Eighth Teardrop

4.1K 190 18
                                    


-8-

NATE.

Saturday morning. Nagulantang ang earth ko sa pagkalakas-lakas na tilaok ng manok ng kapit-bahay namin.

Sayang, nananaginip pa naman ako na nasa chocolate factory daw ako. May isang fairy daw doon na nag-aalok na kainin ko lahat mg chocolate don. Dapat daw maubos ko lahat ng nasa factory. Sabi ko pa nga, "ok lang ba? Gagamutin mo ba ako pag nagka-diabetes ako?" Haha.

Napatingin ako sa orasan at nakita kong alas diez (taray) na pala ng umaga. Wow. Na late pala ako ng gising.

Napuyat kasi ako kagabi after party, kakaisip kung ano kaya ang mangyayari sa akin ngayon. Kung anong pagkakaabalahan ko, kung darating ba 'yung tatay-tatayan ko para bugbugin ako at ang pogi ni Drew.

Ang pogi ni Drew? Chaaar!

Iniligpit ko na 'yung pinaghigaan ko. Bigla naman nag-vibrate ang phone ko and I received 2 text messages from an unknown number.

[+639030000001: g00d m0Rn!NgzSxzx!!...]

[+639030000001: mAgbUkHazXszx kaH ng fb m0h...j3j3j3]

At sino naman 'tong kamoteng 'to? Keaga-aga pinagbubukas ako ng fb? Teka, eh ganun naman ang palagi kong ginagawa. Hahaha.

[Ako na malupet: cnu 2]

[Kamote: bAxzstah...mAgbUkHazXszx kaH nAh lAngZxzs...]

Napairap ako. Ang sakit sa mata ng mga sinesend nya. Nakakahilo. Code ba 'to na kailangang i-decode?

Sumunod na lang ako at binuksan ko ang aking Facebook account gamit ang natitirang data ko para makapag-access ng internet. Wala naman sigurong mangyayaring masama.

Una kong binuksan 'yung notifications.

Drew tagged you in a post: feeling shunga.

Mabilis kong ti-nap 'yung notif na 'yun at halos maihagis ko ang phone ko sa nakita ko.

Drew updated his profile picture : feeling shunga. Tapos naka-tag ako.

Eto 'yung last picture namin kahapon. 'Yung mukha akong tanga.

Hindi ako nagmumura pero tangina, bakit nya inupload? Profile pic pa nya?! Ang malala, NAKA-TAG PA AKO!

TANGINA MO DREW!!! PATAY KA SAKIN SA LUNEES!

"Bwiset ka Drew. Bwiset ka. Bwiset ka." Sabi ko kahit alam kong hindi nya ako maririnig.

Magco-comment pa sana ako nang makarinig ako bigla ng isang nabasag na plato na feeling ko ay mula sa kusina.

Bigla akong kinabahan. Mukhang alam ko na kung sino 'yun. I turn off my phone at pumunta ako sa kusina. Hindi nga ako nagkamali.

Nandito siya. Nandito si Arnold.

Mukhang nalaman nya. Alam nya na umalis alo kahapon.

Nakatalikod sa akin si Arnold. Maya-maya ay bigla siyang lumapit sa akin at sinampal nya ako nang malakas.

Masakit.

"Para 'yan sa hindi mo pagsunod sa akin." Sabi nya.

Sinampal nya uli ako. Mas malakas.

"Ginago mo ako,"

At sinampal nya uli ako. 'Yung mas malakas pa.

"Wala kang respeto. Kebakla-bakla mong tao lumalandi ka. Nasan ang dignidad mo?" Sabi niya.

Pain ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon