17

111 14 6
                                    

"Sigurado ka ba dyan?" Tanong muli sa akin ni Array. Sa tingin ko pang sampung beses nya na 'yong tinanong.

"Ano ba, Array?! Paulit ulit ka na!!" Hiyaw ni Maezi sa kanya. Narindi na yata eh.

"Eh kasi naman, malay ba natin kung may mangyaring masama kay Weenie habang marami tayong ino-organize para sa Prom! Mabuti nang may kasama sya ano! Pwede naman akong magpaalam!"

Yes, you heard it right. Prom. Prom na namin sa February 14. Ang worst na araw para sa mga taong ampalaya.

"Hindi, ayos lang Array! Kailangan ka ng SSG doon lalo na't Vice President ka. Ayos lang ako rito. Kaya ko na ang sarili ko." Mahinahon kong paliwanag kay Array. Pareho na kasi silang highblood ni Maezi eh. Mabuti nang wag ko nalang sabayan pa.

"See?! Huwag ka ngang paranoid at sigurado naman akong hindi sya papabayaan ni---asdfghjkl!" Hindi ko na naintindihan ang hulinh sinabi ni Maezi dahil binubulong nya lang iyon.

"Huh?" Tanong ko.

"Ha? I-i mean ano, hindi ka naman namin papabayaan ni Array! R-right! Ano, ah, babantayan ka namin kahit pa busy kami." Tensyonadong sabi ni Maezi at nagpapawis na. Hala? Okay lang ba sya?

"Sige. Kung ayon ang makakapagpanatag ng loob nyo."

Napagusapan kasi namin na sina Maezi at Array na ang magkadate sa prom. Tutal, pareho silang SSG Officer, pareho silang busy. Walang maiiwan.

Ayos lang naman sa akin ang walang date eh. Sus, easy.

Tungkol naman sa pagtatapat ni Array,

Flashback

"Gusto kita matagal na." Napatunganga ako sa harap nya. Shems, hindi ko talaga ito inexpect. Ayokong makasakit dahil alam naman nya na si Algid--arrggh! Nafu-frustrate ako! Ayokong saktan si Array.

"Naku naku, anong klaseng tingin yan?" Tinakpan ng palad nya ang mukha ko. Tinanggal ko naman ito agad.

"Ano kaba Weenie, hindi mo kailangang mag alala, alam ko na naman na...basta yun. Tanggap ko na. Actually dati pa ito, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob sabihin sa'yo"

Pilit akong humahagilap ng mga tamang salita sa isip ko pero hindi ako makapagisip ng matino dahil sa pagkabigla. Kaya ko to!

"A-ah. Alam mo ba Array, masaya ako kasi may tao palang nag aalala, humahanga at nagkakagusto sa akin. Nakakaflatter pala. Sorry at thank you ha. Pero haha, naging crush kita ng slight noong lumipat ka sa section namin. Ang cute mo kasi. At wag kang mangamba, gwapo ka, mabait, matalino. Mahahanap mo ang babaeng para sayo..balang araw." Tinapik ko ang balikat nya saka ngumiti. Lumakad na ako papuntang gate.

Hindi ako makatulog dahil sa nangyari. Nasaktan ko ba sya? Sana hindi.

Ngunit mayroon talagang isang nagulo sa utak ko.

Si A. Sino ba sya?

End of Flashback


Buti nalang walang namuong awkwardness sa aming dalawa. Normal parin kami, gaya ng dati. Isa lang naman ang hindi normal eh, ang kadaldalan ni Maezi at ang hindi maglahong feelings ko kay Algid.

May date na kaya sya? Hmm.

Siguro kung meron syang date mukhang bisugo lang yun! O kaya magmumukhang clown o kaya naman bruha! Pero kung si Heaven ang date nya, maswerte sya. Si Heaven kasi may boobs, pwet, magandang mukha,makinis na balat, mala anghel na features, seksi, basta lahat ng bagay na wala ako at kahit kaila'y hindi ako magkakaroon ay nasa kanya na. Parang si Algid..nasa kanya at kailanma'y hindi ako magkakaroon, hindi ko maabot, hindi ko mababagayan. Hindi ba?

Bakit ba ang emotera ko na? Tapos nagmumukha pa akong insecure?! Hindi ako insecure!!

Sana wala pang date si Algid.

Kasi kahit papaaano, umaasa ako na aayain nya ako na maging date. Okay lang naman umasa diba? Kasi sabi, habang may buhay, may pag asa. Kahit masakit na, kahit hindi mo na kaya, umasa ka pa rin.  Magmahal ka lang ng magmahal.

Aysus tama na. Pero bakit kaya wala pang kumakalat na chismis tungkol sa date ng apat na tukmol?

Pasuspense Warning. Oh ayan! Kasi naman hindi pa nila sinasabi. Clueless parin tuloy ako!

Pero hangga't wala pang chismis. Aasa nalang muna ako.

Sana...sana...

***
Annyeong! Ang saya ko ngayon kaya may update. May pake man kayo o wala, basta gusto ko lang ibroadcast na masaya ako! Masama ba? Hahaha

Vote/Comment.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Warning [ON-HOLD]Where stories live. Discover now