XII

4.3K 119 79
                                    

Cathy P.O.V.

Halos isang buwan na rin ang nakalipas simula ng naglipat kami ng mga gamit sa bagong condo, at simula noon hindi ko na narinig na binabanggit ni desi si frenzy sa akin, hindi ko naman maitanong kung kumusta sila sa trabaho dahil baka kung ano pa isipin ni desi kung bakit ko ito tinatanong sa kanya.

tapos na rin naman ang renovation na project namin ni frenzy at hindi na rin sya nakipagmeet up sa akin para kuhanin ang share nya sa project, pinabangko na lang nya ito, kaya hindi ko rin sya nakausap.

"tara na cat, baka malate tayo.. madami pa naman tyak tao ngayon sa mrt" ang aya sa akin ni desi.

wala kasi akong sasakyan ngayon, pinaayos ko kaya commute lang kami, hatid ko muna si desi sa work place nya, saka ako tutuloy sa work site ko.

naglakad kami papuntang mrt station, tahimik lang si desi habang naglalakad kami, sinilip ko sya, mukhang malalim ang iniisip na nakatingin lang sa nilalakaran namin.

"mag over time ka ba mamaya?" ang tanong ko dito para mabasag lang ang katahimikan na namamagitan sa aming dalawa. ingay lang ng busina ng sasakyan, ang pumapailanglang sa paligid namin.

"hmm.. siguro, ako kasi mag-coordinate sa isang project namin." ang sabi nito na seryoso pa rin ang mukha.

"is there something wrong desi?" ang tanong ko dito. medyo nabo-bothered na kasi ako, hindi sya ganito ng mga nakaraang araw.

"hmm.. wala naman, it just like parang nagkasagutan kami ni anne kahapon sa text." ang sagot sa akin ni desi.

tumingin ito sa akin saglit at ngumiti ng bahagya saka ibinalik ang atensyon sa paglalakad.

"ano napag-usapan nyo?" ang tanong ko, hindi ko lubos maisip na magkakaroon ng ganung issue

naudlot ang usapan namin dahil pumila muna kami sa mrt. medyo maraming pasahero ngayon kaya siksikan sa pila at pati na rin sa loob ng mrt.

nang nakahanap kami ng pwesto ni desi, saka ulit sya nagsalita,

"well, medyo personal na, hindi ko pa rin kasi lubos maisip na lumipat si frenzy with anne," ang kwento ni desi

"alam ni frenzy na nagkakasagutan kayo ni anne sa text?" ang tanong ko.

"yes, at syempre ipinagtanggol ni frenzy si anne," ang nakasimangot na sabi ni desi

"what do you expect?., kakampihan ni frenzy girlfriend nya" ang sagot ko naman kay desi.

i wonder kung ano ang naging usapan ni anne desi, di naman kasi dere-deretso mag kwento si desi dahil na rin sa mga taong nakapaligid sa amin na halos magpalitan na kami ng mukha sa sobrang siksikan.

"cat" ang bulong sa akin ni desi. medyo malapit kasi ang mukha nya sa bandang tenga ko dahil na rin sa mga taong nakapaligid sa amin.

tumingin ako kay desi at tiningnan na parang nagtatanong.

"hmm?" ang sabi ko

"mali bang mag-isip ako ng hindi maganda kay frenzy dahil mas pinili nyang magbukod sila ni anne, instead na sumama sa atin sa condo?" ang medyo nahihiyang tanong nito sa akin.

"hmm, ano ba kasi sabi sa'yo ni anne at naitanong mo 'yan?" ang mahinahong kong tanong.

"I explained kay anne, ano reason ko kung bakit medyo sad ako sa decision nila ni frenzy na lumipat, and you know naman di ba na ako na hahawak ng full responsibility sa family ko, at kung ako lang ang maglalabas ng pera sa mga expenses namin ni ate jossie, like condo rent and other things,... cat.. hindi ko yata kakayanin" ang malungkot na pahayag ni desi

Space Between the LINES (girlxgirl) - on going EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon