16

80 19 8
                                        

Algid's POV

Malapit nang matapos ang January. Amboring kasi ng mga araw na nakalipas kaya hindi na yun mahalaga. Hindi pa nga ako nakakapagsosorry kay Weenie eh. Kasi naman! May dahilan naman kaya ko yun nagawa! Aish!

Bakit ba ang daldal ko? Tama na nga sa salita. Sayang ang oras na ginugugugol ko sa pagmomonolouge. Baka mabawasan pa ang kapogian ko.

"I'M FREE AT LAST!!!!!" Hiyaw ni Chase at sumusuntok pa sa hangin.

"FINALLY ARIEL HAPPENED TO ME ONE WASH CLEAN SA LABADA FOR JUST SEVEN FIFTY~~" Kanta naman ng masaya ni Break. Binatukan sya ni Danger.

"MALI YAN LAOS NA YAN. ETO BAGO, HELP BEAT ENERGY ENERGY GAP~~" Bago pa nya matapos ang kanta nya ay sinapak ko na sya.

"Magtigil nga kayo. Bakit ba ang saya nyo?" Dinagukan naman ako ni Chase dahil sa tanong ko. Ano bang nangyayari?

"Pabobo lang Algid? Ulyanin ka na agad? Ngayon na natapos ang ating pangmatagalang dare!"

Dare? Anong dare? Dare..dare... TEKA!

"Yung aawayin natin ang crush natin ng tatlong taon! Tapos tsaka tayo aamin at hihingi ng sorry kapag tapos na ang ating kontrata. Ay, nandito pa yun eh wait." Kinalkal ni Break ang bag nya na puro pagkain ang laman. Alam na. PG eh.

"CHARAN! Eto oh. Ampangit pa ng sulat mo rito Danger! Parang kinahig ng manok! Amputs!" Sinalaksak nya kay Danger ang papel.

"January 30 ang tapos ng dare kaya malaya na tayoooo! Naku naku, gagawa na talaga ako ng paraan para mapansin ng crush ko. Marami na akong atraso eh." Sabi ni Danger at sumang-ayon ang dalawang kulugo.

"Eh ikaw Algid. Ngayong tapos na ang pinakaworst nating dare at friendship goal, anong plano mo?" Pambaklang segunda ni Chase.

Napabuntong hininga ako at tumingin sa kawalan. Ano nga bang gagawin ko? Paano nya ako mapapatawad?

Naputol ang pagmumuni muni ko dahil may bumato sa akin ng tinapay sa mukha. Walanjo! Walanghiya tong si Danger!

"Magtigil ka sa kunyari mong pagiisip. Mukha kang nalugi. Tara na sa canteen. At isa pa, may naisip na akong plano, wag kang magalala. Kailangan mo lang ng isang drum ng confidence. Kakayanin mo yun. Mamaya ko sasabihin." Sabi nya. Naglakad na kami papuntang canteen habang hinahatak ni Chase si Break na parang t*nga na nangawa dahil sa nasayang nyang tinapay.

Nakasalubong namin yung tatlo. Sina Weenie, Array at Maezi. Nagkatinginan kami saglit ni Weenie pero umiwas agad sya ng tingin. Inirapan kami ni President Maezi ng wagas at si Array naman ay seryoso lang na nakatitig. Bakla ba ito? Makatingin lang sa kagwapuhan ko halos wala ng bukas.

Maghintay ka lang at makikita mo na kung paano kumilos ang isang Algid Raveña.

~~
Array's POV

Nararamdaman ko nang may gagawing kilos si Algid para magtapat na kay Weenie. Halatang halata naman na may gusto sya rito pero hindi tama ang way nya para mapansin  ng taong gusto nya. Maling mali. Kita ko kasi kung paano nahihirapan si Weenie eh. Noon pa. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na makipagkaibigan.

Kaya hindi na rin ako nangingialam sa pambubully ni Algid noon dahil alam kong may rason sya. Nandito naman ako- este kami ni Maezi para damayan sya.

Sa oras na saktan nya uli si Weenie dahil sa pagpapapansin nya o anumang dahilan nya, papatulan ko na sya. Sumosobra na eh. Tatlong taon na! Aba naman! Pasalamat sya kapag may nangyayaring hindi maganda tapos wala kami ni Maezi ay si Algid ang sasalo kay Weenie. Kundi matagal na namin syang naresbakan.

"Array boy, kailan ka magtatapat?" Nabilaukan ako sa binulong ni Maezi sa akin. Buti nalang hindi napansin ni Weenie kasi lutang na naman sya.

"Ano ba yang sinasabi mo?! Anong tapat tapat ka dyan!!!" Singhal ko sa kanya.

"Aysus nemen!" Sinundot nya ang bewang ko. "Sa concern mo palang ay alam kong may kakaiba kang nararamdaman kay Weenie. At tsaka lagi ka kayang nakatitig sa kanya mula noong Grade 8 palang tayo!" Nanlaki ang mata ko. Andami namang alam ng babaeng to.

"Napapansin ko na rin ang pagmamatyag ni Algid nitong mga nakaraang araw kaya may kutob na ako na magatatapat na rin sya. Bago ka pa maunahan ay sabihin mo naaaa! Iiwan ko muna kayo dyan ha. Bye!" Umalis na sya ng tuluyan.

Matapos ang dismissal ay hindi sumabay si Maezi pauwi. Ito na...

Tahimik lang kaming naglakad. Malungkot pa si Weenie kasi hindi pa sya pinapansin ng gag*ng si Algid. Sorry sa word. Totoo naman eh.

Bago sya tumalikod sakin at pumasok sa gate nila ay tinawag ko sya.

"Weenie.."

"Hmm?"

"Alam kong hindi tayo parehas ng nararamdaman at walang kaso sa akin yun." Biglang nagpalit ang emosyon nya. Gulat. Pagaalala. Pang hihingi ng tawad. Alam ko alam ko.

"Lagi mo lang tatandaan na nandito ako, nandito kami para sayo. At Weenie, wag ka sanang maiilang matapos ko itong sabihin, gusto kong malaman mo na....
















Gusto kita. Matagal na."

***
Pak ganon pak pak ganon ganon! Ayan. Nakapagupdate na sa wakas! Nagets nyo na po ba ang dahilan ng pangaaway ni Algid? Tapos na ang exam! Thanks be to God!

Vote/Comment

Love Warning [ON-HOLD]Where stories live. Discover now