Papasok palang ako ng room ay bumungad na agad sa harapan ko ang mukha ni Maezi. Ngiting ngiti pa ito pero nung pasadahan nya ng tingin ang mukha ko ay napasimangot sya. Teka, ganun na ba ako kapangit?
"Hay nako, Weenie! Ang aga aga nakasimangot ka! Hayaan mo na, narito naman ako, I will spread good vibes in the air~~" Inunat pa nya ang mukha ko para mapangiti ako. Baliw talaga itong babaeng to.
Umupo na kami at daldal lang sya ng daldal. Puro tungkol sa paano makalimutan si Algid.
Speaking of the demon, pumasok sina Algid ng room dahilan para mabitin sa ere ang sasabihin ni Maezi. Nakanganga pa sya ng bahagya kasi nga naputol ang sasabihin nya dahil sa mga dumating.
"Hey pretty girl. Baka mapasukan ng langaw yang bibig mo. Alam kong gwapo ako pero hindi mo na kailangang magulat." Hinawakan ni Chase ang baba ni Maezi at sinara ang bibig nya bago ngumiti ng nakakaloko.
"Ang kapal m--" Bago pa ni Maezi matuloy ang sasabihin nya ay sumingit si Danger. Nakatingin ito sa akin habang nakangisi.
"Tsk. Tsk." Sabi nya at nilagpasan kami. Sumunod si Break na ano pa nga ba, hayun kumakain. At si Algid. Oo, si Algid. OMYGOD SI ALGID. Kalma. Whoo. Breath in. Breath out.
Hindi man lang nya ako tinapunan ng tingin kaya napayuko nalang ako. Feeling ko mapapaiyak ako kaya kumurap ako ng kumurap para hindi matuloy.
"Eeeeh! Bwisit talaga yung mga yun! Ang hahambog! Lalo na yung Chase at Danger na yun! Grr! At hoy, yung Algid mo may pasuplado effect pa! Sarap sakalin! At yung Break, jusko! NapakaPG!!!!" Pulang pula ang mukha ni Maezi dahil sa inis.
"Kumalma ka nga! Lukot na lukot ang mukha mo ang aga pa oh!" Dumating na si Array at umupo sa tabi namin. Hindi na nakasagot si Maezi dahil start na ng first subject.
~~
Lunch time na at dahil malapit na ang pasko, may inaasikaso si Maezi at Array sa SC office.Dumaan ako sa locker ko para kumuha ng libro nang bigla kong mapansin ang isang note.
Smile
-AEwan ko ba pero napangiti ako. Nakakatuwa naman si A. Napakathoughtful.
Aalis na sana ako sa locker room nang bigla akong may marinig na kumalampag. Akmang titingnan ko yun kaso may nakita akong lalaki na nagtatakbo. Nagkibit balikat ako. Grabe naman, ginawa pang playground ang school. Patakbo takbo pa. Sana madapa yun.
~~
Pabalik na ako sa room ng makita ko si Algid. Na nakangiwi at sapo ang tuhod. Mukhang galing sya sa clinic. Lalagpasan ko sana sya kaso.."Anong nangyari?" Hoy bibig!! Bakit hindi ka pa nakisama?! Bakit ngayon pa?! Bakit di ka nagpapigil?!
Inirapan lang ako ni Algid at iika ika na naglakad palayo. Sus. Snob effect pa.
'Paano ka kaya makalimutan?'
Sabi ko sa kanya. Pero sa isip lang.
'Bakit ka ganyan? Bakit bigla kang umiwas?'
Bulong ko. Mahinang mahina lang sapat na para hindi nya marinig.Hayy!! Wala na. Nagulo na naman ang utak ko! Si Algid kasi! Napaka.
Bumalik nalang ako sa room at tamang tama. Nandyan na yung dalawa.
"Weenie! Hehez san ka galing? Kanina ka pa namin iniintay!" Sabi ni Maezi at hinila ako.
"Oo nga. Akala tuloy namin may nangyari nang masama sayo." Sabi ni Array.
"Anong ako?! Ikaw lang! Alam mo ba Weenie napakaparanoid nitong si Array! Ang OA! Akala nya naman boyfriend mo sy---" Tinakpan ni Array ang bibig ni Maezi kaya todo piglas ito. Nang makawala sya ay nagsalita ito ulit.
"At alam mo ba, yung tuhod nya may sugat kasi--" tinakpan na naman ni Array ang bibig nya.
"Ano?! May sugat ka? Pumunta ka na ba sa clinic?"
"Ah o-oo." Sagot nya habang takip takip parin ang bibig ni Maezi.
Napatigil ako sa pagtingin sa dalawa nang may maramdaman ako na tumamang papel sa ulo ko.
Pinulot ko ang papel at binuksan.
Nagseselos ka ba?
Ayun ang nakalagay. Nilibot ko ang paningin sa room. May nagsusuntukan, may nagdadaldalan, may ce cellphone, may nagsusulat sa board; may sumisigaw, may naghahampasan, may kumakain at kung ano ano pa. Pero ang nakatawag ng pansin ko ay si Algid.
Nakatingin sya sa akin gamit ang seryoso nyang mukha. Ano na namang problema nya?! Siguro sya ang nagbato ng papel na ito.
Binigyan ko lang sya ng kanino look. Umismid lang sya at nagkunyaring sumusulat.
Ang gulo ng taong to.
Bibigyan ko sya ngayon ng caution: mysterious
Oha! Bago yan. Caution hindi warning.
Kasi naman, pa misteryoso pa si Algid. Nakakainis! Teka, bat ako naiinis?
Kasi ang madalas magustuhan ng mga babae ay yung misteryosong lalaki. Yung tipong macucurious ang lahat sa kung anong iniisip nya. At madalas, ang mga misteryosong tao, marami ang naghahangad na makilala sila ng mabuti.
Eh ano naman?! Kahit habulin sya ng mga babae at kahit pa magkamabutihan sila, WALA AKONG
PAKIALAM!!!!Konsensya: Wala ka nga bang pake?
ARRRGH! TUMIGIL KAAA!
***
Sarreh ngayon lang ang update.Vote/Comment
Idededicate ko nalang kay ate @julyahnah13
YOU ARE READING
Love Warning [ON-HOLD]
Fiksi PenggemarKapag kaya nalaman ni Algid ang nararamdaman ko sa kanya, ano kayang warning ang ilalagay nya sa akin? Alam mo ba Algid, kahit iba ang trato mo sa akin, umasa akong magugustuhan mo ako. Umasa ako, naghintay ako. Mula sa ilang araw, naging linggo, bu...