" ang paliwanag ni nanay sa akin.

Medyo inilapit nito ang kanyang katawan sa harap ko at humawak sa braso ko na ngayon ay nakahalukipkip sa dalawang tuhod ko na nakatungkod sa kinauupuan ko.

"Anak,.. alam kong may dinaramdam ang puso mo.." ang sabi nito sa akin at bahagyang ngumiti ng magtama ang aming mga mata.

"Po?" Ang napakunot noo kong tanong. Bahagyang kumabog ang aking dibdib, hindi talaga ako makakapaglihim sa nanay ko.

"Simula ng malaman ko ang nangyari sa inyo ni cathy, ipinalagay ko na sa sarili ko na kakaiba ka sa lahat ng kababaihan, at wag kang matakot o mangamba, tanggap kita bilang anak ko, ano man ang naisin ng puso mo" ang sabi nito sa akin.

"Ngunit, nasasaktan din naman ako kapag nakikita kong nasasaktan ka dahil sa mga taong pinaglalaanan mo ng pagmamahal" ang sabi nito at may lungkot ang mga mata nitong iniwas ang tingin sa akin.

"Batid kong may kinalaman si anne sa lungkot mo ngayon anak" ang sabi nito at muling ibinaling ang tingin sa akin.

"Tama ba ako anak?" Ang tanong nito at hinimas ulit nito ang aking braso.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili at tuluyan ng lumabas ang luha kong kanina ko pa pinipigilan.

"Nay" ang nasabi ko na lang at napayakap ako dito ng mahigpit.

Tumugon sa pagkakayap sa akin ang nanay ko.

"Hindi kita mapipigilan dahil puso ang nagdidikta ng iyong mamahalin hindi ang utak, sana lang anak, isipin mo na ang mga iyong narararanasan ay isang pagsubok na maaaring gawin mong sandata sa hinaharap" ang sabi pa nito.

Sa totoo lang hindi ko maintindihan ang sinasabi ng aking nanay, subalit sapat na ang kanyang mahigpit na yakap upang madama ko na hindi ako nag-iisa sa pagpasan ng aking nadarama.

"Si anne ba ang dahilan anak?" Ang tanong ulit nito sa akin.

Kumawala ako sa pagkakayakap ko sa kanya at pinunasan ko ang aking luha.

"It's okay to speak it out, nanay mo ko, kung ano pa yan.. tanggap kita" ang nakangiti nitong sabi sa akin habang himas ang aking ulo.

Huminga ako ng malalim, nag isip muna bago ako nagsalita

"Pangalawang beses na nya akong iniwan,.." ang pasimula ko.

"May iba ba sya?" Ang tanong ng nanay ko sa akin.

Umiling ako at idinako ko ang tingin sa mga bituin na nag-uunahan sa pagkislap.

"Wala po, she's so confuse sa sarili nya,... nung una pinagbigyan ko sya.. i gave her space and time that she need and wanted., nirespeto ko ang desisyon nya na lumayo muna kahit sobrang labag sa kalooban ko" ang pagkwekwento ko.

Space Between the LINES (girlxgirl) - on going EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon