9

87 29 3
                                    

Papasok palang ako ng gate ng mamataan ko ang isang lalaki na may kausap na bata. Teka kilala ko ito ah.

"Array?"

"Oh Weenie!/Ate Weenie ko!" Sabay na sabi ni Array at nung bata.

"Aldrin? Ang aga pa ah? Bakit nasa school ka namin? Bawal ang bata dito." Sabi ko. Pinapabayaan naman yata ito ng magaling nyang kapatid!

"Eeeh! Gusto lang naman kita makita eh! Ayaw ako papasukin!" Reklamo nya.

"Bawal kasi ang bata rito. Halika nga." Inakay ko sya sa may waiting shed sa harap ng school. Maaga pa naman kaya sasamahan ko muna itong bata.

"Sinabi ko na yun sa kanya Weenie pero ayaw nya makinig kanina. Nagpupumilit syang pumasok sa school."

"Heh! Bad ka! Gusto ko lang naman makita si Ate Weenie ko!" Niyapos ako ni Aldrin. Paiyak na ito kaya inalo ko sya.

"Kiddo, ang sabihin mo nalang ay ang kulit mo." Sabi ni Array ng malumanay.

"Hindi ako makulit at big boy na ako! Papakasalan ko pa si Ate Weenie no!" Sabi nito at nagulat kaming pareho ni Array. Sinamantala naman yun ni Aldrin at sinipa nya si Array kaya napa aray ang isa. Tumakbo ang bata palayo sa amin.

"Aldrin wait! Baka madapa ka!" Sigaw ko.

Tumigil si Aldrin sa tapat ng isang puno at lumabas doon si Algid. Walanghiyang yon! Ginulo pa nya ang buhok ng bata at binigyan ito ng lollipop. May sinabi pa sya rito at ayon sa galaw ng bibig nya ang sinabi nya ay good boy. Aba! At talagang tinuruan pa ang kapatid nya! Napakasama talaga.

"Nasaan na yung bata Weenie? Ang kulit talaga." Sabi ni Array habang sapo ang tuhod na sinipa ni Aldrin.

Hindi ako agad nakapag salita dahil bago maglakad sina Algid pauwi ay binigyan nilang magkapatid si Array ng nakamamatay na tingin.

Anong meron sa dalawang yun?

~~

Naglalakad lakad ako ngayon sa field at napatalon ako sa gulat ng may tumigil na bike sa harapan ko.

"Hoy geek pagod na akong magbike. Iangkas mo ako. Punta tayo don." At talagang?! Napag-utusan pa ako! Kafal! Sino pa ba ito? Syempre si Algid.

Inirapan ko sya pero sumakay na rin ng bike. Matagal na akong hindi nakakasakay rito!

Nung makaupo ako ay umupo si Algid sa likod na part nung bike. Bale, magkatalikuran kami. Sa awa ng Diyos, nakaya ko pang magpedal kahit may kabigatan si Algid.

Nakafocus lang ako sa pagbabike at nagulat ako ng dumantay ang likod ni Algid sa likod ko. Sinandal nya ang ulo nya sa likod ko.

O to the M to the G! Sure ako na namumula ako ngayon. Kahit nakatalikod ako, ramdam kong nakangiti si Algid ngayon. Oxygen please.

Lalo akong nagulat ng bumaba sya. Bigla bigla kasi! Buti nalang hindi ako nagtaob.

Nilingon ko sya at nakita ko syang nakatingin sa mga kaibigan nya tapos tumakbo na sya papunta doon sa kinaroroonan nila. Leaving me behind. Ayos lang, ganun naman lagi.

Nagpedal nalang ako ulit habang unti unting nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha. Ang sakit na maramdaman na maiwan. Char lang. Pero seryoso, hilig talaga yata ni Algid na iwan ako sa ere.

Hindi ko napansin na babangga na pala ako. Napasigaw ako at napapikit.

Goodbye World.

Joke ang OA ko. Noong narealize ko na para akong timang na nakapikit, minulat ko na ang mata ko at naabutan ko si Array na hawak ang harap ng bike at pinigilan ang pagbangga ko.

Bumaba agad ako ng bike at napayakap sa kanya. Saka umiyak.

"Akala ko babangga na ako.. thank you na naman Array ha." Hinagod nya ang likod ko.

"Ano ka ba, I won't let you get hurt and fall." Ako lang ba, o parang double meaning yun? Nevermind.

Kumalas ako sa yakap at tinayo ang bike. Nakita ko agad si Algid na papunta sa direksyon namin at hinarap ako sa kanya. Dinikitan nya agad ako ng sticker at lumayas na.

PDA. Huh? Di ko gets.

Ano yung PDA? Anyone?

~~

Vote/Comment

Love Warning [ON-HOLD]Where stories live. Discover now