Last Teardrop

3.4K 135 39
                                    


-LAST-

NATE.


Noong matapos kami sa nakakalokang ferris wheel ay nag-ride pa kami nang nag-ride. May carousel, caterpillar, alam nyo 'yun? 'Yung paikot lang sya tapos palalim ng palalim. Ang simple nung ride pero rock. At biruin nyo 'yun, may pa-drop tower rin dito. Ang big time naman ng perya na 'to.

"Grabe, ang saya dun!" Sabi ni Drew na kakababa lang ng Drop Tower. Pangalawa na niya yan. Ako, first attempt lang, suko na. Nakakalula kasi.

"Halata nga eh," Sabi ko.

"Nagugutom na ako. Hindi pa ba tayo kakain?" Tanong nya. May naalala naman ako bigla.

"Wait, sina nanay! Baka kanina pa nila tayo hinihintay sa sementeryo?" Sabi ko sa kanya.

Napatingin sya sa akin, "Ok lang, wala naman sila doon. Pero punta na rin tayo." Sabi nya.

Napakunot naman ang noo ko. "Paano mo naman nasabing wala?" I asked him.

"Basta, alam ko lang. Mamaya na tayo kumain, daan muna tayo doon." Sabi nya at sumakay na kami sa kotse nya.

Pinaandar na nya ito at pumunta na kami sa sementeryo kung saan nakalibing si tatay.

I knew it. Maice-celebrate ko ang birthday ko nang masaya. Ayokong malungkot. Ayoko nang kung anu-anong iniisip. Gusto ko na rin ng kaliwanagan. Tutal nandito at nakakasama ko naman ang mga taong mahal ko na nagpapasaya sa akin.

Pwera kay tatay. Wala sya sa tabi ko. Hindi ko nahahawakan, nakikita o nakakausap. Miss na miss ko na sya. Miss ko na ang yakap nya. Kaya nakakainggit ang mga bata o anak na nakakasama pa nila ang mga ama nila hanggang ngayon. Naiinis pa ako kapag nakakakita ako ng nagtatakwil sa sarili nilang ama. Inalagaan sila ng ilang taon tapos pagtanda, tsaka mai-itchapwera. Nakakalungkot.

Pero wala naman akong magagawa, 'diba? Hindi na maibabalik ang oras.

Pagkarating namin sa sementeryo ay kinuha ko 'yung diplomang dala-dala ko. I want to make him proud kahit na alam kong hindi na nya ako nakikita.

Hinanap na namin ang puntod ni tatay at, tama si Drew, wala nga sina nanay. Pero may nakita akong papel na may sulat.

"Tagal nyo. Umuwi na kami. Happy birthday, Nate." -MAC

Naka-tape ito sa puntod ni tatay. Talaga nga naman. May mga bulaklak rin ito at picture nya. Dala nila ito sigurado.

Umupo kami pareho ni Drew.

Nagdasal muna kami ni Drew bago ko siya kausapin.

"Hi tay, musta dyan?" Tanong ko sa kanya.

Nagkatinginan kami ni Drew at parehas kaming natawa.

Ipinakita ko kay tatay 'yung diploma ko noong college.

"Nakikita mo 'to, 'tay? Pangarap ko dati na maipakita sa inyo ni nanay ang completion certificate ko nung grade 10. Kaso, iniwan mo naman agad ako. Hindi mo tuloy nakita. Ngayon, big time na ang anak nyo tay. College diploma na." Sabi ko at ngumiti ako.

Ang sarap sa pakiramdam na kahit alam mong wala na sya, hindi mo na nakikita, makakagawa ka pa rin talaga ng paraan na makausap sya.

"At oo nga pala, tay," tumingin ako kay Drew, "itong katabi ko ngayon. Si Drew. Tinanong nya ako kung pwede ko daw ba syang maging boypren. Anong sasabihin ko tay? Tatanggi ba ako? Magpapakipot pa ba ako? Mga ilang years kaya?" Tanong ko kay tatay.

Napatingin uli ako kay Drew. Pinanliliitan nya ako ng mata. I chuckled.

Magsasalita pa sana ako, inunahan naman ako ni Drew.

Pain ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon