XXIII

3.6K 121 98
                                    

Cathy P.O.V.


"asan ka desi?" ang bungad ko sa babaeng nasa kabilang linya ng telepono.


"nandito sa office" ang sagot nito.


"bakit busy line mo, kanina pa'ko tumatawag sa'yo ah?" ang tanong ko, medyo naiinis na kasi ako, buong lunch break ko ang ginugol sa pagkontak sa kanya, pero isang oras yatang nasa linya si desi.


"baka walang signal dito sa office ko?" ang pagdadahilan nito.


"walang signal.. busy?" ang tanong ko


"ewan ko, saka bakit tumatawag ka? asan ka ba?" ang tanong ni desi


"ayain sana kitang mag lunch out since galing ako dito sa site," ang sabi ko, balak ko sanang dumaan sa site office nya kanina kaso natapos na ang lunch break pero ngayon ko lang sya nakausap.


"hindi ako makaka-alis dito, alam mo naman na ako lang ang nandito di ba?" ang medyo inis ang tonong sabi ni desi.


"okay, fine.. mag-grocery na lang ako, magluto ako sa bahay para sa dinner natin" ang sabi ko na lang upang hindi na humaba ang diskusyon naming dalawa.


"over time ako later, late na'ko makakauwi" ang sabi ni desi


"anong oras ang late mo?" ang tanong ko naman


"hindi ko alam, 9, 10, 11? i don't know cathy" ang sabi ni desi na parang ayaw na rin mag-explain.


"okay, kain na lang ako sa labas, gusto mo bilhan na lang kita ng food para pagdating mo may makain ka?" ang tanong ko


"no need, dito na lang ako magdinner sa office, papabili na lang ako kay manong guard." ang sabi ni desi.


"you want me to fetch you later, masyado ng gabi yun if mag-over time ka?" ang pagvolunteer ko.


"cathy, may grab or taxi naman, ako na lang, abala pa sa'yo.. sige na magwork na'ko, bye!" ang sabi ni desi at hindi na nya ako hinintay na makapagsalita, ibinaba na nya ang call.


napabuntong hininga na lang ako ng marinig ko ang ugong ng telepono na end call na ito.


iba na kasi ang work place nya, wala na sya sa head office, sya ang ginawang architect coordinator ng isang site sa may mandaluyong, naiwan si frenzy sa head office samantalang sya lang ang babae sa site office na pinaglipatan nya.


ang pinagtataka ko, ngayon lang sya naging busy during lunch break nya, dati rati naman ay nakokontak ko ang kanyang cellphone kapag breaktime, at kung office calls naman yun ay paniguradong sa landline or office phone tatawag ang mga mag-iinquire.


"haysss" ang buntong hininga ko na lang.


Space Between the LINES (girlxgirl) - on going EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon