-22-
NATE.
Nasabi ko ba sa inyo na madalas din akong magsulat ng mga istorya? Madalas kong ilagay ang sarili ko sa mga bida sa istoryang isinusulat ko. At doon, nailalabas ko lahat -- galit, saya, lungkot, gulat, maging kilig at takot ngunit hindi ko nararamdaman. Dahil nasa imahinasyon ko lang sila.
Pero ngayon, para akong nasa loob ng isang istorya na hindi ako ang manunulat. Dahil sinasaktan, tino-torture at pinapaasa ako ng nagsusulat ng kwento kong ito.
"A-anong sabi mo?" Tanong ko sa kanya habang nanginginig ang labi ko.
Lumapit siya sa akin. "C'mon, Nate. Alam kong narinig mo ako. At lahat ng sinabi ko sa'yo, walang halong biro kahit isang letra."
Tinakpan ko ng dalawa kong kamay. Tuloy-tuloy na ang pag-agos ng luha ko.
"D-Drew.."
"Yes, Nate. I fell in love with you. Alam mo, matagal ko na lang niloloko ang sarili ko. Why? Kasi iniisip ko na baka natutuwa lang ako sa'yo, masaya lang talaga akong kasama ka pero noong wala kang paramdam, Nate tangina, sobrang sobrang sobra akong nag-alala sa'yo. Kaya hindi ako sa natutuwa lang sa'yo. Hindi lang ako basta masaya kapag kasama ka. Whenever I'm with you I'm feeling in love as well. Sabihin mo sa akin Nate," he paused at hinawakan nya ang magkabila kong pisngi, "sabihin mo sa aking hindi pa ako huli. Dahil hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko sa hindi pagsabi agad sa'yo."
Hindi ako nakapagsalita kaagad. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gulong-gulo ako. Gusto kong paniwalaan ang lahat ng sinasabi nya. Pero ayokong umasa dahil baka panibagong pain na naman ang idulot nito.
"Drew, mahal rin kita. Pero parang hindi ko kayang higitan ang pagmamahal na ibinigay sa'yo ni Rachel dahil hanggang ngayon, kayo pa rin--"
"Tigilan nga, Nate! Puta mahal na mahal kita, 'wag mo akong pikunin through mentioning Rachel! Wala na akong nararamdaman sa kanya and we're completely over. Sa tingin mo ba, sasabihin ko sa'yong mahal kita kung mahal ko pa siya? Hindi ako gago, Nate. Ikaw na ikaw na lang. Ikaw lang. Wala akong pake sa sasabihin ng ibang tao. Husgahan na nila tayo kung manghuhusga sila. Bakit, hawak ba nila ang kapalaran natin? Nagmamahalan lang tayo, wala tayong ibang ginagawang masama!"
Hindi ako nagsalita.
"Nung nakita mo kami? Sinabi ko sa kanya na may iba na akong mahal. Kung naguguluhan ka sa akin at galit ka dahil doon, I'm telling you, Nate. That's a huge misumderstanding. She even force kissed me." Paliwanag nya.
Parang bigla namang umatras ang luha at uhog ko. Ok, Nate. Ok. Ikaw ang may kasalanan. Ikaw ang may maluwag na tornilyo sa utak. Ikaw ang hindi nag-iisip muna bago conclusion.
I forced myself to smile, "O-ok, Drew. Sorry. Mali ako ng isip. Sorry Drew. Katangahan ko."
"Nate hindi kita sinisisi. What I need to know now ay kung totoo ba ang sinasabi mo na aalis ka.."
I sigh, "O-oo, Drew. Lahat ng nabasa mo sa sulat, totoo 'yon."
Napapikit siya. He heaved a deep sigh.
"Ok, Nate. Tatanggapin ko. Basta ipapangako mo sa akin na babalikan mo ako." Sabi nya at niyakap nya ako.
Umuulan. Dapat lamig ang nararamdaman ko. Pero dahil yakap-yakap nya ako, I feel warmth.
Sana tumigil ang oras.
"Ipinapangako ko sa'yo, Drew. 2 years lang 'yun, madali lang 'yon."
"Eh kung tatlong linggo ngang hindi ka nakikita parang nade-depress na ako, dalawang taon pa kaya? Baka mabaliw pa ako kapag hindi mo ako binalikan." Sabi nya.
BINABASA MO ANG
Pain ☑️
Humor[BXB] 🟢 An ever cliché unrequited love. Story of a 16-year-old boy named Nate, who were about to face different consequences that love brings. Sabi niya, hindi daw muna siya mai-inlove dahil hindi daw iyon ang forte niya. Then one day, mame-meet ni...