XIII

3.9K 138 102
                                    

Frenzy P.O.V

"frenzy, pwede paforward sa akin ng drawing na ginagawa mo, kailangan na daw sa site" ang seryosong utos sa akin ni desi.

medyo natauhan ako sa kanyang pagsasalita, malayo kasi ang iniisip ko, hindi ko napansin na nasa likod ko na pala sya, bigla kong minimize ang windows ng aking computer at lumingon sa babaeng nasa likod ko na pala.

poker face lang itong nakatingin directly sa mata ko, parang ang lalim nun, parang tumatagos sa kalooban ko.

"sige desi, email ko na lang sa'yo, tapos ko naman na." ang sabi ko dito at walang kibong umalis sya sa likod ko at bumalik sa table nya na nasa left side ko.

hinanap ko ang files ng drawing na gusto ni desi at ng Makita ko ay agad ko itong inemail sa kanya.

"desi, nasend ko na, pa check na lang kung tama yung mga revision" ang sabi ko at tumingin pa ako sa kanya na busy ngayon sa kanyang cellphone na nagtatype.

"okay na yun, may tiwala naman ako sa'yo" ang sabi nito na hindi tumitingin sa akin.

napakunot ang noo ko, ano kaya nangyayari kay desi bakit bigla na lang itong naging seryoso, kanina namang umaga masaya ito at kwento pa ng kwento na pinagluto sya ni cathy ng breakfast then bigla na lang eto sya at kulang na lang ay hindi ako kibuin.

ayoko naman tanungin sya baka lalong uminit ang ulo nito kaya binalik ko na lang ang aking atensyon sa pagsusulat.. sulat para kay cathy.

matagal ko na rin syang hindi nakikita at nakakausap and marahil bigyan ko na ng closure ang sa aming dalawa para na rin mapanatag na rin ang kalooban ko.

aamin ko, noong nagkita kami sa mrt,.. kaming apat, hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko, lalo na ng nakita ko nakatingin si cathy, para bang ang tagal na naming hindi nagkita at sa mga oras na'yon gusto ko syang kausapin ng kausapin, kumustahin magtanong ng tungkol sa kanya pero naalala ko kasama ko si anne, at ayokong masira ang araw ni anne ng dahil lang sa ganung bagay.

at marahil kailangan na namin talagang tuldukan ang kung ano man ang meron sa aming dalawa. mahabang panahon na rin ang lumipas para sa amin, marami na ang nagbago, marami nang nadagdag na tao sa paligid namin at marami na ring nawala.

sa pagkakataong ito, hahayaan ko na, na ang nakaraan namin ay hanggang dito na lang talaga, wala ng babalikan wala ng sisimulan dahil ito na ang katapusan. gusto kong manatiling kaibigan nya, subalit may mga taong patuloy na nasasaktan kung ang pipiliin ko ay kapakanan naming dalawa. ano pa ba ang dapat panghawakan para sa amin, kung tutuusin sira naman na ang dating kami. at oo aaminin ko, ako ang may kasalanan subalit hindi lang naman din ako, pati sya dahil hinayaan nya. hindi sya lumaban. dahil ba bumitaw ako kaya bumitaw din sya?

ewan ko pero hindi ko na ito aalamin pa, hindi na rin ako maghahanap ng mga kasagutan sa mga tanong na kelan man walang katapusan. mahal ko si anne at alam kong mahal din nya si desi...

'maraming salamat sa panahong naging bahagi ka ng buhay ko'   -- SENT!

"frenzy, kumusta na kayo ni anne?" biglang tanong ni desi sa akin, andito kami sa isang fast food na malapit sa office namin, taking our lunch break.

"we're good, nakapag adjust na rin sa bahay and umalis na sya sa dati nyang work, mas maganda kasi offer nung bago" ang sabi ko.

"ah okay, mainam naman," ang sabi ni desi sabay kagat sa fries na hawak nya.

"kayo ni cathy, kumusta na?" ang tanong ko naman din kay desi.

"hmm, ayun busy pareho.. or most of the time ako, alam mo naman work load natin dito sa office" ang sabi ni desi at humigop ng softdrink

Space Between the LINES (girlxgirl) - on going EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon