-12-
NATE.
Walang pumapasok sa utak ko ni isa ngayong lecture time. Hindi ako makapag concentrate sa mga lesson. Preoccupied ang utak ko. Ang dami kong iniisip.
Ang daming bumubulabog sa utak ko.
Nagtataka ako sa nangyayari sa akin. Dati, noong junior high pa ako, madalas talaga akong magka-crush. Nako-conscious rin ako pag nakakaharap ko sila o nakakausap.
Pero iba 'yung ngayon. Ang lala, grabe. Ang hirap.
Sa sobrang dami kong iniisip ay nalutang ako. Antok na antok ako at wala na talagang pumapasok sa utak kong mga lesson totally. As in. Hanggang mag-uwian lutang na lutang ako.
Iniligpit ko na ang mga gamit ko. Hindi ko na kinausap si Rachel at Drew. Kahit sino sa mga kaklase ko, wala akong kinausap. Parang tinatamad 'yung tonsil ko na mag-release ng soundwave.
Paglabas ko ng room, napagdesisyunan ko munang pumunta sa The Student's Park. Sa mga pinagsasabi nung mga teacher namin kanina, ang pinagtuunan ko lang ng atensyon ay 'yung binigay na assignment. Kaya ako pumunta dito para gawin 'yon. Gusto ko na kasing matulog mamaya pag-uwi ko.
Ilalabas ko na sana 'yung module na hiniram ko pa kay Sir. Ramos nang bigla namang may sumulpot sa likuran ko.
"Uy, Nate!" Sabi niya. Si Rachel.
"Oh, hello."
"Uhm, Nate, pwede ba kitang kausapin about dun sa checklist?" Tanong niya.
Nginitian ko sya at tumango ako.
Oo nga pala. May duty pa nga pala ako. Ang pagiging matchmaker. Putek na kamartiran 'to.
"Gusto ko kasing kausapin si Drew, eh kaso mukha ko pa lang ayaw na nyang makita. Since pansin ko na medyo close kayo, pwede mo ba akong tulungan?"
Yeah right, medyo close.
"So, uumpisahan mo nang gawin 'yung mga nasa checklist?"
She nodded. Kinuha niya 'yung papel na sinulatan namin nung checklist.
Binasa namin uli yun.
Checklist: Muling Painlabin si Drew
□ Kulitin mo sya ng kulitin kahit pinagtatabuyan ka nya. Lalambot rin 'yan, tiwala lang.
□ Yayain mo sya mag-lunch.
□ Gumawa ka ng isang bagay na hindi mo pa nagagawa sa kanya dati. 'Yung tipong masusurpresa sya at mahahabag ang damdamin nya. Haha.
□ Yayain mo ulit siyang makipag-kaibigan sa'yo.
□ Iparamdam mo sa kanya na nandyan ka lang sa tabi nya palagi.
□ Yayain mo siya ng date, ganern!
□ Halikan mo siya sa labi. Wag torrid ha, kalmado lang!
□ Ipa-realize mo sa kanya na mahal ka pa rin nya hanggang ngayon.
□ Kailangan mong mapasabi sa kanya na mahal ka nya.
□ At kapag nasabi nya na 'yun, sabihin mo rin sa kanya na mahal mo siya. The end.
"Gusto ko na sanang umpisahan 'yung una ang kaso ni-ayaw naman nyang tumingin sa akin," sabi nya.
I tried not to roll my eyes. Akala ko ba, basic?
"Magplano ka na lang ng gagawin nyo. Yung yayayain mo sya. Kulitin mo sya. Hayaan mo syang mainis, kung gusto mo talagang mapansin ka nya, kailangan mong habaan ang pasensya mo." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Pain ☑️
Humor[BXB] 🟢 An ever cliché unrequited love. Story of a 16-year-old boy named Nate, who were about to face different consequences that love brings. Sabi niya, hindi daw muna siya mai-inlove dahil hindi daw iyon ang forte niya. Then one day, mame-meet ni...