Sa bawat taon ko dito sa school, napunta ang mga studyante sa isang orphanage. Iba't ibang orphanage gada taon. Mahilig ako sa mga bata eh. At sila, hindi ako hinuhusgahan. May nagsabi pa nga noon sa akin na ang cute ko. *flips hair* Haha. Mga bata talaga, hindi marunong magsinungaling. Char.
"Mga bata, iwelcome nyo sina Ate Weenie, Heaven, Phoebe, at Reese. Pati na rin sina Kuya Algid, Array, Kinno, at Red." Pakilala sa amin ni Sister Ana. Group group ang punta sa orphanage bawat section. At 8 kaming pumunta ngayon.
May humila sa laylayan ng shirt ko. Isang batang matambok ang pisngi, maganda at mahaba ang pilik mata. At may salamin. Hankyut! Parang child version ko. Joke.
"Ate Weenie, pwede mo po ba akong samahan magswing? Ayaw nila ako samahan eh." Para pala akong sya. Glasses lang naman ang kakaiba sa kanya, pero maganda naman sya. Bakit wala syang kaibigan? Life is very complicated. Lagi nalang tayong sinusubok at pinapahirapan.
Nagsquat ako para makapantay ko sya at kinurot ang matambok nyang pisngi.
"Oo naman. Tara play tayo." Ngiting ngiti kong sabi sa kanya. Ang cute talaga nya.Nung tumayo na ako ng ayos at inakay ang bata, sumalubong sa harap ko si Algid na abot tenga ang ngiti sa harap ng camera nya at titig na titig pa rito. Ansaya nya ah.
"Tinitingin tingin mo?!" Sungit! May regla yata itong taong to ngayon. Kanina nakangiti, ngayon magkasalubong ang kilay.
"Wala." Sabi ko at umalis na.
~~
Pinagswing ko naman ang bata."Baby girl, ano palang name mo?"
"Weign po."
"Ahh."
"WEENIE!"
"Array? Bakit? May kailangan ka ba?"
"Wala. Pero sya, *sabay pakita ng batang hawak* gusto sana nyang makipaglaro muna dyan kay Weign. By the way, he is Andy." Kinindatan nya muna ang bata bago pinalapit kay Weign. I smell something fishy.
Umupo muna kami ni Array sa isang bench doon.
"What's with the wink? I smell something eh. Bakit gusto makipaglaro ni Andy kay Weign?"
"Basta. Sabihin nalang natin na kahit bata pa si Andy, alam na nya ang gusto nyang gawin. Hanga ako sa batang yun. Daig pa nya ako sa pagpapakatotoo."
"Huh? Di ko gets."
"Ah basta. Don't mind me. Pasensya na ang weird ko ngayon."
"Hindi--"
Naputol ang sasabihin ko dahil may nagdikit ng kung ano sa noo ko. Putspang Algid yan! Napakabastos kita nang may kinakausap ako eh!
Flirt Warning. Teka nga, kailan pa ako nakipaglandian? Anlabo ha. Napakajudgemental naman nung lalaking yun. Kung pwede lang sanang mambigti, naku, ibinitin ko na sana sya! Napakasama ng ugali.
~~
Ang layo pala ng orphanage. Tulog na lahat ng tao sa van. Pwera nalang sa akin.
Napalingon ako sa katabi kong si Algid, ako dapat ang nagbibigay ng flirt warning sa kanya dahil sa paglalandian nila ni Heaven. Ang tigas ng mukha pinasa pa sa akin ang ugali nya. Ang pagiging malandi. Ako daw ang nakikipaglandian, sya naman.
Driver-Mam
Heaven-Algid-Me-Array
Pheobe-Kinno-Red-ReeseGanan ang pwesto namin. Si Manong driver nalang at ako ang gising. Madilim rin sa loob ng van. Naaninag ko ang camera ni Algid. Ehehe. Di naman siguro masamang magtingin tingin ng pictures. At isa pa, nacurious ako dahil ngiting ngiti naman sya masyado kanina. Gusto kong malaman ang bagay na nakapukaw ng pansin nya.
Tingin sa paligid: Naharok ang lahat.
Tingin kay Algid: Tulog na tulog.
Tingin sa Camera: This is it!Sa mga unang pictures, sya at yung bata na nakasama nya. Yung mga sisters meron ding picture. Mga bata, pati nga sila ni Heaven meron. Edi sila na!
Itatabi ko na sana yung camera kaso natempt pa akong tignan yung ibang picture. Mga picture ngayong araw lang naman ang titignan ko.
Puro bata, may naglalaro, may sadyang nagpapicture, may stolen shots.
Muntik ko nang mabitawan ang camera ni Algid dahil sa last picture na nakita ko. Lumabas yata yung puso ko at tumalon talon sa saya. Biro lang. Ang exagge ko.
Babae sya, may salamin, cute(char). Hawak nya ang isang magandang bata sa pisngi at ngiting ngiti pa.
In short, ako yung nasa last pic.
So kung ako yun, malaki ang chance na ako ang dahilan- este yung picture ko ang dahilan kung bakit para syang may mental disorder na nakangiti? Emeged.
Tumalbog ang puso ko sa hindi ko malamang pakiramdam. Bigla bigla nalang kumilos ang mga muscles ko at mapangiti ako. Hindi ko na alam pa ang irereact grabe I can't breath! Syempre, joke lang yun. Ang OA ko na.
Pero, ito na ba yung sinasabi nilang........
Kilig?***
Weign- Weyn
Phoebe- Pibi
Reese- RisGanan po ang pronounciation ng names nila.
Sorry napakaweird ko magpangalan ng characters. Ayoko kasi ng may katulad sila na pangalan lalo na yung main characters. Okay ang haba na ng note ko. Thanks for reading? Kung may nagbabasa man haha.Vote/Comment

YOU ARE READING
Love Warning [ON-HOLD]
Fiksi PenggemarKapag kaya nalaman ni Algid ang nararamdaman ko sa kanya, ano kayang warning ang ilalagay nya sa akin? Alam mo ba Algid, kahit iba ang trato mo sa akin, umasa akong magugustuhan mo ako. Umasa ako, naghintay ako. Mula sa ilang araw, naging linggo, bu...