Twentieth Teardrop

3.7K 169 4
                                    

-20-

DREW.

After namin mag-training ay bumalik na rin kami ni Jay sa klase. At simula rin noong makabalik kami ay napansin kong iwas na iwas na si Nate sa akin. Hindi ko lubos maisip kung anong dahilan. Actually, medyo nasanay na ako sa ganitong ugali nya. May pagka-moody.

Pero ngayon, parang iba. Parang ayaw nya talaga akong kausapin. Lumipat pa nga sya ng upuan.

Si Rachel, I don't know. Hindi pa rin ako handang harapin sya. Parang unti-unti ko pa lang binabasag ang makapal na harang na namamagitan sa aming dalawa.

Kung paano ko basagin ang harang na namamagitan sa amin ni Rachel, si Nate naman ay nagtatayo ng harang sa pagitan namin. Hindi ko alam kung saan ako lulugar.

Ang tanong, bakit niya ginagawa 'yun?

Nung sabado naman, ok pa ah? Nakitulog siya sa kwarto ko, nagbibiruan pa kami, pero bakit ngayon, para akong nakagawa ng napakalaking pagkakamali sa kanya?

Ang malala, makikita ko pa siya ngayon na nakikipag-usap sa iba. Samantalang sa akin, ni makatingin hindi magawa. Ano bang problema, Nate?

Oo. Lumipat si Nate ng upuan doon sa tabi ni Ivan. Sya 'yung nag-iisang member dito sa room namin ng dance troupe.

Na-badtrip tuloy ako bigla. Mas close kami eh. Tapos ngayon nagagawa nyang makipagkwentuhan sa iba? Sa akin hindi?

Kanina pa siya ganyan. Tuwing tatawagin ko siya, hindi siya titingin sa akin pero sasagot siya ng "Ha?" kahit obvious naman na narinig nya. Sasagot 'yan, tango at iling lang.

Ang ikinalilito ko pa sa kanya, ang dami-dami namang babae dyan na pwede niyang tabihan.

Bakit sa lalaki pa? Tangina.

Napa-'tsk' na lang ako at ipinagpatuloy ko na ang pagsusulat.

~*~

Lunch time. Sinubukan kong yayain si Nate na samahan ako sa canteen just like the usual. Pero yayayain ko pa lang sya, wala na sya sa upuan nya. Pati 'yung Ivan na yun, wala na rin.

Teka. 'Wag nilang sabihing pati sa lunch magkasama pa rin sila? Nakakainis naman. Nababadtrip ako.

Padabog kong isinara ang bag ko at lumabas ako ng room para pumunta sa canteen mag-isa. Ayokong sumabay kina Lloyd.

Gusto kong ipakita kay Nate na mag-isa akong kumakain. Ipapakita ko sa kanya na malungkot ako at nag-iisa.

Hindi pa man ako lubos nakakalayo sa room namin, nahagip na ng dalawang mata ko ang dalawang tao. Si Nate and Ivan.

Kanina tamang hinala lang ako at ipinagwalang bahala ko na lang. At ngayon na tumama talaga ang hinala ko, lalo akong nainis. Mukhang ang saya-saya ni Nate. Patawa-tawa eh.

Sa hindi ko malamang kadahilanan, hinablot ko si Nate mula kay Ivan sa pamamagitan ng paghawak sa braso nya.

"D-drew," si Nate.

"Yep. Ako nga."

Nagsalita si mukhang bisugo, "Pre may problema ba?" Paangas na sabi nya.

"Kinukuha ko lang ang hindi sa'yo." Sabi ko at tumingin ako kay Nate, "At ikaw, bakit hindi mo sabihin sa akin kung may nagawa ba ako? May problema ba? Bakit mo ako iniiwasan?" Sabi ko sa kanya.

Napatungo sya, "Wala, Drew, wala. Walang problema. Wala kang nagawa. Bitawan mo na ako."

Sabi nya at pilit nyang tinanggal 'yung pagkakahawak ko sa braso niya pero mas hinigpitan ko pa ang hawak ko para hindi sya makapalag.

Pain ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon