-9-
DREW.
"Drew,"
Tumingin ako kay Rachel. Nandito kami ngayon sa kubo dito sa may loob namin. She's soaking wet. Nakabalot siya ngayon ng tuwalya dahil nanginginig sya sa ginaw.
Nakakatanga 'diba? 'Yung taong harap-harapan akong ginago, patuwalya ko pa ngayon.
"D-drew, maniwala ka naman sa akin oh? Sabi ko naman sa'yo, pinuwersa nya lang ako! Hindi ko alam, wala akong alam noon! At alam mo ba pagkatapos non? Hinabol kita. Kasi alam kong na-misunderstood mo. Pero hindi na kita naabutan" sabi niya.
Kitang-kita ko sa mata nya ang pagsisisi. Ngayon ay ipinapaliwanag na nya ang side nya. Nakakatakot. Hindi ko na alam kung totoo pa ba ang sinasabi nya.
"Tama na, Rachel. Tumigil ka na." Sabi ko.
"Drew naman eh.." At muli siyang umiyak.
Napapikit ako. Hangga't maaari, ayokong marinig sya na umiiyak. Parang lumalabas kasi na ang sama sama kong lalaki.
"Sa tingin mo ba, pupunta ako dito sa'yo kung hindi totoo ang sinasabi ko? Maniwala ka naman sa akin, Drew. Kagaya noong ginagawa mo dati."
Napangiti ako ng mapait. Ginagawa ko dati? Nagpapakatanga lang naman ako. Ilang beses ko na siyang nahuli dati at palagi siyang nagpapaliwanag. At ako namang si tanga, inuunawa sya. Nakikinig ako. Kasi nga, tanga ako.
Hindi ngayon. Hindi na ngayon.
Kahit anong paliwanag nya, wala nang pumapasok sa utak ko. Hindi na ako interesado. Sawa na akong makinig sa mga taong puro kasinungalingan lang ang lumalabas sa bibig.
"Iba na ang panahon ngayon, Rachel. At saka pwede ba, tumigil ka na sa pag-iyak? Masyado pa tayong mga bata sa ganitong drama." Sabi ko.
"Hindi ako titigil hangga't hindi mo ako pinapakinggan."
"Rachel,"
"Drew, hindi totoo 'yun. Hindi ko siya sinagot. Oo, niligawan ako ni Santi pero hindi ko siya sinagot! Obsess sya sa akin, Drew. Wala akong magawa."
"Kahit ilang beses ko na kayong nakitang magkasama?" I told her.
"Sya ang sunod nang sunod sa akin Drew. Kahit noong hinahalikan nya ako --"
Napatawa ako. Tama na. Nakakasawa nang pakinggan ang lahat ng kalokohan nya.
"You know what Rachel, let's stop this drama. Ang bata pa natin. Let's move on. Ang dami pang pwedeng mangyari." Sabi ko.
"Drew, mahal na mahal kita," sabi nya.
"Ok, let's say na mahal na mahal mo nga ako. Anong gagawin ko? Hindi na kita mahal. Maghanap o maghintay ka na lang ng iba. 'Yung deserve ka," sabi ko sa kanya.
"Hindi ko kaya Drew. At wala akong pake kung saan ako dalhin ng nararamdaman ko. Ayokong mamuhay ng napagbintangan. Gusto ko lang naman na maniwala ka sa akin eh!"
"Pag naniwala ako sa sinabi mo, hindi mo na ako mamahalin?" I asked her.
Natigilan sya.
"D-drew,"
"Hindi. Hindi ka titigil. Ang gusto kong gawin mo ngayon, Rachel, fix yourself first. Kasi ako, alam mo ako? Unti-unti ko nang inaayos ang sarili ko. Gusto ko nang makalimot. Ikaw, anong ginagawa mo? Ginugulo mo lang ako."
"Tama ka Drew. Hindi talaga ako titigil. Sisiguraduhin kong maniniwala ka sa akin. Sa panahong 'yon, alam ko rin na babalik at babalik ka sa akin," sabi niya.
BINABASA MO ANG
Pain ☑️
Humor[BXB] 🟢 An ever cliché unrequited love. Story of a 16-year-old boy named Nate, who were about to face different consequences that love brings. Sabi niya, hindi daw muna siya mai-inlove dahil hindi daw iyon ang forte niya. Then one day, mame-meet ni...