Linggo ngayon at walang pasok. Nagpasya akong sumimba muna para magthank you kay God. Kahit na ganito ang buhay ko, miserable, dapat ko parin itong pasalamatan ang Diyos dahil di nya ako pinapabayaan.
Anyway, focus na focus talaga ako sa misa to the point na hindi ko na alam na may katabi na pala ako. At nung sa part na magpi-peace na ay nagulat ako dahil si Algid ang katabi ko!
"Algid?/Weenie?" Sabay naming sabi. Pero sa huli ay nagpeace kami sa isa't isa kahit hindi kami in good terms.
Natapos na ang misa at dali dali naman akong umalis. Narinig ko pa na tinawag nya ako pero hindi ko sya nilingon.
Sorry.
~~"May ipapagawa ako sa inyo na project." Pambungad kaagad-agad ng teacher namin sa music at health kaya naman dumagundong ang pag alma at reklamo ng mga kaklase ko.
"Don't worry, by partner naman. Ganito yan, magcocompose kayo ng song na tungkol sa healthy relationship. Ang pagkakakanta nyo ay ilalagay ko sa music at ang lyrics ay para sa health. Ito na ang partners.." at nagsabi na sya. Sayang nga hindi ko kagrupo si Array eh. Kainis.
"Weenie Scarlet at Algid Raveña. That's all. May meeting pa kami. You may take your recess." Hay salamat early recess. Pero gosh, kung minamalas ka nga naman! Bakit si Algid pa?! BAKIT?!
Bago pa kami makalabas ni Array ng room ay may nandagit ng braso ko. Agad naman akong nahila ni Array kaya ang lumabas, para silang nagtu-tug of war nung biglang humawak sa akin. Aray ha. Nainis na ako kaya nilingon ko sila.
"ALGID? TUMIGIL NGA KAYO. ANG SAKIT HA." Si Algid pala yung biglang nanghila. Sabay naman sila bumitaw at nagsorry.
"Pre may sasabihin lang naman ako dito sa partner ko. Paano naman ang project namin diba? Umuna ka na kaya sa canteen?" -Algid
Binigyan naman sya ni Array ng asa-ka-pwe-look. Gets nyo? Basta yun na yun. Kita ko naman na nainis si Algid pero nagsalita na rin.
"Sa Sabado. 3:00 pm. Sa may Roxas Street doon sa subdivision. Malapit lang naman sa inyo. Doon na tayo magrerecord at gagawa ng lyrics." Sabi nya at umalis na. Nagsamaan muna sila ni Array ng tingin nung nagkasalubong sila ng tingin. Ano kaya meron sa dalawang ito?
"Magingat ka sa taong yun ha." Kahit na nalilito, tumango nalang ako.
~~
Wala si Array ngayon dahil may inaasikaso. Busy sya palagi. Nakain ako ng matiwasay pero may dumanggil ng pinggan ko."Oops haha. Sorry." Labas sa ilong na sabi ni Chase.
"Uyy choco bar! Akin nalang ah?!" Hindi pa ako sumasagot ay kinain na ni Break ang choco bar na hindi ko pa nabubuksan. Patay gutom talaga ang isang ito.
Nilapit ni Danger ang mukha nya sa akin at bumulong. "Wag ka nang makalapit-lapit pa kay Algid matapos ang project. Nababahidan ng germs ang kaibigan namin." Sabay tapon sa akin nung coke ko. Keep calm Weenie and punch these three eggs--este kalma Weenie.
Wala si Algid. At buti na lang ay maunti ang tao dito sa garden. Ang iba ay mukhang naawa. Ang iba ay natatawa. Hell I care.
Nakayuko lang ako at binuksan ang locker ko.
Sorry. I'm a coward. I'm not able to protect you.
-ANgayon lang ulit sya nagparamdam at nakakagulat talaga. Nakakalungkot dahil yun pala ang iniisip nya.
"Hindi ka ganun A." Nasabi ko nalang sa hangin.
"Ako. Ako ang duwag. Hindi ako marunong lumaban." Sambit ko.
~~"Sorry Weenie. Edi sana napagtanggol kita sa mga lalaking yun. Hay." Nalaman ni Array ang nangyari kahapon with the help of my generous classmates*insert sarcasm*
"Naku okay lang. Kasalanan ko naman." Yumuko ako.
"Anong kasalanan? Hindi mo kasalanan." Sabi nya. Nanatili akong nakayuko.
"Hindi Array. Kasalanan kong mahina ako. Kaya ginaganahan silang awayin ako. Kasalanan kong panget ako, kaya may dahilan sila para pagtawanan at alipustahin ako."
"Don't say that. Hindi ka mahina at lalong lalo nang hindi ka pangit! Magtiwala ka naman sa sarili mo. Alam mo namang hindi ka ganun hindi mo lang tinatanggap sa sarili mo" Sabi nya.
"I don't know. Siguro hindi ko kilala ang sarili ko." Hinawakan nya ang baba ko para nagkapantay ang mukha namin. Namula agad ang mga pisngi ko. Luh. Grabe. Buti nalang walang tao sa garden ng ganitong oras.
"Wag mong kakalimutan na lagi akong nandito. Noon man o ngayon. I'll help you." Noon? Huh? Ano daw?
BOOGSH(tunog ng hinampas na bag)
Naputol ang moment at napalingon kami ni Array sa pinangagalingan nung tunog.
"Psh. Ang ingay." Nilapitan ako ni Algid at dinikitan ako ng Flirt Warning sa may baba. Aba bastos talaga to! Tinalikuran nya kami. Sya naman dyan ang napaka-as in super duper landi!
NAKAKAINIS KA ALGID RAVEÑA! NAPAKAJUDGEMENTAL MOOOOO!
**
Hi po. Alam kong pangit ang chapter na ito. I know. I know.Vote/Comment

YOU ARE READING
Love Warning [ON-HOLD]
FanfictionKapag kaya nalaman ni Algid ang nararamdaman ko sa kanya, ano kayang warning ang ilalagay nya sa akin? Alam mo ba Algid, kahit iba ang trato mo sa akin, umasa akong magugustuhan mo ako. Umasa ako, naghintay ako. Mula sa ilang araw, naging linggo, bu...