Twenty First Teardrop

3.7K 190 12
                                    

-21-

NATE.

"Nate anak, sigurado ka na ba talaga? Tandaan mo, kailangan mong umulit ng senior high school mo kung lilipat ka dito. Ilang buwan ka nang napasok diyan."

Wala sa sarili akong tumango. Nandito kami ngayon sa kwarto ni kuya, kausap namin si nanay sa kanyang mumurahing laptop.

Gusto ko nang umalis dito. Gusto ko nang takasan ang lahat ng sakit na nararanasan ko.

"Tamang-tama, Nate, matagal nang nakahanda ang papeles mo. Kailangan mo na lang ng F1 Visa. Dalawa hanggang apat na linggo ang proseso noon at tutulungan ka ni JP sa pagpo-proseso. Si Fe ang tutulong para sa admission mo dito." Sabi ni nanay.

Bumuntong-hininga ako. Tingin ko, ito na lang ang paraan para makaalis dito.

"S-salamat nay."

"Nate, kung talagang sigurado ka na, sinasabi ko sa'yo na tama ang desisyon mo. Matutulungan rin natin ang kuya JP mo na makapag-ipon diyan." Sabi pa ni nanay.

Tumingin ako kay kuya JP. Lately napapansin ko na nangangayayat nga si kuya. Halos walang natitira sa kanya kahit mag-isa lang ako dito dahil sa mga binabayaran naming bill, hulugan ni nanay sa pautang na hindi pa tapos hanggang ngayon, at pangkain at pagpapaaral sa akin.

Alam kong may mga pangarap pa si kuya na gusto nyang matupad. Pero hindi nya magawa dahil ang dami niyang kailangang suportahan.

Huminga sya ng malalim. Hinawakan nya ako sa magkabilang braso.

"Ok lang ako, Nate. 'Wag mo akong alalahanin." Sabi nya. Tumungo ako. Gusto kong umiyak. Pero kailangan kong maging matatag. Kailangan ko.

"Anak, si Fe ang susundo sa'yo pagkatapos ng lahat ng proseso sa papeles mo." Huminga ng malalim si nanay at nararamdaman kong nanginginig na ang boses niya "pagkatapos naman ng dalawang taon, makakabalik na tayong lahat diyan. Hintayin lang nating maka-graduate ng kolehiyo si Lance. Mabubuo ulit tayo. Tiwala lang." Sabi niya.

Ngumiti ako ng pilit. Dalawang taon. Saktong-sakto. Kuya Mac'll only spend 2 years. Ayaw nya daw kasing maiwan doon na nag-aaral kaya sasabay na sya. Ok na rin iyon, kesa dito na lalong hindi sya makapagpatuloy. Si kuya Lance, kukuha sya ng Bachelor's degree since 3rd year college na sya ngayon. Pagkatapos nila, saktong graduate ko naman ng highschool. Maipapangako ko kayang babalik ako pagkatapos ng dalawang taon?

"Salamat Nay. Kayang kaya natin 'to."

"Sige nak. Pano ba yan, mauna na ako ha? May kailangan pa akong asikasuhin. Mahal na mahal ko kayo. Ingat kayo ha. Lalo ka na JP. Pagkaalis ni Nate diyan, makakapag-ipon ka na."

Ngumiti ng malungkot si kuya, "Mahal ka rin namin, nay. Mami-miss ko kayo."

Ngumiti si nanay at naputol na ang tawag.

Niyakap ako ni kuya.

"Mami-miss kita." Sabi nya.

"Kuya, dalawang taon lang 'yun. Madali lang 'yon." Sabi ko. I tried my best to chuckle.

"Nate," sabi ni kuya at nagulat ako nang isa-isa nyang tinanggal ang pagkakabutones ng marumi kong polo.

"K-kuya, anong ginagawa mo?" Naguguluhan kong tanong.

Hanggang sa mahubaran na nya ako at makita nya ang tinatago ko.

"Nate, sabihin mo nga sa akin. Nakipagbugbugan ka ba?" Tanong nya.

Napatungo ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Parang may nakabara sa lalamunan ko.

"K-kuya--" Iku-kuwento ko na sana kay kuya ang nangyari sa akin ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Arnold.

Pain ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon