Papilig pilig ang aking ulo at pagulong gulong ako sa kama. Kasi naman! Hanggang ngayon, ayun, snob parin si Algid. Feeling gwapo lang.
Napagpasyahan ko nalang na magonline sa aking facebook. Hep hep. Akala nyo wala akong facebook? Pwes, nagkakamali kayo. Bwahaha
Kabubukas ko palang nang may nag pop out na agad na notification.
Algid Raveña messaged you.
OH MY GOSH. Ito na ba yun? Okay. Hinigit ko ang aking hininga at binuksan ang message.
Hoy geek. Tayo raw ang highest dun sa project. Ewan ko lang kung ano yung mismong grade pero basta mataas yun. Ako pa?
Aba ang hambog ng taong to ha!
Wews! Ang yabang mo tol! Reply ko.
Hindi na ako nagreply at natulog na.
Nagising ako sa alarm ng phone ko. Pagbukas ko nito ay may message na naman pala si Algid.
Ah eh. Hoy geek, ano..ahh. Hoy napansin mo ba na di kita pinapansin? May dare kasi kami nina Danger. Eh kung di mo naman napansin at wala kang pakialam, isipin mo nalang na hindi ako nagmessage sayo.
Maliwanag ba?
Hoy geek! Kahit seen lang.
Ay bahala ka. Siguro di mo naman napansin. Kalimutan mo na yung sinabi ko. Nyt.
Hala? Dare lang yun? Eh jusko halos mabaliw na ako tapos dare lang yun? Edi wow.
~~
Pumasok na ako sa school at naabutan ko si Maezi sa unahan. President sya ng klase. Di lang halata.
"Ayan kumpleto na tayo. Since malapit na ang christmas party, magbubunutan na tayo! Yey!" Pumalakpak pa sya at isa isang pinabunot ang mga kaklase namin.
Nabunot ko si Maezi. Buti naman, siguro hindi naman sya mahirap regaluhan. Pasimple nalang akong magtatanong kapag may pagkakataon.
Hmm. Sino kaya ang nakabunot sa akin?
~~
Lunch. Pabalik na sana kami ng room pero may humila sa akin at tinakpan ang bibig ko. Nasa unahan sina Maezi at Array kaya hindi nila napansin na may humila na saakin.
Lord have mercy on me.
Buong lakas kong tinanggal ang kamay sa bibig ko at hinarap ang taong bigla biglang nanghihila.
"ALGID?! E-este. Algid?" Napalakas kasi masyado yung una kong banggit sa pangalan nya. Gulat na gulat kasi ako. Ikaw ba naman ang pansinin ng ilang buwan, sinong hindi magugulat?
"Ano sa tingin mo ang gusto ni Array?"
Si Array pala ang nabunot nya. Nadismaya ako ng konti. Syempre, hindi ko naman maiwasang umasa na sya ang makabunit sa akin.
"Libro siguro."
"Eh si Maezi?"
"Ewan ko lang."
"Eh ikaw?"
Ako? Ako raw? Hindi kaya ako ang nabunot nya? Hoy Weenie, wag ka na umasa.
"A-ano. Kahit ano basta ang design ay bike. Notebook, o keychain,o bag man yan ayos lang. Basta bike design"
Mahilig ako sa bike eh. Enebe.
Binitawan na nya ako at tinalikuran. Ay grave di man lang magpapasalama--
"Salamat nga pala. At sorry sa di pagpansin sayo ng ilang buwan." Sabi niya kahit nakatalikod sya. Na-glue ako sa kinatatayuan ko na nanlalaki ang mata.
Dali dali na rin akong lumakad habang parang namemental na nakangiti. Nasampal ko ang sarili ko.
"Hoy Weenie. Wag kang kiligin. Para nagpasalamat lang at nagsorry, kilig ka na agad? Umayos ka nga!
~~
Algid's POV
(A/N: Perstaym ito mga bes. Sino nga ba ang nakabunot kay Weenie? Ito yung time na nagbunutan sila)Bumunot ako sa box na naglalaman ng mga pangalan namin. Pakembot kembot pa si President na parang dancer sa isang show sa TV. Parang timang lang.
Saglit kong sinulyapan ang pangalan ng aking nabunot at nasara ko agad.
"Pre sinong nabunot mo?" Tanong ni Break.
"Ikaw?" Balik kong tanong. Syempre sikreto lang kung sino ang nabunot ko.
"Si Array nga eh. Hoy Habol, sino nabunot mo?" Ang tinutukoy nyang habol ay si Chase.
"Si Phoebe. Hoy Panganib, sino iyo?" Si Danger ang tinawag nya.
"Si Reese. At hoy, pasikreto ka pa Algid eh alam kong si Weenie ang nabunot mo." Nanlaki ang mata ko. Pano nya nalaman? Paktay.
Sumipol si Chase at Break.
"Alam mo na." Sabi ni Danger. Bumuntong hininga nalang ako.
Muli kong sinulyapan ang pangalan na nakasulat sa papel na nabunot ko.
Weenie Scarlet
Sorry.
***
Annyeonghaseyo readers! Kung meron man.Vote/Comment

YOU ARE READING
Love Warning [ON-HOLD]
FanfictionKapag kaya nalaman ni Algid ang nararamdaman ko sa kanya, ano kayang warning ang ilalagay nya sa akin? Alam mo ba Algid, kahit iba ang trato mo sa akin, umasa akong magugustuhan mo ako. Umasa ako, naghintay ako. Mula sa ilang araw, naging linggo, bu...