XIX

4.4K 143 73
                                    

Cathy P. O. V.

"oh gising ka na pala?" ang bungad ni ate leny ng pumasok ito sa room.

"bakit ka pumasok ng walang pasabi?" ang sabi ko dito.

nakaupo lang kasi ako sa kama, nakasandal ang likod sa head board habang hawak ang phone, ka-chat ko si desi.

"why should i?, saka iniisip ko tulog ka pa dahil tinamaan ka ng wine kagabi... kumusta na?" ang sabi at tanong ni ate leny na ngingiti ngiti.

tumabi ito sa akin, at sinilip kung ano ginagawa ko sa phone.

"oh, oh, oh, titingin pa eh!" ang sabi ko sabay layo ng hawak ko.

"ka-chat mo si frenzy?" ang nakangiting sabi ni ate leny.

"hindi, saka bakit ko yun icha-chat, magalit pa si anne sa akin noh?" ang ungos ng nguso ko sabay type ulit sa aking phone.

"sino yan?" ang tanong ni ate leny

"si desi" ang sagot

"really, kayo pa pala ni desi?!.. hahaha" ang tawa ni ate leny

"syado, oo naman, pambihira ka ate!" ang sabi ko at inirapan ko si ate leny.

"sorry naman, akala ko break na kayo eh, kaya nga pina-meet ulit kita kay frenzy, baka sakali...... alam mo na!?" ang nakangising sabi nito sa akin sabay sundot sa tagiliran ko.

"it will never happen ate, may anne na yun, saka balita ko, engage na sila" ang sagot ko.

"legal na sila?" ang tanong ni ate leny

"naku malabo sa part ni frenzy, ewan ko kay anne... baka" ang sagot ko na lang.

pero tanda ko ng minsang nagkausap kami ni frenzy ay nabanggit nya na legal sila sa side ni anne.

"hmmm, sabagay mahirap talaga sa part ni frenzy, lalo't dalawa lang silang magkapatid, syempre mas gugustuhin ng parents nun magka-apo sa kanilang dalawa" ang sabi ni ate leny at nag cross arm ito sabay sandal sa head board ng kama ko.

"anyway highway, kumusta na kayo ni desi?" ang pag-iiba ng topic ni ate leny.

"eto, nag eexplain, about kagabi" ang sabi ko  sabay taas ng konti sa phone ko. hudyat na kausap ko si desi sa chat.

"bakit, nagalit sya?" ang tanong ni ate leny.

"ewan ko ba dito, pinapaliwanag ko nga na kumain lang tayo with frenzy, saka ikaw ang nag-aya kay frenzy, kung ano ano na iniisip," ang paliwanag ko

"saka issue sa kanya ang hindi ko pag-uwi ng madalas sa condo, bakit daw ako nandito, para daw mapalapit ako kay frenzy?" ang dagdag ko pa.

"yang girlfriend mo ah, adik yata, naka singhot yata ng limang sakong buhangin sa saudi" ang sabi ni ate leny

"ate, abu dhabi!" ang sabi ko

"ay kahit saan pa yan, basta may "i" sa huli, adik pa rin yang girlfriend mo, makapanghinala sya parang totoo.. eh totoo naman!?" ang sabi ni ate leny sabay tawa ng malakas.

" ate, lakas ng trip mo, lumabas ka na nga!" ang sabi ko dito at tinutulak ko sya paalis ng aking kama.

"biro lang, pero teka teka, huwag mo ko itulak, babalian kita ng buto!" ang sabi ni ate leny.

"ikaw itong magulo dyan ate eh, papasok pasok ka dito tapos kung ano ano yang pinagsasabi mo kaya!" ang sagot ko dito.

"saka kaya mo?!, lakas ah?!" ang natatawa kong sabi.

"enough, magsasalita ako!" ang saway nito sa akin, hindi ko kasi sya tinitigilan na itulak paalis ng aking kama.

"bakit naman sya magagalit cathy, eh karapatan mo naman magliwaliw minsan, saka hello, until now nagseselos pa rin ba sya kay frenzy, my gosh ang tagal tagal nyo na ah!?" ang nanglalaking mata na sabi ni ate leny.

Space Between the LINES (girlxgirl) - on going EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon