14

79 26 4
                                        

Wala namang masyadong masayang nangyari noong mga nakaraang araw. At ngayon, christmas party na namin! Wohoo. Note the sarcasm.

Hindi naman ako lagi naeexcite sa pasko. Wala naman yung mga magulang ko, masyadong busy sa trabaho. Hep hep! Akala nyo ulila na ako no? Nagkakamali kayo. Bwahaha. Sadyang laging missing in action lang ang parents ko.

At heto ako ngayon sa harap ni Maezi. Nakabusangot ang mukha nya sa hindi ko malamang kadahilanan.

"Oh? Anyare nanaman sayo?"

"Eeeh! Bakit jeans ang suot mo?! Dapat nagdress ka!!!!!" Singhal nya sa akin.

"Ayoko nga! Hindi ako komportable run eh. Pumasok na tayo sa room para masimulan mo na ang party."

"Eeeh!" Reklamo pa nya pero wala na syang nagawa. Well, nandito na ako eh.

Hayun, games games. Tamad na tamad naman akong sumali. Kaso..

"Okay!!!! Ang new game natin ay sack race! Pero! Hindi ito ordinaryo dahil tigtatatlo kayo na maglalaro! Yey yey!" Patalon talon pa talaga si Maezi.

"Hala hirap naman nun."

"Mygosh nakadress pa naman ako huhu."

"Baka madapa ako at masubsob sa lupa!"

Reklamo ng maarte kong kaklase. Che! Ayan, padress dress pa kasi! Napala nyo.

Ngumisi lang si Maezi sa mga kaklase kong nagreklamo at ginroup na kami.

"Last pair is Algid, Array and Weenie! Okay pwesto na kayo!!" Ngising demonyo si Maezi at prenteng umupo sa monoblock chair. Nasa field kami ngayon. Ang abno naman kung sa room diba?

"So pabilisan kayo na mareach ang ating finish line! Let's start! Pwesto na tama na ang reklamo kung hindi itatapon ko na kayo sa bermuda triangle!" Sabi-este sigaw ni Maezi.

"1. 2. 3. GOOOOOO!"

Hayun, nagigitgit ako nung dalawang lalaki. Paano kami makakausad? Napalingon ako sa mga kaklase kong nagsimula na talaga. Puro nakasubsob sa damuhan. AHAHA!

"Ganito. Sabay sabay tayong tatalon lagi..." Sabi ni Array.

"Malamang" singit ni algid.

"Di pa ako tapos! Weenie, magbilang ka lagi ng 1 to 3 tapos talon tayo."

Bilang lang ako ng bilang at talon kami ng talon. Yung mga kaklase namin. Hindi parin nakakagalaw BWAHAHA. Sa ngayon, ang malapit samin na pair ay ung kina Break, Chase at Danger. Patay! Maaabutan na nila kamiiiii!

"Guys bilisan na natin. 1. 2. 3. G--AHHHHHH!" Naputol ang pagbibilang ko dahil madadapa na ako. Excited ko kasi eh. Napatalon ako agad di pa tapos ang bilang. Kakahiya naman ako pa man din ang nagbibilang samin ako pa nagkamali.

"Weenie!" Sabay na tawag sa akin nung dalawa.

Hayan na yung damo! Ahhhh!

Napamulat ako nung sumigaw si Maezi.

"We have a winner na! Chase, Break and Danger! Tenenenen! Yey! Magsitayo na kayo dyan mukha kayong abnormal." At nauna na sya sa room. Magaling president. Bravo.

Napatingin naman ako sa kamay ni Algid at Array na nasa magkabila kong braso. Binawi ko na ang braso ko at umalis sa sako.

"Thanks sa inyo." Sabay takbo na sa room. Chibugan na at sunod na ang exchange gift. Yay.

~~
Ang regalo ko kay Maezi ay dinosaur na stuff toy. Tuwang tuwa naman sya. Ang nakabunot kay Array ay si Break.

Teka, edi hindi si Array ang nabunot ni Algid? Sinong nabunot nya?

Nagulat ako nung sa akin pumunta si Algid at nagbigay ng regalo. Ako? Ako ang nabunot nya?

Binuksan ko ang regalo na may lamang keychain, notebook, ballpen at pouch na bike ang design. Aww. Ang cute. At ang dami naman! Tinignan ko kung may laman ang pouch at nagulat ako ng may laman itong ipis!

Nahihintakutan kong tinapon sa lapag ang pouch at sumigaw. Pati iba kong kaklaseng babae ay lumayo sa pouch at napairit. Takot na takot ako sa ipis, swear. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil palapit na sa akin ang ipis. Nasa cr si Maezi at lumabas si Array kaya walang tutulong sa akin ngayon. Lanjo! Hindi man lang nila patayin yung ipis?!

Nakita ko di kalayuan ang kaibigan ni Array na matatawa yata na ewan. Pinagtatawanan na ako ng iba kong kaklase. Sumulyap ako kay Algid pero wala rin sya. Anong gagawin ko? Atras ako ng atras pero yung ipis nalapit! Di nagtagal ay lumipad ito kaya lumakas ng bongga ang tibok ng puso ko.

"AHHHH!" Unti unting nanlalabo ang paningin ko dahil sa takot.

"Weenie!" Sabay sabay na tawag ng di ko alam kung sino.

Naglalaho na ang tunog ng tawa, irit nung mga babae at yung boses nung mga tumawag sa akin. Tuluyan  na akong nilamon ng dilim.

I hate you Algid.

***
Vote/Comment

Please magbigay po kayo ng feedback tungkol sa gawa ko. Kahit tips lang para mapaganda ito. Thank you. That would be a great help po.

Love Warning [ON-HOLD]Where stories live. Discover now