7

86 30 6
                                    

Tulad ng napagusapan, nagpunta ako sa bahay nina Algid at sobra na talaga akong naiinis dahil antagal ko na rito sa labas ay hindi parin nya ako pinagbubuksan. Hindi naman ako magkapagdoorbell dahil kabilin bilinan nya, " Wag kang magdo doorbell kahit anong mangyari." Kaya eto ako ngayon, 30 minutes nang nagiintay sa labas.

"Ineng may kailangan ka ba?" Pukaw sa atensyon ko ng sa tingin ko ay lola ni Algid.

"Eh maggagawa po sana kami ni Algid dyan sa inyo ng project namin. Kanina pa po ako rito hindi pa po sya nalabas. Sabi naman nya wag raw po ako magdoor bell." Paliwanag ko.

"Ay kaylokong bata yun ah! Naku Ineng pumasok ka muna rine at yung batang yun ay nagbabasketball malamang sa kapit bahay." Ano?! Nagbabasketball lang ang kulugong yun?! Ako talaga sinusubukan nya ha! Humanda sya sa akin. Lintik lang ang walang ganti!

"Ang batang yun, anong karapatan nyang pagintayin ng matagal ang isang napakagandang bata sa labas! Papaluin ko talaga sya!" Sabi ng lola nya at kinumpas pa ang tungkod nito kaya naman inalalayan ko agad. Baka madapa eh.

"Eh? Ako ho? Maganda? Malabo na po yata ang mata nyo. Ehehe." Ilang kong sabi. Palabiro pala si lola.

"Hindi Ineng. Malinaw pa ang mata ko kahit ako'y matanda na. Ako pala si Lola Alma, lola ni Algid."

"Hi po. Ako po si Weenie."

"Girlfriend ka ba ng apo ko?" Sabi nito.

"Hala hindi po! Nandito lang po ako para sa project namin." With matching iling iling 100x pa yan ha! Napatawa si Lola sa ginawa ko. Ano ba yan, nagmukha tuloy akong defensive. Si lola kasi!

Nakapasok na kami sa bahay at sinalubong ako ng yakap ng isang bata. Eh? Napagkamalan pa akong unan.

"HI PO! AKO PO SI ALDRIN! SINO KA PO? GIRLFRIEND KA PO BA NI KUYA ALGID KO?" Hyper naman yata masyado ang batang ito. Anlakas ng boses eh.

"Naku hindi. Kaklase nya lang ako. Ako si Ate Weenie." Ginulo ko ang buhok nya. Ang cute naman ng batang ito! May kapatid pala yung si Algid.

"MABUTI NAMAN PO! KASI PO ATE WEENIE CRUSH KITAAAAA!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Niyakap nya ako ulit at sumiksik sa akin. Nakarecover naman ako agad dahil may humila sa bata at tinakpan ang bibig nito.

"Hay naku Aldrin, masyado ka pang bata! Anyway, nice meeting you hija. Ako si Tita Aemie, nanay ni Algid. Pasensya na sa ugali ng anak ko. Wala man lang kasing dugong gentleman yun. Walang namana sa ama nya." Napatango ako pero syempre sa isip ko lang. Napakawalanghiya kasi ni Algid sarap ingudngod sa sahig!

"Nice meeting you rin po."

"Tinext ko na si Algid. Parating na yun." May isang lalaking kamukha ni Algid at Aldrin ang bumaba sa may hagdan. May naglalarong nakakalokong ngisi sa labi nito at nakita kong napailing pa si Tita Aemie. Dito siguro nagmana si Aljid.

"Call me Tito Axel hija." Sabi nito.

"Ah sige po." Lumapit naman sa akin ni Aldrin at niyakag akong makipaglaro muna. Pumayag ako.

"Ate Weenie tignan mo ito oh!" Sabi ng bata at ipinakita sa akin ang drawing nya. Dalawang tao yata ito na ikinakasal. Ang gulo nung drawing eh, di ko masyadong maintindihan.

"Sino ito?"

"Hihihi. Ako po ito," sabay turo sa lalaki," at ikaw po ito!" Masayang masaya nyang sabi. Ginulo ko nalang ang buhok nya at di na nagsalita. Andaming alam ng batang ito. Hay nako.

Nagulat ako ng hawakan ni Aldrin ang kamay ko. Dahil kamukhang kamukha nya si Algid, bigla ko tuloy naisip na sya ito. Jusko!

"Ate Weenie, gusto kitang pakasalan! Hihi!" Ngiting ngiti pa ang bata at may isinuot sya sa akin na kulay blue na ring. Saan nya ito nakita?

Nginitian ko sya," Marami ka pang makikitang girls dyan." Sabi ko.

"Gusto ko ikaw eh!" Sabi nya at nagpout pa. Kinurot ko ang pisngi nya.

"Wag kang malungkot kahit hindi ako ang girl na dapat mong pakasalan, iingatan ko naman itong ring na bigay mo." Sabi ko sa kanya.

"Sige po! Wag mo po yang tatanggalin ha!"

"Oo naman."

"Tsk tsk. Pati ba naman sa bata?" Aba ang kapal ng mukha ng mokong na ito matapos akong pagintayin sa labas!

"Wag ka ngang pakialamero. Sa susunod, wag kang mantrip. Project ang pinaguusapan natin dito Algid tapos ano? Nagbabasketball ka lang sa labas! Pwede ka namang maglaro pero sana pagkatapos na ng mga gawain!" Tumaas na ang boses ko. Hawak parin ng kapatid nya ang kamay ko.

Hinila nya si Aldrin. "Ipapaalala ko lang din na bata ito, makikipaglandian ka pa!" Antanga naman ng nilalang na ito.

"Engot ka ba? Bata pa naman ito. Di pa sya masyadong aware sa mga sinasabi nya! At bakit mo ba ako laging sinasabihan na malandi, eh para nakikipagusap lang landi agad?! Bakit ikaw may kasama pang kiss at holding hands wala lang?! Ikaw ang malandi! Wag nga tayong magpasahan ng ugali! Pati ako dinadamay mo pa dyan sa kasamaan ng budhi mo! At wala kang karapatan na sabihan ako nyan kasi HINDI MO NAMAN AKO KILALA!" Napaiyak na ako at tinalikuran sya. Narinig ko rin ang iyak ng kapatid nya.

"BAKIT MO PINAIYAK SI ATE WEENIE KO? AMBAD MO KUYA! I HATE YOU!"

"Weenie. I'm so--" hindi ko na sya pinatapos.

"Bukas sa amin. 1:00. Dapat matapos na natin agad yung project." Sabi ko ng hindi nalingon sa kanya saka tumakbo paalis.

Bibigyan ko sya ng warning on words ngayon. Ang harsh nya kasi.

~~
909 words?! Pinakamahaba na ito sa lahat ng naisulat ko.

Vote/Comment

Love Warning [ON-HOLD]Where stories live. Discover now