Seventh Teardrop

4.4K 220 7
                                    

-7-

NATE.

Nag-stay muna ako dito sa The Student's Park. Parang wala muna akong balak magpakita kay Drew. Gusto ko munang magtago.

Mahirap na.

Minsan ko nang kinuwestyon ang sarili ko: kailangan ko ba talagang pigilan ang sarili ko? Kailangan ko ba talagang sundin ang ipinangako ko sa sarili ko na hindi muna ako manghihimasok sa mundo ng pag-ibig? Mapipigilan ko ba?

Itinakip ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko. I'm confused. Hindi ko na alam kung ano na ba talagang nangyayari sa akin. At hindi ako aware sa mga mangyayari kung ipagpapatuloy ni Drew 'yung mga ginagawa niya. Bwiset kasi siya eh.

Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Nalilito na ako.

"Nate," Napalingon ako sa tumawag sa akin. Hindi na ako nasurpresa nang makita ko si Drew na palalapit sa akin.

Ayan, Drew. Ayan. Nakakainis kang leche plan ka.

"Bakit bigla kang umalis?" Tanong niya at tumabi siya sa akin, "May problema ba?"

"H-ha? Wala, wala." Medyo defensive kong sagot.

Pakiusap Drew, wag ka nang magtanong ng magtanong. Manahimik ka na lang. Wag ka ng magtanong please.

"Eh bakit ka umalis? May nararamdaman ka ba? By the way, narinig mo ba kung gaano kaganda ang boses ko? I sung that song for you, favorite mo 'yun, 'diba?" Sabi niya.

Punyeta.

"Ah? Hindi. I mean, oo. Ay hindi pala. Ay alin ba, 'yung boses mo? Oo, maganda boses mo. Ramdam ko nga eh. Tagos sa bone marrow ko," sabi ko.

"Eh bakit ka nga umalis?" He asked, kaya napaiwas ako ng tingin.

"Nag-cr lang ako," Sabi ko.

"Eh bakit hindi ka bumalik? Bakit dito ka dumiretso?"

Putek naman, Drew. Nakakayamot ka na ha.

"Wala lang, sa sobrang ganda kasi ng boses mo, naisipan kong magpag-isa habang naririnig kitang kumakanta."

He pouted, "Weeh?" Putek. Uso pala sa kanya ang mag-pout?

"Oo nga," I said, at nginitian ko na lang siya.

Actually, totoo 'yun. Na-appreciate ko ng bongga 'yung boses nya. Napaka-solemn, ang warm.

Sakto sa pandinig. Hindi siya kagalingan katulad ng mga sumasali sa tawag ng tanghalan o The Voice, pero meron siya nung boses na tinatawag nating kahit sinong kantahan niya eh maaantig ang ngalangala este puso.

Kaya ako pumunta dito.

"Ok, ok. Fine. Uhm, Nate,"

At dahil wala akong balak lingunin siya ay tumingin na lang ako sa langit. Tumayo siya saglit at may kinuha siya.

Isang bulaklak na hindi ko alam kung anong tawag. Ibinigay niya ito sa akin.

"A-ano na namang kalokohan 'yan," sabi ko sa kanya.

He smiled shyly, "Bulaklak, can't you see?" Sabi nya. Putek. Napataas ang kilay ko.

Ok?

He chuckled, "Joke lang. Wala lang. Trip ko lang. Binibigay ko lang sa'yo. Wag na wag mong itatapon 'to, ha? Iipit mo 'to sa libro para hindi mawala. Memory 'yan." Sabi pa nya.

Iniabot nya sa akin 'yung bulaklak at kinuha ko naman ito. Tumingin rin siya sa langit.

"Ok, salamat sa memory," sabi ko.

Pain ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon