-24-
NATE.
4 YEARS AGO
"N-nate.."
Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ako ng malalim. Napahawak ako sa dibdib ko. Mabilis pa rin ang tibok nito.
"Nay, ayoko. Ayokong manatili pa dito. Gusto ko nang bumalik. Gusto ko nang bumalik nay.." sabi ko kay nanay.
Hindi ko na rin napigilan ang luha ko. Umiyak ako habang pilit ko pa ring pinapakalma ang sarili ko.
"A-anak, hindi daw talaga pwede. Kailangan mong ma-diagnose. Ituloy mo na lang ang college mo dito habang ginagamot 'yang sakit mo at the same time. Anak, ako rin. Gusto ko na ring bumalik sa dati. Pero mas mahalaga ang kalusugan mo." Sabi ni nanay.
"Pero nay, hindi ba pwedeng doon na tayo magpagamot? Gusto ko na talagang umuwi."
"Anak, gustuhin man natin, medyo umaatake pa sa ngayon ang sakit mo. Hindi pa tayo makakaalis hangga't hindi nabuti ang kalagayan mo." Sabi ni nanay.
Napatungo ako. Wala na talagang pag-asa. Hindi na talaga ako makakabalik sa panahong gusto ko.
Noong makarating ako dito, ikinuwento ko kaagad sa kanila ang nangyari sa akin. Galit na galit sila kay Arnold. Lalo na si kuya Lance at Mac nang makita nila ang mga pasa ko. Maging si nanay ay nagalit rin ng sobra.
Kaya naman lalo akong tinulungan ni ate Fe. Si ate Fe ay kapatid ni Arnold. Bilang paghingi ng tawad sa nagawa ng kapatid nya ay sya na rin daw ang susuporta sa akin hanggang college.
Naka-graduate na ako ng high school. At during graduation, I passed out.
Mayroon akong dilated cardiomyopathy. Isa daw itong kondisyon kung saan humihina ang puso ko dahil sa namamagang left ventricle. Naka-enlarge ito at naaapektuhan nito ang ibang chamber ng aking puso kaya may epekto daw ito sa pagtibok nito.
Ang sintomas daw nito ay mabilis na pagkapagod, pagpa-palpitate ng puso kahit nagpapahinga, fainting, at nagreresulta ito sa kawalan ng malay, in most cases. Marami pa itong sintomas.
Na lahat ay napagdadaanan ko.
Sabi, ang sakit na ito daw ay hereditary. Ang ama ko ay mayroon ding sakit sa puso. Naalala ko na sakit sa puso ang ikinamatay ni tatay.
Ipinagwawalang-bahala ko kasi kapag nakakaramdam ako ng paghabol ng hininga, kapag naninikip ang dibdib ko o nananakit. Dahil iniisip ko na baka normal lang ito.
Kung hindi pa ako mahihimatay during graduation ceremony, hindi ko pa malalaman ang sakit ko.
Sabi daw ng doktor dito, hindi ako pwedeng masyadong magpagod. Kailangan ko ring magpagamot dito dahil kung babalik agad ako sa Pilipinas, baka ma-occupy ng maraming tao ang oras ko at lalong hindi ko maipagamot. Bukod pa doon, baka daw ma-trigger ang sakit ko habang nasa byahe.
Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil hindi pa ito gaano kalala at magagamot naman in a few months. Ang kapalit, kailangan kong manatili dito.
"Nay, p-paano si Drew?" Tanong ko.
Hindi nakaimik si nanay. Alam na nila ang tungkol sa amin. Nasabi ko na sa kanila. Wala naman silang ibang sinabi kaya mukhang ayos lang sa kanila.
BINABASA MO ANG
Pain ☑️
Humor[BXB] 🟢 An ever cliché unrequited love. Story of a 16-year-old boy named Nate, who were about to face different consequences that love brings. Sabi niya, hindi daw muna siya mai-inlove dahil hindi daw iyon ang forte niya. Then one day, mame-meet ni...