Weekend ngayon at laking pasalamat ko dahil tapos na ang exams. Bigla ko tuloy naisip si A. Matagal tagal na rin nung huli syang nagparamdam sa akin. Kamusta na kaya sya? Kinalimutan na siguro nya ako kaya hindi ko na sya nafefeel sa paligid.
Pumunta ako sa park di kalayuan sa aming bahay. Ang init. Shemay wala pa akong panyo. Kung ice cream lang ako, kanina pa akong tunaw.
And speaking of ice cream, may nakita akong nakalahad na ice cream sa harap ko.
"Algid? Ang init init nasa labas ka. Teka, para sa akin ba yan?" Tukoy ko sa isang ice cream na nasa kamay nya.
"Bakit ka nasa labas rin? Ay hindi hindi akin ito. Kaya nga nakalahad na sa harap mo kasi akin tong ice cream." Pilosopo nyang sagot. Kahit papaano ay napangiti ako.
"M-may puso ka naman pala. S-salamat." Sabi ko at kukunin na sana ang ice cream ng biglang...
binitawan nya ito agad kaya nahulog ito sa lap ko.
Walanjo ang lagkit!
"HAHAHAHAHA!" Tawa ng mga kaibigan nya na nakatago pala sa likod ng mga puno.
Nilingon ko si Algid. Nakatalikod na sya sa akin at naglalakad na palayo. Hay as always.
Paano ako makakauwi? Ang lagkit.
"Weenie?"
"ARRAY! HUHUHU!" Iyak ko sa kanya.
"Anong nagyari sayo? Oh ito, panyo. Gamitin mo muna."
"Salamat." Sabi ko at pinunasan ang parteng natapunan ng ice cream. Sa ginawa nya, bigla kong naalala si A. Sino kaya sya?
"Hatid na kita. Ito pala. May jacket ako dito. Itali mo sa bewang mo. Para matakluban ng konti ang natapunan na parte ng pantalon mo."
"Thank you talaga Array. Tara na." Tumango lang sya.
Sumosobra na talaga ang Algid na yun! Grr.
Hmmp. Bahala sya.
~~
Kinabukasan, kahit binubully ako nina Algid at ilang beses nya akong natapalan ng sticker na may iba't ibang warning, di ko sya pinansin. Kainis sya. Sinasagad na nga ang pasensya ko. Kahit pa may feelings ako sa kanya, hindi ko naman ipagsasawalang bahala ang kaitiman ng budhi nya no.Tahimik lang akong naglalakad sa hallway. Wala si Array eh. May inaasikaso. Magisa tuloy ako huhubels.
Nagulantang ang katawang lupa ko ng may tumulak sa akin. Nasa gilid na nga ako, tinulak tulak pa ako na parang nakahara ako sa daan?! Ano bang kamalasan to?!
Imbes na lumanding ang mukha ko sa sahig, sa isang dibdib ako napasubsob.
Sniff. Sniff.
Bongga ang bango ni Koya ha. Sino ba ito?
"Baka maubos ang amoy ko." Algid?! Hala! Sya pala ito. Aalis na sana ako sa harap nya pero niyakap nya ako. What is happening? Nasusuffocate ako. Ambango nya masyado.
Dugdugdugdug
Hoy puso, kalma! Inhale. Exhale. Naman oh! Bakit kailangan pa ni Algid na ngumiti habang nakatingin sa akin, at worst, nakayakap pa! Ano na naman bang trip nya. Kahit kailan hindi ko sya magets.
Ang gwapoooo...
"ALGID!" Tawag ng mga kaibigan nya kaya dali dali nya akong binitawan at tumakbo sa direksyon nila.
Hindi lang pala ang tatlong asungot ang nandun. May babae pa. Sino sya?
"Algid! I miss you!" Sabay yakap. Papansin much? Tss.
"Heaven? Ikaw nga!" At niyakap nya rin yung magandang babae. Parang kanina lang ako yung niyayakap nya.. teka! Erase erase!
Tumalikod nalang ako at humakbang palayo. Kanina ambilis ng tibok ng puso ko, ngayon naman, pabagal nang pabagal hanggang sa feeling ko namanhid na ito at di na tumibok. Imagination ko lang siguro ito.
Pumunta akong rooftop. My no.1 tambayan. Pumikit ako kaso biglang umambon. Napamulat ako agad at napatayo. Nilingon ko ang paligid at hindi naman basa ang semento, o kahit ang buhok ko. Walang kahit anong bakas ng basa sa paligid. Mapwera nalang sa pisngi kong basang basa.
"Weenie?" Nilingon ko yung tumawag sa akin. Si Array pala.
"Bakit ka naiyak? May umaway ba sayo? Tell me." Ewan ko ba pero nung sinabi nya yun ay napayakap nalang ako sa kanya at umiyak ng umiyak. Hindi na naman sya nagtanong ulit. Hinayaan nalang nya ako.
Malaki talaga ang pasasalamat ko kay Array, kasi lagi nya nalang akong dinadamayan at pinoprotektahan. Sana nga sya nalang ang minahal ko. Pero kasi yung tanga kong puso puro Algid nalang lagi. Kahit puro pasakit lang naman ang dala nya sa buhay ko.
"Thank you."
"So, it means napagaan ko ng konti ang pakiramdam mo. Napangiti na kita kaso konti lang." Nag act pa sya doon sa 'konti lang'.
Napatawa ako. At ngumiti naman sya.
"You made me feel a lot better."
"Weh? Wag mo ngang ipakita sa akin na okay ka kahit hindi naman. Uso rin magpakatotoo." Masungit na sabi nya.
"Oo na, oo na. Malungkot na ako."
"Malungkot?" Naniningkit pa ang mata nya.
"Fine. Nasasaktan ako." Sabi ko at bumuntong hininga.
"Why? Anong bang nangyari?" Nagalala ang expression nya pero may something pa sa mata nya eh. Hindi ko mabasa. Nakatago eh.
"Array, mahal ko na yata si Algid. Ay hindi, mahal ko talaga sya."
Muli, tumulo ang mga luhang kinimkim ko sa harap ni Algid noong nakita kong may kayakap sya.
Ngayon ang ibibigay kong warning ngayon kay Algid ay: pain warning. Ansakit nya sa heart eh.
******
Annyeong guys. Anong masasabi nyo sa panget kong gawa? Joke.Please vote/comment.
Thanks.
YOU ARE READING
Love Warning [ON-HOLD]
FanfictionKapag kaya nalaman ni Algid ang nararamdaman ko sa kanya, ano kayang warning ang ilalagay nya sa akin? Alam mo ba Algid, kahit iba ang trato mo sa akin, umasa akong magugustuhan mo ako. Umasa ako, naghintay ako. Mula sa ilang araw, naging linggo, bu...