Fifteenth Teardrop

3.9K 167 4
                                    


-15-


DREW.

Muntikan nang magalit si Nate sa akin dahil palagi ko daw siyang hinahatid sa bahay nila. Tumigil na daw ako. Padagdag daw kasi nang padagdag ang utang na loob nya sa akin.

Napatawa pa nga ako nung sinabi nya 'yun. Sabi ko, ok lang. Magkaibigan naman kami. Aba ang loko lalong nagalit! Lalo rin tuloy akong natawa. Hahaha!

Pumasok na rin ako sa bahay namin at dumiretso sa kwarto para magbihis.

Habang nagbibihis ako, bigla akong may naisip. Tangina. Kahapon pa ata o nung isang araw sinabi sa akin ni Nate 'yung sinabi ni kuya sa kanya. Ngayon ko lang naalala.

Gago talaga 'yung unggoy na 'yun. Ni-hindi nga nakapasok ng sala si Rachel. Hanggang kubo lang sya. Tapos makikita nya kami sa kwarto ko pa? Kung batukan ko kaya sya?

Speaking of Rachel. Litong-lito na ako sa pinaggagagawa nya. Pero isa lang ang alam kong gusto nyang mangyari: ang bumalik ako sa kanya. Na hinding-hindi mangyayari kahit kailan. Ano, tatangahin nya uli ako? Lolokohin nya uli ako?

Paa nya. Maghanap na lang sya ng ibang pagmumukhain nyang tanga.

Sa totoo lang, what's so wrong about befriending her again? I mean, kung pagkakaibigan pa sana ang io-offer nya magpapaka-soft ako. Hindi ko muna iisipin ang pride ko. Pero hindi eh. Nagpupumilit talaga sya na bumalik ako sa kanya. Kating-kati ba talaga sya sa relasyon? Eh ang dami-daming single dyan eh!

Ang gusto ko lang naman, maayos na usapan. Kaya noong sinabi ni Nate sa akin kanina 'yung tungkol sa lunch, wala naman talaga akong balak tumanggi. Gusto ko lang kasama si Nate. Kung anong dahilan, wala na kayong pake don.

Wala lang, gusto ko lang nandun si Nate.

Lumabas na ako ng kwarto ko at dumiretso sa kusina. Kukuha na sana ako sa ref ng tubig na maiinom nang bigla namang may nagdoorbell.

Uminom muna ako ng tubig at sinilip kung sino 'yung nasa gate. At nagulat ako nang makita ko kung sino ito.

Si Santi.

Ikinuyom ko ang kamao ko. Wala akong ideya kung bakit nandito sya o kung paano nya natunton ang bahay namin at kung anong pakay nya dito. Ang lakas ng loob niya. Ang lakas, sobra.

Ano kayang gagawin niya dito? Hihingi ng tawad? Eh parehas na nilang sinira ni Rachel ang tingin ko sa salitang kapatawaran eh.

Lumapit ako sa gate at binuksan ko ito. Hinarap ko siya. Ipapakita ko na matatag ako. Na hindi na ako apektado.

"Nandito ako para sabihin sa'yo ang totoo." matigas niyang sabi.

Nginitian ko sya. 'Yung matamis.

"Ang laking salita na nanggaling pa talaga sa bibig mo, ha? Totoo. Na ano? Magpapakasal na kayo ni Rachel habang habol sya ng habol sa akin? Sige nga, ano pa? Ano pang kasinungalingan ang sasabihin mo?" Sabi ko sa kanya.

Nakita ko kung paano kumuyom ang mga kamao nya.

"Drew, hindi ako mahal ni Rachel. Wala akong pake kung gusto mong maniwala o hindi. Pero ayun ang totoo." Sabi nya.

Tumahimik kami saglit. Hindi ako nagsalita. Hinintay ko lang syang sabihin ang mga lalabas sa bibig nya.

"Desperado ako sa pagmamahal ni Rachel. Drew, hindi niya ako sinagot. Nagsinungaling ako sa'yo. Ang totoo, kinamumuhian niya ako." Sabi pa nya.

Natigilan ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Pinroseso ito ng utak ko at pilit kong isinasaksak dito na sana hindi totoo ang sinasabi nya.

"A-anong sabi mo?"

Pain ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon