Twenty Third Teardrop

3.5K 178 14
                                    


-23-

THIRD PERSON.

At natuloy na nga si Nate sa pagpunta ng ibang bansa para mag-aral doon, sa pamamagitan ng kanyang step aunt na si Fe. Sari-saring emosyon ang nararamdaman niya.

Masaya, dahil muli niyang makikita ang dalawang kuya at nanay nya. Excitement, para sa panibagong environment na titirahan nya.
Pero ang pinakanananaig, ang kalungkutan. Dalawang taon niyang hindi makikita ang kanyang kuya. Maging ang kanyang mga naging kaklase na naiwan nya. Si Chique, Jaycel, ang kanilang masiyahing adviser, pati ang iba pa nyang loko-lokong kaklase.

Si Drew.

Pagkalapag na pagkalapag ng eroplanong sinasakyan niya ay kakaibang ihip ng hangin ang kanyang nalanghap. Malamig, kakaiba sa pakiramdam. Sinalubong siya ng kanyang ina at dalawang kapatid.

Na-admit na sya sa public high school na papasukan nya at kailangan niyang maka-cope up sa language barrier. Hindi na naman ito mahirap kay Nate dahil kahit papaano, marunong siyang magsalita ng Ingles at makaintindi nito.

Saktong buwan ng pagdating nya doon ay halos dalawang linggo rin ang pagitan bago siya mag-umpisa muli ng pag-aaral. Oo, medyo nahirapan niya nung una dahil pakiramdam niya, isa syang outcast.  Akala lang nya 'yon dahil habang lumilipas ang panahon, nakilala na nya rin ang mga kaklase nya at mababait ang mga ito.

Sa kabilang banda naman ng istorya, nalungkot ang kanyang kuya na si JP dahil naiwan siyang mag-isa sa Pilipinas. Maigi na lamang at hindi na muling nagpakita si Arnold. Hanggang sa unti-unti rin niya itong nakasanayan at makapag-ipon siya ng para sa mas magandang kinabukasan.

Nag-ipon siya nang nag-ipon hanggang sa maisipan niyang mag-aral ng vocational. Anim na buwan siyang nag-aral ng computer hardware at pagkatapos noon, nakapagtrabaho siya sa isang kumpanya. Doon ay mas magandang kinabukasan ang naghihintay hindi lang para sa kanya, kundi pati na rin sa pamilyang hinihintay niyang dumating.

Halos ilang buwan pa lamang siyang nagta-trabaho sa isang kumpanya ay muli siyang nakapag-ipon na sapat para makabisita siya sa kanyang ina at mga kapatid na nasa ibang bansa.

Tuwang-tuwa silang lahat.

Mabilis lang na lumipas ang bawat segundo, minuto, oras, linggo at buwan. Hanggang sa dumating ang panahong kailangan na nilang bumalik sa lugar na niwanan nila ng maraming alaala.

~*~

DREW.

Buwan ng Hulyo. Ito ang sinabi ni Nate na buwan ng kanilang pagbalik dito sa Pilipinas dahil kakagraduate lang ng kanyang kuya na si Lance pati na rin siya.

Dalawang taon na ang nakalipas. Umalis siya dito, buwan ng Oktubre. At ngayong parating na sya, hindi na ako makapag-hintay.

Halos linggo-linggo akong pumupunta dito sa playground na sinasabi nya. Dahil sinabi niya sa akin na kapag nami-miss ko siya, pumunta lang ako dito. Eh palagi ko siyang nami-miss, edi every weekend, palagi akong pumupunta dito.

Napatingin ako sa dala-dala kong bulaklak. Ito ang naisipan kong pang welcome gift sa kanya. Dahil sabi nya, dito raw kami magkikita saktong araw ng pagbalik niya.

Ngayon ang araw na 'yon. Ito ang araw na sinabi nya.

Sisiguraduhin kong ibang Drew na ang sasalubong sa kanya. Gusto kong makita nya ako bilang isang mature na tao. Dahil alam kong ayun ang gusto nya.

Pain ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon