(Special chapter for all of you. Gusto ko sana book two kaso masyado nang nagdrama yung mga bida natin. So special chapters na lang. Haha.)
Special Chapter 1:
After the dramatic endingNATE.
"Akala ko talaga pakana mo 'yung fireworks kanina." Sabi ko kay Drew.
Nandito kami ngayon sa isang restaurant sa loob ng Mall of Asia. At syempre ano pa bang ginagawa namin dito? Edi kumakain. Sina kuya at mama ay nauna nang umuwi.
"Anong tingin mo sa akin, gagaya sa mga lead man na gumaganap sa mga k-drama? At saka isa pa, I know na attracted ka sa fireworks but I know as well na you're not into that. Kilala kita, ayaw mo ng masyadong pinag-eeffortan ka." Sabi nya.
"Pero kung ganung effort naman aba, syempre gugustuhin ko 'yon! Haha!" Sabi ko at napatawa ako. Pati siya ay napatawa rin.
I don't know if it's just me pero parang gusto kong umiyak ngayon. Ang tagal ko kasing hinintay ng moment na 'to. Though noong mga nakaraang araw pa kami magkaayos pero itong fully fixed na kami pareho, sobrang fulfilling.
Para bang wala na akong gustong hilingin pa bukod sa makasama ko siya habambuhay. Drama ko. Haha.
"Nate, may tanong ako." Sabi ni Drew sa ginta ng pagkain nya.
"Ano?"
"Hindi ko alam kung naitanong ko na sa'yo 'to pero, kelan ka nag-umpisang magkagusto sa akin?" Tanong nya.
Medyo natigilan ako. Naitanong na ba nya? Feeling ko oo. Tapos ang sagot ko, hindi ko alam. Basta ko na lang naramdaman na mahal ko na sya.
Tiningnan ko sya at ngumiti ako.
"Alam mo noong highschool tayo?" I asked him.
Tumango siya.
"Acquaintance Party, naalala mo?"
Medyo napaisip sya at tumango rin naman sya ng maalala nya.
"Tinanong mo ako kung anong favorite song ko. Sabi ko, 'yung Ngiti. Actually nagtataka ako nung time na 'yon pero hindi na ako nag-aksaya ng oras na itanong sa'yo kung bakit no natanong 'yon. Then, nung nag-start na 'yung party bigla kang nawala. I think dinner time 'yun. Or after dinner time. Tapos bigla kong malalaman na may intermission ka pala." Sabi ko.
Napatawa si Drew. Nakita ko na naman ang dimples nya.
Nakakainis. Paulit-ulit na lang ba akong mahuhulog sa taong 'to? Sa totoo lang, ang swerte swerte swerte ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit o paano ko sya nahanap. Bigla na lang siyang pumasok sa buhay ko.
"Natatandaan mo pa 'yun? Nate, ang tagal na non." Sabi nya.
Ngumiti ako. "Alam ko. Kumanta ka noon. Tapos nagulat ako sa tune nung kinanta mo. Ngiti by Ronnie Liang. Alam mo bang nakakainis ka? Bakit mo ginawa 'yun? For God's sake, Drew, highschool tayo noon. Marupok pa ang mga kagaya natin. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinaasa noon." Sabi ko.
At saka ko ipinagpatuloy ang pagkain ko. Hindi ko na kasi masyadong nagagalaw.
Napansin ko na ngumiti siya.
BINABASA MO ANG
Pain ☑️
Humor[BXB] 🟢 An ever cliché unrequited love. Story of a 16-year-old boy named Nate, who were about to face different consequences that love brings. Sabi niya, hindi daw muna siya mai-inlove dahil hindi daw iyon ang forte niya. Then one day, mame-meet ni...