Fourth Teardrop

4.7K 224 14
                                    

-4-

NATE.

Nang mapansin ko na masyado na palang madilim ay naisipan ko nang magpaalam kina Drew. Tapos na rin kasi 'yung outline na ginawa namin. Reporting na lang talaga bukas.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Drew kanina. Na ako daw ang makakatulong sa kanya para maibalik ang nawala niyang sarilim hindi ko alam kung bakit niya nasabi 'yon. Samantalang kung tutuusin, hindi pa ganoon katagal ang pagkakakilala namin sa isa't isa. It's weird. Pero, nasabi na nya eh. Susuportahan ko na lang sya.

Nag-umpisa na akong maglakad papunta sa bahay. At nang malapit na ako dito ay napansin ko ang isang motor na naka park dun sa may harap ng pintuan namin. 

Pumasok ako sa bahay namin at nagulat ako nang makita ko si nanay na may kausap na isang lalaki. I think he's on his mid 30's - 40's.

 "A-anak.." Napatingin ako kay nanay. Kita ko ang pag-aalinlangan sa mukha niya.

 Tiningnan ko lang siya at nang mapansin niyang wala akong balak umimik ay siya na ang nagsalita.

 "Anak, si Arnold. Ang bago kong kinakasama. Alam kong galit kayo sa akin sa ginawa ko at naiintindihan ko. Pero sana, tanggapin nyo rin siya at mahalin na parang tunay nyong ama." Sabi niya.

Napangiti ako ng mapait.

"Para namang ginawa nyong appliance si tatay, nay. Na pagkatapos masira, bumili kayo ng panibago. Ganun na lang ba, nay? Basta na lang ba? Konting respeto naman kay tatay, kakamatay lang niya oh," sabi ko. Ramdam ko ang inis sa pananalita ko.

 "Anak, alam ko 'yun. Binibigyang importansya ko ang kamatayan ng tatay nyo. Pero ina nyo ako. Alam ko kung paano ko kayo maaalagaan nang maayos. Kakailanganin nina Lance at Mac si Arnold habang wala tayo dito, Nate."

Sabi ni nanay na nagpagulo sa isipan ko.

"A-ano, nay?"

Huminga si nanay ng malalim.

"Nasabi sa akin ni Fe, kapatid ni Arnold na may inaalok na scholarship program para sa mga Pinoy sa US. Gusto niya na i-grab mo ang opportunity na 'to lalo na't mag-aapply rin ako ng trabaho doon, Nate. Kapos na kapos na tayo. Hindi ko na kaya ang maliit na sweldong natatanggap ko sa pangangatulong sa Pangasinan. Maiiwan muna dito sina Lance at Mac. Titigil na muna sila sa pag-aaral. Pagkatapos mo, saka sila magpapatuloy. Nandito si JP at Arnold para bantayan sila," sabi ni nanay.

Isinara ko ang kamao ko. Napatingin ako kay kuya Lance at Mac. Nakatungo lang sila at kung anu-anong kinakalikot. Para bang wala na silang magagawa.

Nakita ko rin sa likod nila ang dalawang maleta. Isang malaki at isang maliit.

"Matagal na ba 'to?" Tanong ko.

"O-oo, anak. Naasikaso ko na ang mga papeles at visa. Tinulungan ako ni Fe," sabi niya.

Nilapitan ko 'yung dalawang maleta at binuksan ko ito. Pinagkukuha ko ang mga gamit doon at nilabas ko.

"Hindi, walang aalis." Sabi ko.

"Nate! Hindi ka ba nag-iisip? Sabihin mo lang kung ayaw mong sumama, sina Lance at Mac ang isasama ko at ikaw ang titigil sa pag-aaral! Maiwan ka dito!" Sabi ni nanay.

Tumayo ako at hinarap ko siya.

"Hindi pa ba kayo kuntento? Nay, ayos naman ah? Nakakapag-aral naman ako ah? Kahit pamasahe lang ibigay nyo sa akin at halos wala na akong baon, ok lang naman sa akin! Sina kuya Mac, kuya Lance,  ayos lang rin naman sa kanila ah? Nay, hindi natin kailangang umalis! Walang dapat umalis!" Pasigaw kong sabi.

Pain ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon