XXI

4.1K 127 65
                                    

Cathy P. O. V

andito ako ngayon sa airport at hinihintay ang pagdating ni desi from abu dhabi.

2:30pm pa nakalapag ang eroplano pero mag alas tres na ay wala pa ring tawag mula kay desi kung nasaan na sya,

hindi naman ako pwede mag stay sa arrival station baka sitahin ako ng guard, hindi kasi pwede matagal mag stay ang sasakyan doon, kaya dito na lang muna ako sa parking ng airport.

nag half day na lang din ako sa opisina tutal malapit din naman ng matapos ang project na hinahawakan ko.

kampante akong nakaupo dito sa driver seat ng biglang nagring ang phone na nasa dashboard.

tiningnan ko ito at napangiti ako ng makita ko kung kaninong pangalan ang tumatawag, agad ko itong sinagot at pinaandar ko na ang makina ng kotse ko.

"hello, naka-labas ka na?" ang tanong ko kay desi. sya ang tumawag sa akin.

marahil ay papalabas na ito ng arrival area.

"sige, sa letter C ka pumunta ah, para makita agad kita" ang sabi ko dito at binaba ko na ang phone ko at lumabas na ako ng parking area.

inikot ko lang ang kalahati ng parking at malayo pa lang ay nakita ko na si desi, hawak ang phone at parang may tinetext.

marahil ay tinetext nya si ate josie na andito na ulit sya sa pinas.

nang napansin ni desi ang kotse kong papalapit sa kanya, tinago na nya ang phone sa kanyang bulsa at kinuha ang mga ilang bag na nasa harapan nya.

"hello" ang sabi ko dito ng nakababa ako ng kotse upang tulungan sya sa pagpasok ng kanyang gamit sa compartment ng kotse.

"hi!" ang bati sa akin ni desi kasabay ang pagbaba nya ng kanyang isang bag sa likod ng kotse.

pagkatapos ng ilagay ang bag, nagtungo na ito sa harapan ng kotse at pumasok na sa passenger seat.

nagkibit balikat na lang ako habang sinusundan ko sya ng tanaw hanggang sa nakarating sya sa loob ng kotse.

nilock ko muna ang likod ng kotse saka ako nagtungo sa driver seat at inayos ang pagkakaupo ko dito.

"kumusta byahe?" ang tanong ko habang tinatahak ko ang daan palabas ng airport.

"eto, pagod" ang sabi ni desi at sumandal sa kanyang inuupuan.

nakatingin lang ako sa kanya, naghihintay na baka batiin nya ko ng isang kiss kahit man lang sa pisngi,

gawain nya kasi yun dati, kahit sa kotse o kahit saan lugar, ikikiss nya ko kahit beso lang.

pero ngayon, halos mag iisang minuto na akong nakatingin sa kanya wala pa rin, nakapikit lang syang nakasandal sa upuan

marahil ay pagod lang sya talaga sa byahe kaya pinaandar ko na lang ang kotse paalis sa airport.

medyo traffic ngayon kahit hapon kaya mabagal ang aming pag-usad, walang kumikibo sa aming dalawa ni desi, mula ng naupo sya sa loob ng kotse, hindi pa rin sya dumidilat hanggang ngayon,

alam kong gising sya at hindi natutulog dahil gumagalaw ang mga mata nito habang nakapikit, hudyat na aware ito sa paligid nya.

"masakit ba ulo mo?" ang tanong ko at bahagyang sumulyap sa kanya.

kinilos nya ang kanyang ulo at iniharap ito sa kabilang side nya, sa may bintana.
hinimas ko ang kanyang braso ng kaunti.

"hmmm, gusto ko magpahinga cathy, mamaya na tayo mag-usap pagdating sa condo." ang sabi ni desi at bahagyang tumalikod pa ito sa akin.

Space Between the LINES (girlxgirl) - on going EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon