XXXVI

3.8K 129 11
                                    

Frenzy P.O.V

"Sorry na marilou, hindi ko talaga maiwan si cat nung friday ng gabi" ang paghingi ko ng paumanhin kay marilou.

Andito ako sa office, taking my lunch, and guess what sino kasabay ko na naman kumain?

"Bakit, anong nangyari kay cathy?", ang tanong ni desi sa akin

Tiningnan ko lang sya, hindi ko sya masasagot ngayon kasi nasa kabilang phone pa rin si marilou.

"Ganyan ka naman frenzy, pag dating kay cathy, kinakalimutan mo lahat, don't tell me inlove ka ulet sa babaeng yun?" Ang sarcastic na sabi ni marilou.

"Hindi sa ganun marilou, nagkataon lang na we are in the same place kaya inaya ko sya na magdinner.. yun lang yun!" Ang paliwanag ko.

Hindi ko masasabing inlove nga ba ako ulit kay cathy kasi alam ko sa sarili ko... may space pa rin sa heart ko na umaasa pa rin na anytime babalik si anne.. pero this.. hindi ko na alam.. nalilito na'ko sa isinisigaw ng puso ko.

Pero bakit ganun na lang ang reactions ko nung nagkasakit si cathy?

bakit sobrang affected ako sa kalagayan nya,

bakit andun yung takot na baka may mangyaring hindi maganda sa kanya?

at ganun na lang ang inis ko ng hindi natuloy ang posibilidad na madama ko ulit ang kanyang labi habang nasa swimming pool kami?

Bakit ganun na lang ang eagerness ko na laging nakadikit sa kanya ang aking katawan sa katawan nya habang nag stay sya sa condo?

"Hay, tell it to the marine, basta nagtatampo ako sa'yo.. ayaw muna kitang kausap!" Ang sabi ni marilou sabay end ng call.

Napabuntong hininga na lang ako, ipinamulsa ko na lang ang aking phone at itinuloy ang pagkain dito sa pantry ng aming office.

Ganun si marilou, may attitude, minsan ayaw tumanggap ng paliwanag. Ilang buwan na naman kaya ang tatagal ng pagtatampo nya?

"Ano nangyari kay cathy?" Ang tanong ulit ni desi sa akin

"Sinumpong ng ulcer" ang sagot ko lang.

"Magkasama kayo?" Ang tanong ulit ni desi

"Oo, dinner sa glorietta" ang matipid kong sagot

Tumango-tango naman si desi habang sumusubo ng kanyang pagkain

"So how is she?" Ang tanong ulit nito pero sa pagkain nakatingin

"She's okay na  kahapon nasa foundation ulit sya" ang sabi ko

Gusto kong ipamukha kay desi na hindi magmumukmok si cathy kahit hindi na sila...-- hindi nga ba?.. what if tinatago lang ni cathy ang lungkot nya?

What if,.. hindi naman talaga sya masaya at patuloy pa rin syang umaasa kay desi?

"Nagkakausap na ba ulit kayo?" Ang tanong ko kay desi

"Hindi pa, kaso i think magiging madalas on the following days" ang sabi ni desi at napakunot noo naman ako sa sinabi nya

"Paano, bakit?" Ang sunod sunod kong tanong.

"yung company nila mica.. sila ang nanalo sa bidding na magsupply ng ibang materials sa currently project ng Narvaez Construction and isa na dun ang project na hinahawakan ngayon ni cathy" ang paliwanag ni desi

Meaning to say.. makakausap nya ng madalas sa transaction si mica,... sandali.. kina micang company yun eh bakit si desi kakausap kay cathy? Ang pag aanalisa ng utak ko.

"Oh kina mica yun, bakit ikaw kakausap?" Ang tanong ko kay desi

"Since bago si mica sa ganitong field, i will assist her sa ibang hindi nya alam" ang nakangiting sabi ni desi

Space Between the LINES (girlxgirl) - on going EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon