Third Teardrop

5.2K 221 24
                                    

  -3-


NATE.

Maayos namang nagdaan ang araw ko.

Nakauwi na rin ako at ngayon nga ay nandito na ako sa tapat ng bahay namin. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang mga kuya ko. Bakit nandito na sila agad? Si kuya JP pa, day off niya ngayon eh.

"Nandito na si bakla!" Sabi ni kuya Mac.

Hindi ko siya pinansin at dumiretso na ako pagpasok. They're all half naked. Jusko. Ako ang naaalibadbaran sa nakikita ko.

Pumasok ako sa kwarto ko at nagpalit lang ako ng damit. At saka ako sumalampak sa higaan kong hindi kama.

I sigh, then tiningnan ko ang orasan. 3:30 na. Teka, agad agad?

Pinikit ko ang mata ko at naalala ko ang sinabi ni Drew kanina.

"I love you, pre."

Tanginang 'yan. Alam kong naj-joke lang sya. Ako lang 'tong nagpapaka-feeling affected. Napailing-iling ako. Hindi ko dapat iniisip 'yon.

Simula nung incident na 'yun kanina, hindi ko masyadong pinansin si Drew. Nailang na kasi ako. Though nag-uusap naman kami pero siya palagi ang nag-uumpisa at tanging oo, hindi, ewan at tango lang ang sagot ko.

Nung uwian na, sinabi niya na ihahatid na niya ako dahil malapit lang daw ang bahay nila sa amin, though hindi ko pa alam kung saan sila nakatira. Sabi ko, sasakay na lang ako ng tricycle. Baka pati mamaya masanay ako.

Naisipan kong umpisahan nang gumawa ng outline para sa report bukas, at bigla naman akong natigilan.

Sheteng panot na malupet. Nakalimutan ko 'yung libro! Sino bang kumuha noon?

Pinilit kong alalahanin kanina kung nakanino ang libro. Ang naalala ko lang kasi ay si Drew ang kumuha noong topic kay Mam. Pero alam ko, wala sa kanya 'yung libro.

Si Drew.

Binuksan ko ang phone ko at nag-open ako ng facebook. Si-nearch ko ang profile ni Drew at nakita ko ang friend request niya sa akin. Since doon na rin naman papunta ay hindi na ako nagdalawang-isip na i-accept ang fr niya.

I clicked his profile at hindi na ako nagulat sa timeline niya. Marami siyang reactors. Ang dp nya, nasa beach sya at topless. Naka shades. Serious look. Meron itong 7.5K reactions.

Bago ko pa maisipang i-stalk siya ay nagcompose na ako ng message para sa kanya.

Ako: Drew, ikaw ung kumuha ng topic na binigay ni mam, diba? Pa-pic naman tas send mo dito.

Sinend ko na 'yung message at naalala ko na hindi nga rin pala ako makakagawa ng outline nang wala sa akin ang libro. Unless magco-computer ako.

Maya-maya ay nagreply agad siya.

Drew: oo. Pero tinatamad akong picturan

Napairap ako sa reply nya.

Ako: Drew grade natin ang nakasalalay dito, pls pasend nung topic

Drew: tinatamad ako eh. Nandito rin sa akin 'yung libro pero tinatamad talaga akong mag-picture.

Nyetang Drew 'yan.

Ako: So anong gusto mong mangyari?

Drew: Dito tayo gumawa.

Natigilan ako sa reply nya. Putek. Pupunta pa ako sa kanila? Kung sa bagay, nabanggit naman niya na malapit lang ang bahay nila dito. Ang kaso, hindi ko naman alam kung nasan.

Pain ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon