Pinikit ko ang mata ko at tinanggal ang makapal kong salamin. Saglit kong dinama ang hangin sa rooftop. Ang sarap talaga rito. Tahimik. Peaceful. Malinis. Walang nanghuhusga. Walang mga nandidiring tingin. Walang mga biglang nambabangga. Walang bullies..
Well, akala ko lang pala...
Bumukas ang pinto ng rooftop at tumambad sa akin ang tatlong lalaki, sina Danger, Chase, at Break. Dali dali kong sinuot muli ang salamin ko at humarap sa kanila.
"Wow, look at what we have here. The geek. Amazing, huh." Mapangutyang sabi sa akin ni Chase.
Kinuha naman ni Break ang pagkain ko at kinain nya. Patay gutom! Si Danger naman ay hinablot ang bag ko.
"Ibalik mo sa akin yan!" Kahit anong abot ko ay walang epekto. Si Danger ang pinakamatangkad, di ko talaga mahawakan man lang ang bag ko.
Bumukas muli ang pintuan ng rooftop at pumasok si Algid. Gaya ng pangalan nya, cold sya. Bone-chilling ang aura kumbaga. Pero sobrang sama ng ugali nya. Sya ang nangunguna palagi sa pang goo goodtime sa akin.
"Bitawan mo nga yan." Hinablot nya kay Danger ang bag ko. Nagtaka naman kaming pareho. Pinagtatanggol ba nya ako? The thought makes me shiver. Grabe.
Tinitigan nya lang ako. Parang lalabas na sa dibdib ko ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok. Bakit ganan sya makatingin? Nakalahad sa harap ko ang bag ko kaya akma ko na itong kukunin ng biglang...
binaligtad nya ito at natapon lahat ng laman.
Akala ko..akala ko. Akala lang pala! Bakit ka pa kasi umasa ha, Weenie, asa namang magiging mabait ang taong yan.
Matapos magkalat ang mga gamit ko, dinikitan pa nya ako ng sticker sa may noo ko.
Glare Warning. Ayun ang nakasulat.
Kaya nya ako binigyan nun dahil sinamaan ko sya ng tingin.
Inis kong nilukot yung sticker at binato sa likod nya. Ang sama nya kasi!
Nilingon nya lang ako at nginisian.
Nakalabas na sila ng rooftop at napabuntong hininga ako. Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala ako nahinga hanggang sa makalabas sila ng rooftop. Paano ba naman kasi, bigla biglang nangisi si Algid. Kainis.
Gruuuuu. <--tunog ng tyan ko.
Napahawak ako sa tyan ko. Naku naman, kinain naman kasi nung patay gutom na Break na yun ang baon ko.
Tumunog na ang bell kaya wala na aking choice kundi bumalik sa classroom. Anobanamanyan! Gutom na ako.
Laking gulat ko ng may nagtutumpok sa upuan ko. Mostly, girls.
"Excuse me."
Nilingon nila ako ng nanlilisik na mga mata. Ano na namang ginawa ko?
Tinignan ko ang lunch box na nakapatong sa desk ko. Hindi ito akin ah? Ilalagay ko na sana yun sa ibang upuan ng may napansin ako.
Alam kong di ka pa nakain.
-A
Sino kaya sya? Lagi nalang akong tinutulungan ng A na yan kapag minamalas ako dahil sa apat na yun.
Sana makilala ko sya.
Kahit naman ganito, gusto ko paring makahanap ng taong handa akong ipagtanggol. Yung parang knight in shining armor. Kahit kailan kasi di pa ako nagkaroon ng kaibigan poprotektahan ako sa mga bullies.
Umupo nalang ako at nagmuni muni habang wala pa si Mam. Biglang nagflash sa utak ko ang mukha ni Algid na nakangisi.
Umiling iling ako.
Kapag kaya nalaman ni Algid ang nararamdaman ko sa kanya, ano kayang warning ang ilalagay nya sa akin?
Alam mo ba Algid, kahit iba ang trato mo sa akin, umasa akong magugustuhan mo ako. Umasa ako, naghintay ako. Mula sa ilang araw, naging linggo, buwan at hanggang sa naging maraming taon. Kailan mo kaya ako mapapansin?
Kung bibigyan man ako ng pagkakataong bigyan ka ng warning, alam mo ba ang ilalagay ko? Love warning.
YOU ARE READING
Love Warning [ON-HOLD]
FanfictionKapag kaya nalaman ni Algid ang nararamdaman ko sa kanya, ano kayang warning ang ilalagay nya sa akin? Alam mo ba Algid, kahit iba ang trato mo sa akin, umasa akong magugustuhan mo ako. Umasa ako, naghintay ako. Mula sa ilang araw, naging linggo, bu...
![Love Warning [ON-HOLD]](https://img.wattpad.com/cover/93722185-64-k38807.jpg)