XVI

4.1K 125 73
                                    

Cathy P.O.V.

DESI,

so what's up?...any news?..wala man lang ba akong maririnig na kwento mula sa iyo?...

busy ba?...

'nyways.. sorry medyo pinakialaman ko email mo, nabasa ko tuloy ung Email ni lim..sensya na po.. and medyo nagiging close na yata sau c lim ah....nanananching na sau??..

dont get mad at me ha..if pinag-iisipan ko ng masama si lim.. hindi ko kasi sya kilala eh, sorry.

saka nireremind lang kita..dont just look to the good side of man...pare-pareho lang sila..mga lalaki..kahinaan nila body ng babae.,,.. :)

im just warning you...ayoko kang binabastos ng sino man..lalo na ngayon,malayo ka...hindi kita nakakasama and nakaka-usap ng madalas...hindi ko alam nangyayari sayo every now and then. 24/7..kaya medyo ingat lang po...

mahirap ang sitwasyon ko dito desi..wala man lang akong makausap or makakwentuhan...wala akong mahingan ng payo or comment...lalo na ngayon busy na si ate leny sa boyfriend nya, :(

sana naman kahit sa konting kwento mo man lang maramdaman ko na kahit paano nanjan ka lang sa tabi ko lagi...na kahit sa sobrang busy mo di mo pa rin nakakalimutan na kwentuhan ako...na bahagi pa rin ako ng araw-araw mong routine jan...

drama noh?....sobrang MISS na talaga kasi kita...eh....

sige na..enough na muna ito....baka lalo kitang ma-miss...... so long....

and I click send...

three months na si desi sa abu dhabi pero sobrang dalang nyang magchat sa akin, nakikita ko naman na laging active sya sa kanyang fb messenger pero kahit "seen" hindi man lang nyang magawang tingnan ang message ko sa kanya.

Nandito ako ngayon sa bahay namin, hindi muna ko umuuwi sa condo, nahihiya din ako kina ate jossie at kuya mike, lalo na't ngayong buntis na si ate jossie, lately ay mainitin ang ulo, sinabi ko ito sa nanay ko, at ang sabi ay baka hindi pa daw tapos ang paglilihi stage ni ate jossie.

I was in the room right now, weekends at wala akong magawa, kaya nag-open ako ng emails ko, and it happened na nakaopen din ang email ni desi sa laptop ko kaya nakita ko ang email ni Mr. Lim sa kanya na parang nagpapasaring ng pagtatangi kay desi, sa mga litanya ng kanyang email mukhang may gusto si Mr. Lim kay desi at hindi man lang ito sinasabi ni desi sa akin.

'ni hindi nga nagkwekwento ng minsan kaming nagvideo call, at halos wala pa kaming 30 minutes ng mag-usap dahil pagod daw sya at galing sa site. kaya inintindi ko na lang sya, alam ko ang feeling ng trabaho sa site dahil nagsa-site din ako sa mga projects namin at totoo naman, nakakadrain ng utak at katawan.

dito nga lang sa pilipinas, ang hirap pakisamahan ng mga trabahador na kapwa Filipino, paano pa kaya kung sa ibang bansa na ibang lahi ang kasama nito. kaya sa loob ng tatlong buwan na pananatili nya sa abu dhabi halos 3 o 4 na beses pa lang yata kami nag-video call, kung tawag man, ako pa rin ang tumawag sa kanya, at mabibilang talaga sa daliri sa kamay ang pagtawag nya sa akin.

hindi ako nagdedemand or nagkwekwestyon sa kanya, matagal na rin naman kami.. ilan taon na ba kami, tatlong taon na at malapit ng maging apat na taon, siguro nakakasanayan na lang namin ang isa't-isa, at palagay na lang ang loob namin sa bawat isa.

isinara ko na ang laptop ko at lumabas ng aking room, nakita ko si ate leny sa sala at isang lalaki sa tabi nya, nanood sila ng movie yata 'yon.

"oh, nalabas ka ng room?" ang tanong ni ate leny sa akin

Space Between the LINES (girlxgirl) - on going EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon