Twenty Eighth Teardrop

3.9K 173 11
                                    


-28-

DREW.

Hayop ka, Drew. Sige pa, magpalamon ka pa sa galit mo. May mapapala ka dyan eh. Sige Drew. Lokohin mo pa ang sarili mo.

Tutal, dyan ka naman magaling eh.

Napatingin ako sa aking repleksyon sa salamin.

Gago ka. Sinasaktan mo siya. Sinasaktan mo ang mahal mo. Bakit ba kasi ganito?

Bakit?

Bakit gusto kong makitang nagdurusa si Nate? Bakit gusto ko siyang makitang nasasaktan? Gumaganti ba ako? Gusto ko ba 'tong ginagawa ko? Masaya ba ako?

Hindi. Hindi ako masaya.

Damn, I am so broke.

Gustung-gusto ko na syang patawarin. Gusto kong pakinggan ang lahat ng sasabihin nya. Gusto kong magpaliwanag sya sa akin, pakinggan ko sya, patawarin sya, mahalin sya at hanggang sa maging masaya kami.

Eh putang ina mo pala, Drew eh. Ano 'yang ginagawa mo? Gagaya ka pa sa mga karakter na napapanood mo sa mga teleserye? Gago ka, ha? Gago ka?

Sige Nate. Naniniwala ako sa mga sinasabi mo. Ok lang. Tanggap ko ang lahat ng dahilan mo. Kahit gaano katagal, willing akong maghintay. Kasi mahal kita eh. Mahal na mahal.

Simpleng mga salita. Ang dali-daling sabihin. Tangina.

Ang hirap kalabanin ng pride. At isa pang mahirap ibalik, ang tiwala.

Ang totoo, natatakot ako. Natatakot ako na baka mawala uli si Nate. Na baka kapag sinabi niya sa akin na hinding-hindi na nya ako iiwan, ay hindi nya uli tuparin. Sobrang sakit mapaasa. Sobra. Natatakot ako na baka mamaya, magso-sorry siya sa akin, papatawarin ko siya, magiging kami at iiwan niya ulit ako hanggang sa tuluyan na siyang hindi bumalik.

Nakakatakot.

Dahil aminin ko man o hindi, si Nate pa rin talaga. Hindi nawala at hindi nagbago. Siya pa rin ang laman ng puso ko.

Ako ang nagbago. Ako ang sumira sa sarili ko. Nagpalamon ako sa galit hanggang sa masira ako, maging lasenggo ako, mambabae at masaktan ko ang mahal ko.

Kasi gumaganti ako. Ayun ang totoo. Gusto kong makita ni Nate kung gaano ako nagdusa noong hindi siya bumalik. Kasi nga, nagpalamon ako sa sarili ko.

Ilang ulit ko na 'tong tinatanong sa sarili ko: Handa ka na ba? Ok na ba? Kakausapin mo na ba uli siya? Papatawarin mo na ba sya?

Hindi ko na alam. Nalilito na ako. Pero isa lang ang siguradong sigurado ako.

Mahal ko pa rin talaga siya.

~*~

NATE.


Ilang linggo na akong pumapasok sa trabaho ko. Masaya, hindi ako masyadong nahihirapan. Mabuti na lang at may magaling din akong katabi na nahihingian ko ng tips kapag, alam nyo na, namiminsanang hindi ko gets ang gagawin ko.

At sa loob ng ilang linggo na 'yon, hindi rin pumapasok si Drew. Hindi ko siya nakikita sa kanyang opisina. Hindi na rin ako nag-aaksaya ng panahong pumunta sa bahay nila. Hahayaan ko na lang na tadhana at panahon ang humilom sa mga nasasaktan naming puso.

Ngayon nga ay papasok na ako. Hindi ko kasabay si Kimer. Umuna ako sa kanya dahil na-late daw sya ng gising.

Pagkapasok ko, wala pa rin si Drew sa kanyang opisina. Hindi pa rin sya pumapasok.

Pain ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon