XI

4.1K 121 19
                                    

Frenzy P.O.V.

"eto pa frenzy" ang sabi ni anne sabay abot sa isang maliit na carton box.

Nandito kami sa elevator ng bagong condo na kinuha namin, kasalukuyang nag-lilipat ng gamit mula sa dati naming tinirahan at ngayon ay bukod na kami ni anne, pero may isa kaming kasama, si hur, kasama ni anne sa trabaho, isa ding swimmer instructor pero sa mga matatanda naman.

"na-double check mo ba na wala ng naiwan sa sasakyan?" ang tanong ko kay anne.

"yes mahal.. wala na po" ang masayang sagot sa akin ni anne.

sabay kaming naglakad bitbit ang ilang kahong pinaglalagyan ng aming mga gamit.

"okay ka lang ba frenzy?" ang tanong sa akin ni anne, nakasulyap ito sa aking mukha na wari'y binabasa ang kung ano ang nasa aking saloobin.

"ah yeah, medyo nagui-guilty lang ako sa pag-alis natin, nahihiya ako kay ate jossie" ang medyo malumanay kong sagot.

pakiramdam ko magkakasakit ako, dahil feeling ko ang bigat bigat ng katawan ko.

"mukhang pagod ka ah, sige pahinga ka na lang sa room natin, ako na lang magpapasok ng ibang gamit" ang nag-aalalang sabi ni anne sa akin. 

inilapag ko ang aking bitbit na kahon sa living area kung saan andun na ang mga ibang kahon na kanina pa namin inaakyat from the lobby. wala naman kasi kaming makatulong na lalaki, si Hur na dapat makakasama namin dito sa bahay ay bukas pa darating from their previous house.

pumasok ako sa room namin, ang master bedroom, at last meron na kaming sariling banyo and magagawa na namin ni anne ang gusto namin gawin.

napangiti ako sa isiping pumasok sa utak ko, pati ba naman iyon ay naisip ko pa. hindi naman kasi kami nagkakasabay maligo ng madalas sa dating condo, hindi kami makagalaw ng maayos dahil andun si ate jossie at syempre andun sila cathy at desi...

si cathy.. sa pagkakausap pa lang nya sa akin sa site, alam kong concern na concern sya sa nararamdaman ni desi. 

"hindi mo ba naiisip cathy ang nararamdaman ko?"  parang gustong isigaw ng utak ko habang kinakausap nya ako.

sobrang awkward na naming tatlo na magkasama sa iisang bubong. at kahit sabihin natin madami ng taon ang lumipas, bumabalik at bumabalik ang ala-alang sakit na idinulot ng kahapon.

at isa pa, si anne, sobrang mapag-intindi nya sa sitwasyon ko, sa nakaraan ko, at kahit sa simpleng bagay na paglipat namin ng bahay ay maipadama ko naman sa kanya na, this time ang kasiyahan nya ang masusunod.

"frenzy!, eto na last na mga gamit natin," ang sigaw ni anne na nasa sala

naudlot ang aking pag-iisip ng narinig ko ang boses ni anne, dali dali akong lumabas ng room upang tingnan pa ang mga ilang gamit na naibaba na namin. 

nakita kong nakatayo si anne kaharap ang mga box na nasa labas, wari'y binibilang ang mga ito at nakapamewang ang isang kamay. 

napangiti ako sa ayos ni anne. ito ang isang bagay na gusto ko kay anne, kahit wala itong ginagawa sa akin, napapangiti nya ako kahit tingnan ko lang sya o kaya pagmasdan.

lumapit ako dito at hinapit ng yakap ang kanyang bewang, isiniksik ko ang aking mukha sa kanyang medyo basang leeg dahil na rin siguro sa pagbubuhat ng mga kahon at nagdulot ito ng ilang butil ng pawis sa kanyang katawan.

pero sa kabila ng lahat, ang bango pa rin nyang amuy-amuyin kaya lalo kong isiniksik ang akong mukha sa kanyang leeg.

"uyyyy, frenzy, may pawis ako, maasim na'ko, huwag" ang parang nahihiyang sabi ni anne sa akin at pilit na inaalis nya ang aking kamay na nakapalupot sa kanyang bewang

Space Between the LINES (girlxgirl) - on going EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon