"Hi! Bakit magisa ka lang?" Nag-angat ako ng tingin sa isang mgandang babae sa harap ko. Huh? Ako ba kinakausap nya?
Tumingin ako sa kanan, sa kaliwa pati na rin sa likod.
"Hahaha. Ano ka ba, ikaw ang kinakausap ko, Weenie." Nanlaki ang mata ko. Kilala nya ako? For real? May himala!!
"Paano mo ako nakilala?"
"Representative ako ng Grade 10 sa Student Council. Napansin ko na si Array lang ang lagi mong kasama kaya naisipan kong makipagkaibigan!" Galak na galak nyang sabi sabay upo sa harap ko.
"Ay! Hindi pa pala ako nagpapakilala! I'm Maezi, nice to meet you!" Ang hyper naman nya.
"I'm Weenie. Sorry nashock lang ako. Wala pang nakikipagkaibigan na babae sa akin eh."
"Eh? Sa ganda mong yan? Wala? As in? Hayaan mo na. Simula ngayon, bestfriend mo na ako at ipagtatanggol kita sa masasamang loob!" Sabay pose pa sa harap ko. Napatawa ako sa kanya. Luka pala ito. Hindi man lang ako binigyan ng abiso.
"Ayan buti tumawa ka na. Mukha ka kasing namatayan ng puso kanina. May I ask what's the problem?"
"Puso talaga? Ano kasi, hindi mo na ako kailangang ipagtanggol sa masasama kasi hindi na naman nya ako pinapansin."
"Oh? Hindi ka na pala ginugulo eh bakit parang biyernes santo ang peg mo?"
"Ah basta. Ang gulo. Minahal ko na kasi sya kahit napakasama ng ugali nya at lagi nya akong inaaway. Tapos nilayuan nya ako bigla at hindi na nanggulo. Hindi ko alam ang nangyari."
"Ow. Ganun pala. Then, let's find out! Magimbestiga tayo!"
"Hoy Maezi kung ano anong kalokohan na naman ang tinuturo mo." Napalingon ako sa likod at nakita ko si Array.
"Array my boy! Hoy hindi ah, tinutulungan ko lang sya sa problema nya dahil ako ang kanyang bestfriend slash Knight in Shining Skirt!"
Knight in Shining Skirt? Really? Nakadroga ba ang babaeng ito?
"Ako ang bestfriend nya. Wag ka nga." Sabi ni Array at umupo sa tabihan ko. Sinamaan lang sya ng tingin ni Maezi.
"Pasensya na kay Maezi at sa kadaldalan nya. Nakalaklak lang sya ng isang box ng enervon."
"Pareho ko kayong bestfriend. Wag kayong magtalo dyan." Sabi ko sa kanila.
"Anyway, Weenie, why don't you ask him? Kung anong problema? Malay mo may magandang rason kung bakit ka nya biglang iniwasan." Sabi ni Maezi na nagaala-imbestigador.
"Hindi kami close."
"Ayun lang!" Sabay hampas ng table.
"Alam mo, Weenie, mas mabuti pang kalimutan mo nalang si Algid at ang lahat ng mga kalokohan nya." Payo ni Array.
"Mahirap yun! Mahal nya yung tao! Hindi nya basta basta lang makakalimutan ang lalaking yun!" Sabat ni Maezi na parang sya ang nasa sitwasyon ko. Naghysterical pa sya.
"Depende naman yun kay Weenie eh. Kung gusto nya talagang makalimutan, kakayanin nya." Depensa ni Array.
Bumuka pa ang bibig ni Maezi para salungatin ang sinabi ni Array pero inawat ko na agad sya.
"Okay, I get it. Magkaiba kayo ng opinyon. Chill lang kayo. Sa ngayon, magiisip lang ako."
Iniwan ko muna sila saglit dahilan para ipagpatuloy nila ang pagtatalo nila.
Umupo ako sa bleachers ng gym. Wala namang tao kaya ayos lang. Makakapag isip pa ako.
Tama si Maezi, mahirap makalimot, pero gusto ko eh! Kaya naman may point rin si Array.
beep.beep.
Tumunog ang cellphone ko. Akala nyo wala akong cellphone, ano? Well, nagkakamali kayo.
09*********
Hi Weenie bes! It's Maezi super ganda. Narealize ko na mas makakabuti ngang kalimutan mo na si Algid. Kaya bilang napakadyosa na bestfriend, may tips ako sayo!First. Don't think him. Wag mo syang isipin. Lahat nang nagpapaalala sa kanya alisin mo. Itapon mo.
Shemay. Ang hirap nito!
Second. Hwag laging good characteristics nya ang isipin mo. Isipin mo yung nakakaturn off sa kanya. Like malaki ang mata nya. Mukha syang alimango ganern.
Matagal ko na yang sinubukan pero walang effect!
Third, hangout with your friends and meet new hotties! Minsan hindi dapat laging nagkukulong dapat hangout hangout din. Punta ka sa alam mong lugar kungsaan maraming hotties to find your new crush.
Hotties? Like eww.
Fourth kung maaari, hwag syang pansinin. Kapag nakita mo sya dedma ka lang. Don't smile kasi kapag ngumiti ka maaring bumalik yung feelings mo.
Edi lagi dapat akong nakasimangot? Dinededma na nya nga ako pati ako, mandededma rin? Okaaay.
Fifth, you need to focus sa isang bagay like pag aaral ganun. Distract yourself.
Sige sige. I'll try this.
At kapag alam mo nang wala ka nang crush sakanya try to talk with him o kaya kapag nakita mo sya tignan mo kapag wala kang nafeel na anoman it means, success! Wala ka nang crush sa kanya.
Ang hirap naman ng mga yun. Magagawa ko ba yun?
Si Algid ang pasimuno nito eh! Kainis! Paiwas iwas pa! Akala nya naman walang nasasaktan! Manhid!
**
Credits kay Shaira sisa para sa tips.Ito na po ate @maezilah. Hindi ko lang po alam kung yun talaga ang gusto nyong pangalan mo.

YOU ARE READING
Love Warning [ON-HOLD]
FanfictionKapag kaya nalaman ni Algid ang nararamdaman ko sa kanya, ano kayang warning ang ilalagay nya sa akin? Alam mo ba Algid, kahit iba ang trato mo sa akin, umasa akong magugustuhan mo ako. Umasa ako, naghintay ako. Mula sa ilang araw, naging linggo, bu...