- 14 -
NATE.
"Drew looks at me, I fake a smile so he won't see
That I want, and I'm needing everything when hes with me.
I'll bet she's beautiful, that girl he talks about.
And she's got everything that I had to live without."Unti-unti kong iminulat ang mata ko at naghikab pa ako. Kinapa-kapa ko 'yung higaan ko at hinagilap ko 'yung phone kong nag-aalarm.
Teka, bakit parang hindi ako makakilos?
"Drew talks, to me, I laugh 'cause its so damn funny.
That I can't even see
Anyone when he's with me
He says he's so inlove, hes finally got it right.
I wonder if he knows he's all I think about at night."
Tumingin ako sa paligid at saka ko lang napansin na nasa kwarto pala ako ni kuya.
Nakayakap siya sa akin. Nakadantay din ang isang binti niya sa katawan ko."He's the reason for the teardrops on my guitar.
The only thing that keeps me wishing on a wishing star.
He's the song in the car, I keep singing don't know why I do."Kinuha ko yung cellphone ko at pinatay ko 'yung alarm. Punyetang alarm 'yan. Sino bang pumili nyan?
Ako ba? Sorry.
Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakayakap sa akin ni kuya at lumabas ako ng kwarto niya para maghanda na pagpasok.
Grabe. Akala ko hapon pa lang. Umaga na pala. Naalala ko na naman 'yung kung paano ko nakitang nakangiti si nanay, kung gaano pa rin kakulit si kuya James at Mark.
Haaaay, gusto ko na silang makita uli.
Kumilos na ako para sa pagpasok. Sa totoo lang, inaantok pa ako. At ang sakit sakit pa rin ng katawan ko. Hindi pa rin natatanggal 'yung mga pasa ko sa katawan.
Hindi na rin ako nakakain ng almusal. Naku, patay ako kina kuya. Sabi nila kumain daw ako nang maayos. Eh ano 'tong ginagawa ko ngayon?
Para tuloy akong bangkay na naglalakad papasok ng room namin.
"Hi Nate," sabi ng isang lalaki sabay akbay sa akin.
Napapikit ako. Isa pa 'tong si Drew. Puro panggulo sa nararamdaman ko eh.
Hindi ko na siya sinagot at hinayaan ko na lang siyang umakbay sa akin. Nang biglang may humarang sa amin. Si Rachel.
Joke, si Drew lang talaga 'yung hinarangan nya.
Sinubukan ni Drew na sa kabila dumaan pero hinarangan uli siya ni Rachel.
"Kausapin mo muna ako, Drew." Sabi nya.
Napaface-palm si Drew.
"Rachel, itigil mo na 'to." May diin na sabi ni Drew.
"Pero--"
"Pakiusap."
Wala nang nagawa si Rachel kundi ang umalis. Dumaan na si Drew at tumingin sa akin. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ko muna sya.
"Drew, kung kinakausap mo kaya muna sya." Sabi ko.
Nakita kong kumunot ang noo nya.
"Nate? Ok ka lang?" Sabi nya.
"Pero Drew, tingnan mo sya. She's crying." Sabi ko.
Lumingon si Drew kay Rachel. Nakatalikod ito at nakatungo. Alam kong umiiyak sya dahil sa hikbi niya.
BINABASA MO ANG
Pain ☑️
Humor[BXB] 🟢 An ever cliché unrequited love. Story of a 16-year-old boy named Nate, who were about to face different consequences that love brings. Sabi niya, hindi daw muna siya mai-inlove dahil hindi daw iyon ang forte niya. Then one day, mame-meet ni...