Twenty Seventh Teardrop

3.6K 174 7
                                    


-27-

NATE.

"Kimer brought you here. Alam nya kasi na ayaw mong magpadala sa ospital. Nagpa-first aid lang sya sa clinic ng company nyo at dinala ka nya dito nang wala kang malay. Magpasalamat ka sa kanya." Sabi ni kuya JP.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Kakagising ko lang. At halos limot ko na ang buong pangyayari bago ako mawalan ng malay kanina. Ang naaalala ko, humawak ako sa may ilong ko at nakita ko ang napakaraming dugo. Maging sa sahig ay napakarami. Ni-hindi ko alam na nawalan pala ako ng malay.

"Ano ba kasing nangyari, Nate?" Tanong ni nanay.

"H-hindi ko alam nay. Wala akong maalala." Sagot ko.

"Stress na stress ka na, Nate. You passed out. Naalala mo noong graduation mo? Ganung ganon ang nangyari sa'yo. Pero 'yung ngayon, may kasamang pagdurugo ng ilong dahil sa stress." Sabi ni kuya JP.

"Nasaan si Kimer?"

"May pupuntahan lang daw saglit."

Tumingin si kuya ng seryosong seryoso sa akin, "Alam mo Nate, mahal kita pero natatangahan na ako sa'yo." Sabi nya.

I sigh.

"Kuya.."

"Huwag mo na syang habulin. Kinalimutan ka na nya. Alam mo kung anong iniisip nya? Gutom ka sa pagmamahal niya. Nagiging desperado ka na, Nate. To the point na i-risk mo ang sarili mong buhay. Alam mo, mahina ang puso mo. Huwag mo nang palalain, concern kami sa'yo." Sabi nya.

Salamat kuya. Salamat sa concern.

Pero kailangan kong lumaban.

~*~

"Magpahinga ka muna. 'Yan ang napapala ng kakalandi mo." Sabi ni kuya Mac habang inaalalayan nya akong umupo.

"Kuya, nahimatay lang ako pero hindi ako nalumpo. Tsaka sandali lang naman yon." Sabi ko.

Gusto ko kasi sanang puntahan si Drew. Kakausapin ko uli siya. Hindi ako titigil hangga't hindi natatanggal ang galit sa puso nya. Kaya lang, ayaw naman akong payagan nitong si kuya.

Inilapit ni kuya ang mukha nya sa akin, "Hindi pwede." Bulong nya.

"Bukas na lang, kapag magaling ka na." Dagdag nya.

Kumuha siya ng kutsilyo at nagbalat ng pinya. Kaya mahal na mahal ko sila eh. Hindi nila ako pinapabayaan. Kahit na ganyan nila ako kausapin, kahit asar-asarin nila ako, ramdam ko pa rin ang pag-aalala nila sa akin. Lalo na si kuya JP.

Kaya nga minsan, nalulungkot ako kapag naiisip kong anytime, magkagirlfriend na sila. Pero syempre hindi ko naman sila pipigilan doon. Hahanap-hanapin rin nila 'yon.

"Kuya, may tanong ako."

"Ano yun?"

I paused for a moment, "May crush ka ba?" Tanong ko.

Napatingin sa akin si kuya. Nakakunot ang noo nya. "Wala. Bakit?"

"Sus. Pero siguro maraming may crush sa'yo. Pogi pogi mo. Seryoso." Sabi ko.

Napangisi naman sya. "Teka, 'wag mong sabihin na crush mo ako? Nako masama 'yan, Nate." Sabi nya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at binato ko siya ng malaking unan.

"Seryoso ako, kuya. Wala kang natitipuhan? Kahit sinong babae dyan? Sa tabi-tabi?"

"Wala. Alam kong maraming may crush sa akin. Pero ako, wala. Mapili kasi ako sa babae. Gusto ko, 'yung hindi makabasag pinggan at daig pa si Maria Clara sa kagandahan." Sabi nya.

Pain ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon