2

108 36 14
                                        

Bago umuwi ay dumaan muna ako sa locker ko. Kumunot naman agad ang noo ko dahil may nakadikit doon na sticker. Si Algid na naman. Ano na naman bang nagawa ko?

1st Warning.

Anong ibig sabihin nito? Di ko nalang yun pinansin at itinapon kung saan.

Masaya ako dahil friends na kami ni Array. Di sya nakakasawang kausap at hindi naman ako inabangan nung apat ngayon. Kasabay ko si Array umuwi eh. Kaya naman confident ako. Subukan lang nilang manggulo, nakuuuu!

Lumabas na kami ng gate habang nagtatawanan. Ang kalog kasi ng mga kwento ni Array. Like yung mga moments na nadulas sya or basta mga epic na pangyayari sa buhay nya.

Napatigil ako sa pagtawa ng makita ko si Algid, sa katapat na kalsada. Ang sama ng tingin sa amin. Abno talaga di ko naman inaano eh. Kung nakamamatay lang ang tingin, baka nakabulagta na rito ang malamig naming bangkay. Bumalik sa normal ang ekspresyon nya noong dumating ang mga kaibigan nya at hinila sya sa lugar na wala akong paki. Basta uuwi na ako with my crush. Hihi joke ang landi ko. Wala naman akong karapatang lumandi ahaha.

"Thank you Array. Sa lahat. First time ko magkaroon ng kaibigan. Pasok ka muna?"
Sabi ko sa kanya noong nasa tapat na kami ng bahay. Mukhang di naman sya nagulat
Ngumiti lang sya at ginulo ang buhok ko. Nakapout ko naman yung inayos.

"It's my pleasure na maging kaibigan mo. Huwag na uuwi na ako. Bye Weenie." Namilog ang mata ko nang halikan  nya ako ng bahagya sa noo.

"Tandaan mo na hindi ka mukhang nerd, maganda ka. Wag mong i-down ang sarili mo. Kaya ayan ang iniisip iba sayo eh. Tsk. Goodnight." Bulong nya. Wala akong masabi kaya kumaway nalang ako habang tulala parin.

Impit akong napatili ng sumulpot si Algid out of nowhere! Halos atakihin na ako!

"ALGID?! NAKAKAGULAT KA NAMAN! GABI NA AH!"

"Tsk." Wews ang tino ng sagot nya. Palatak lang.

Kumuha sya ng panyo sa bulsa nya at pinunasan ang noo ko. Hindi ko alam ang irereact. Anong ginagawa nya? Ang diin pa ng punas nya.

"ARAY HA. MASAKIT. ANO BANG GINAGAWA MO?!"

Nagbago ang madilim nyang aura.

"Tsk." Sabi nalang nya.

"Masakit?" Tumango ako.

Mahihimatay na yata ako nung hinalikan nya rin ang noo ko at mabilis na nawala sa panigin ko. The flash lang ang peg nya ha.

Napahawak ako sa kaliwang bahagi ng dibdib ko.

"Hay nako Mr.Heart, kumalma ka nga! Anlandi mo tibok ka ng tibok!" Sermon ko sa puso ko at pumasok na ng bahay.

~~

Ilang buwan na ang lumipas at syempre, hindi parin natigil ang apat na asungot sa pangbubully sa akin.

Habang tumatagal, lalo akong nalilito sa kilos ni Algid. Biglang babait, tapos mangbubully kapag nandyan na ang nga kaibigan nya. Ganern.

Kung itatanong nyo naman si Array, ayun, alive at still breathing pa naman sya. Single pa at ready to mingle. Haha.

Kasalukuyan akong nagrereview para sa exams nang may narinig akong kalabog sa harap ko. Nilingon ko sya. Si Algid.

"Ano na namang kailangan mo ha? Kung wala ka namang matinong gagawin, pwedeng bang lumipat ka nalang ng table." Sabi ko ng hindi sya nililingon.

"Eh? Sa tingin ko matino namang titigan ka." Nanlaki ang mata ko at tumunghay. Nakangiti sya at nakatingin sa akin. Feeling ko naginit ang paligid maging ang mga pisngi ko.

"Yiiee. Nagbablush." Sinundot pa nya ang pisngi ko at tinataas baba ang mga kilay nya.

Tinampal ko ang kamay nya at lumayas nalang ng library.

Minsan talaga hindi ko maintindihan ang taong yun. Napakabipolar.

Pumunta akong cr at naghilamos. Para naman malamigan ng konti ang mga pisngi ko.

Tinignan ko ang babaeng nasa salamin. At isa lang ang napansin ko sa kanya.

Nakangiti sya.






Leche naman oh! Bakit ako nakangiti? Jusko, Algid. Ang gulo ng buhay mo, swear.

~~

Kilig scene kahit hindi halata. Walang kwenta ang chapter na ito alam ko.

Vote

Love Warning [ON-HOLD]Where stories live. Discover now