5

74 28 6
                                    

Pumunta ako sa library at naabutan ko si Algid na magisa sa table. Inuuntog untog pa nya ang ulo nya doon. Hala! Baliw na sya!

"Problema nito?" Bulong ko pero parang napalakas, napalingon sya sa akin habang hawak ang ulo na nasaktan. Aba, eh sino ba namang tanga ang iuuntog ang sarili sa table?

Inirapan nya ako at umub-ob nalang. Ano kayang nangyari? Takte, nacu-curious tuloy ako.

Naalala ko yung paborito kong chocolate drink na kabibili ko lang sa canteen. Ibibigay ko nalang sa kanya baka sakaling magchill na sya.

"Oh." Sabay abot.

"Ano yan?" Nakakabobo nyang tanong.

"Baka tae. Tae to. Oh inumin mo itong tae." Sarcastic kong saad. Umirap ako at nilapag ang inumin sa harap nya. "Inumin mo to. Para kang baliw dyan. Favorite ko yan. Pampakalma ko. Itry mo rin."

Tinignan nya lang ito. Di nagtagal, binigay nya ulit to sa akin.

"Diba paborito mo yan? Iyo na."

"Huh?" Pero ininom ko na rin. Ano ba, minsan lang magparaya si Algid. Lulubusin ko na.

Hindi pa ako nakakakalahati nung inumin ng bigla nya itong hinalbot at ininom. Straight. Wow, kunyari pa ito. Binalik-balik pa sa akin iinumin rin naman. Pakeme. Pabebe. Lahat na.

Noong naubos na nya, ngumiti sya ng pagkalaki laki.

"Ansaya mo? Kanina para kang pinagsakluban ng universe, ngayon, parang naging puti na ang uwak sa sobrang saya mo." Nakasimangot na sabi ko. Hindi nya ako pinansin kaya nagtangka na akong umalis.

Hinatak nya ang braso ko.

"Dito ka muna." Nanlaki ang mata ko kasabay ng pagcontract ng aking pumping organ ng sobrang bilis. Hoy heart, tumigil ka! Behave! Si Algid lang yan!

Naputol ang moment dahil..

"WEENIE! Tawag ka ni Mam sa faculty!"

Tsk tsk. Sa lahat ba naman ng oras ngayon pa? Si Array! Sobrang wrong timing naman!

Nagkatinginan si Array at Algid. And I sensed something..

Imbes na bromance ang ma-sense ko,

Did I just sensed war?

~~

Sinabi lang naman ni Mam sa akin na kasali ako sa honors. I'm not a nerd for nothing.

Naglakad ako papunta sa room at nabangga ko si Algid, kasama ang mga kaibigan nya.

"Bulag ka ba? Tumingin ka sa dinaraanan mo!" Sabay siko pa.

May nahulog naman na isang picture sa hawak nyang envelope. Ihahabol ko pa sana sa kanya kaso malayo layo na sila.

Nung tinignan ko ang picture ay nanlaki ang mata ko. Gusto nyo bang malaman kung sino yung nasa picture?

Ako.
~~

Binabagabag(big word!) parin ako noong lintik kong picture na nahulog kay Algid. Ayoko namang magbigay ng meaning, ayoko nang umasa. Pagod na ako.

Enough for the drama, dumaan muna ako sa bulletin board kung saan nakapost ang picture ng honors. Siguro para doon lang yung picture na nasimot ko.

Ang pinaka-nagpa-inis sa akin ay ang sticker na nakadikit sa may picture ko.

1st warning.

Loko talaga yung si Algid. Inuubos nya talaga ang pasensya ko. Grr.

Hindi ko nalang pinansin ang sticker at naglakad na palayo. Napabuntong hininga ako habang naglalakad. Haaay. Nakakalito talaga si Algid. Aasa na naman ba ako? Haaaay.

Nagulantang ang buong pagkatao ko ng may umakbay sa akin bigla.

"Array?"

"Hi Weenie. Pasensya na hindi kita masyadong nasasamahan, busy kasi sa SC office eh." Nagkakamot pa sya ng batok habang sinasabi nya yun. Ang cute talaga nya. Crush Alert!

"Naku okay lang yun. Ikaw naman."

Habang naglalakad kami ay nakita ko si Algid, pati sina Chase, Break at Danger, kasama pa nila si Heaven.

Sinamaan ako ng tingin ni Algid bago nya hinalikan si Heaven sa pisngi at kumaway. Narinig ko pa ang kantyaw ng mga kaibigan nya.

Nagdilim ang paningin ko. Kamay?

"Huwag mo nang tignan. Masokista. Kapag masakit na, tama na."

Array...

Tinakluban nya pala ang mata ko tapos pinaharap ako sa kanya. Pinunasan nya ang luha ko.

Nakita ko pang sinulyapan lang kami ni Algid noong hinalikan ako ni Array sa noo. Katulad ng lagi nyang ginagawa.

Ang sakit.

***

Moshi readers! *kaway*
Read between the lines.

Vote/Comment

Love Warning [ON-HOLD]Where stories live. Discover now