I I I

5.9K 167 103
                                    

Cathy P.O.V.

"ayoko" ang mariing kong sagot kay desi.

Nandito kami sa isang fast food chain malapit sa condo nila. Sinundo ko kasi sya from work at napagpasyahan na lang naming dalawa na sa labas magdinner since wala naman tao pa sa unit nila.

Tinatamad na rin naman daw syang magluto ng hapunan. Sya kasi ang madalas nagluluto dahil wala din naman time si ate jossie dahil isa din itong workaholic,  si anne at frenzy naman ay nagluluto ng sarili nilang pagkain dahil hindi kumakain ng red meat si anne, fish and chicken meat lang, she is pescatarian at nahawa na rin si frenzy.

Kaya pala may nagbago sa kanya nung una ko syang nakita pagkagaling ko sa singapore. Nagfirm ng bahagya ang kanyang pangangatawan hindi ko man aminin sa aking sarili, lalo syang sumeksi.


"cathy, sige na, hawak mo naman schedule ng work mo since ikaw ang nagmamanage ng company nyo." ang pagsusumamo sa akin ni desi.


Inaaya nya kasi ako na sa condo nila tumira, may isa kasi kaming project na malapit sa Condo nila, pero hindi naman ako madalas nagpupunta dun, mas inassigned sa akin ng Tatay ko ang isang project na halos isang bayan lang ang layo sa mismong bahay namin.


"why don't you just stay in our place at least dun makakakilos tayo ng maayos" ang sabi ko sabay kagat sa friend chicken na hawak ko.


"hmmm.. kaya ba ayaw mo sa condo dahil andun si frenzy?" ang titig na titig na tanong sa akin ni desi.


tumingin ako sa kanyang mga mata, bakas ang kaunting selos sa kanyang mga titig. tumingin ako sa labas ng fast food chain na iyon, maraming jeep ang nakikipag-unahan sa bawat isa, nag-aagawan sa mga pasaherong nag-aabang sa gilid ng kalsada ang ilan naman ay naglalakad, may mga grupong masayang nagkwe-kwentuhan habang naglalakad, ang ilan naman ay mag-isa lang.


binalik ko ulit ang tingin ko kay desi na ngayon ay nakayuko ay kumakain ng kanyang spaghetti.

"did you still love her?" ang mahinang tanong ni desi nakayuko pa rin sya, sa tono ng boses nya alam kong pinipigilan nya ang kanyang pag-iyak.


i grab her hand na nasa ibabaw ng table namin, i gently squeeze it at hinimas ko ito ng bahagya.

"desi, its been two years now ang iniisip mo pa rin na mahal ko pa sya?" ang mahinahon kong sabi sa kaharap ko.


"mahal mo pa sya?" ang tanong ulit ni desi and this time, she lift up her head and look at me again. ngilid ang luhang naghihintay ng sagot ko.


"hmm... hmm" ang iling ko dito at binigyan ko sya ng banayad na ngiti. hoping na masatisfy sya sa sagot ko.


"sure ka cathy?" ang tanong ni desi at bahagyang umaliwalas ang kanyang mukha, munting ngiti ang aking nasilayan sa kanyang mga labi, at sapat na iyon upang mabawasan ang aking agam-agam.


"opo" ang sabi ko at pinindot ko ng aking hintuturo ang kanyang ilong.


"so sa condo ka na titira simula bukas?" ang nagpu-puppy eyes na lambing ni desi.


"desiii...."

"sige na po please bee!" ang pagpupumilit sa akin ni desi.


"bakit ang kulit mo noh?" ang napapailing ko na lang na tanong dito.


"bakit ang cute cute mo?" ang nangingiting sabi ni desi.


"ang layo ng condo mo sa work site ko desi" ang sabi ko


Space Between the LINES (girlxgirl) - on going EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon