XXXVIII

3.7K 128 45
                                    

Frenzy P.O.V.

it's quite sometimes na rin na hindi nagpaparamdam si cathy sa akin, hindi na ito nagtetext or tumatawag man lang kagaya ng dati. may nangyari kayang hindi maganda sa kanya?

'Eh bakit hindi mo sya itext?' Ang bulong ng aking isipan.

hindi rin naman nagkwe-kwento si desi about her, kung nakaka-usap ba nya ito since balita ko ay madalas si mica sa site ni cathy ngayon.

lumingon ako kay desi ngayon na tutok na tutok sa kanyang computer.

'tanungin ko kaya sya?'

'ay wag na lang'

"Ahmm desi, kumusta si mica dun sa site nila cat?" ang tanong ko kay desi, hindi na'ko nakatiis talaga na tanungin ko sya.

"she's doing good naman daw, sabi nya medyo gina-guide naman sya si cat paminsan-minsan kapag andun sya, madalas daw wala eh," ang sabi ni desi na tutok pa rin sa kanyang ginagawa.

"bakit mo natanong?" ang tanong nito sa akin

"hmm.. wala naman" ang sabi ko, hindi ko alam kung ano idadahilan ko kay desi

tumango-tango lang sya na patuloy pa rin sa pagdra-drawing.

"hindi ba kayo nagkaka-usap ni cathy lately?" ang tanong ni desi, this time nakatingin na ito sa akin

"hindi masyado, baka nga busy" ang sabi ko na lang.

"sabi ni mica, may sumusundo daw na lalaki sa kanya minsan eh" ang sabi ni desi sa akin

nang narinig ko yun ay bigla kong naalala ang nakaraan, yung araw na nakita ko sya sa restaurant na pinagmeet ko kay anne.

***Flashback***

"where you want to meet?" ang text ko kay anne pagkatapos makalayo si desi at mica.

agad naman nagreply si anne at sinabi nya na sa isang chinese food restaurant at nagtungo na'ko roon.

medyo ma-traffic kaya nalate ako ng konti, nakita ko agad si anne sa may gilid ng glass wall ng restaurant. kinawayan nya ko ng makita nya ko.

sa bawat paglakad ko palapit sa kanya, ganun din kabilis ang kabog ng puso ko, hindi ko alam kung kinakabahan ba ko or naeexcite sa muli naming paghaharap ni anne.

dati eto ang gusto kong mangyari, ang makita, ang makausap at kamustahin si anne, pero ngayon parang ang bigat ng pakiramdam ko.. parang ayoko na..

"akala ko hindi mo ko sisiputin" ang sabi ni anne ng naupo ako sa harapan nya.

"sorry, traffic.. hindi ko dinala kotse" ang sagot dito pero hindi ko sya matingnan ng deretso.

"kumusta ka na?" ang tanong nito sa akin

"okay naman, ikaw?" ang matipid kong tanong dito

wala pa rin syang pinagbago, ganun pa rin ang hitsura nya, same hair cut, same skin tone, same eyes, same smile. pero this time, wala na akong makitang emosyon sa kanyang mga mata. hindi ko na makita kung ano ang tumatakbo sa utak nya, parang may wall syang ginawa sa kanyang pagkatao upang pagtakpan ang kanyang nasa loob. reserved na sya kumbaga.

"eto, i think i'm doing good, same routine but i already put a business kasama mga classmate ko ng college and yun, i just want to invite you sana para sa business blessing sa sunday if okay lang sa'yo." ang sabi nito.

kala ko pa naman kakausapin nya ko about sa aming dalawa, marahil wala na nga syang planong bumalik sa akin.

at kung babalik man sya, kaya ko pa bang tanggapin?

Space Between the LINES (girlxgirl) - on going EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon