10

69 30 8
                                    

Walanghiyang Algid yun! Ang PDA pala ay Public Display of Affection. Eh pang magshota lang yun eh! Napakamalisyoso kainis.

Malapit na ang aming sportsfest at nalaman ko na sa volleyball maglalaro si Algid. Nalaman ko ha, hindi ko sinasadya. Andami kayang nakalat na tsismis lalo na at famous si Algid.

Si Array naman ay hindi maglalaro. Busy sya kasi nga member sya ng Supreme Student Government. At heto sya, kinukulit akong sumali sa kahit isang laro daw.

"Dali na Weenie. Kulang kasi tayo ng players. Kahit sa darts lang, sumali ka." Magkasiklop pa talaga ng mga palad nya.

"Ayoko. Mag aya ka nalang ng iba dyan. Yung may potential hindi gaya ko." Pagtataboy ko sa offer nya.

"Lahat naman ng tao may potential eh!" Pangungulit pa nya.

"Ayoko nga. Final na. Period. Padlock. No erase. Tapon susi."

"Hay sige na nga kung ayaw mo talaga. Inaalala ko lang naman kasi baka mabored ka lang dahil tatlong araw kang walang gagawin."

"Ayos lang sa akin. Taon taon naman akong ganito." Malungkot lang nya akong tinanguan at nagpaalam na. Kailangan pa raw nya kasing magrecruit ng players.

Naalala ko tuloy si A. Lagi nya akong pinapadalhan noon ng note na inaaya akong maglaro at magenjoy tuwing sportsfest, na hindi ko nagagawa. Haay. Nasan kaya sya?

~~

First day ng sportsfest, natulog ako maghapon sa room kaya wala akong alam sa mga nangyari.

Second day, kumain ako ng kumain. Kaya wala rin akong alam sa mga nangyari.

Third day, heto at kagigising ko lang. Napatayo ako sa gulat dahil nasa harap ko si Algid.

"Chill ka lang. May tulong laway at muta ka pa."

Kinabahan ako agad at kinapa ang pisngi at mata ko kung meron man. Kaso wala. Napagtripan na naman ako. Humagalpak ng tawa si Algid.

"Ansama mo!"

"Hahahaha. Aray. Ang sakit ng panga ko. Hahaha. Kung nakita mo lang yung mukha mo kanina, grabe, priceless! Sayang nga wala akong dalang camera eh! Ipapakita ko sana sayo." Aba! Napakawalang hiya! Napakaantipatiko! Napakagwapo--ay wala! Ahh basta! Napaka nya!!!!

Nagwalk out nalang ako. Kainis!!

~~

Nasa third floor ako ng Rodriguez Building para mas maganda ang view sa mga nagvovolleyball. Katapat kasi ng building na ito ang court at gym.

Nakita ko si Algid na sitting pretty lang sa isang tabi. Sabagay, malayo ang score ng team namin sa kalaban. In short, tambak ang kalaban.

Change court. Naglipatan ang supporters ng team ng aming grade. Pati si Algid na sub lang pala! Kaya naman pahi-pahinga lang! Ang kapal talaga.

Dahil mainit ang panahon, naglabas sya ng payong at nagshare sila ni Heaven dun. Che! Feeling gentleman!

Habang nageenjoy sila ni Heaven na magkwentuhan habang nakaupo sa benches at nagpapayong, pumasok nalang ako ng room. Magkakasore eyes yata ako dahil sa kapangitan ng view sa baba.

"Oh? Kakalabas mo lang ah! Hindi ka ba manonood?" Tanong ni Array.

"Ugh. No thanks. Ampangit ng laro." Dire diretso na akong umub-ob sa aking desk.

"Luh? Anyare?" Tumingin sya sa labas at nakita kong sumeryoso na ang ekspresyon ng mukha nya. "Kaya pala..." sabi nya. Bakit bigla syang naging gloomy?

"Array baki---" bago ko pa maituloy ang sasabihin ko ay nagpaalam na sya at mabilis na umalis.

Ano kayang nangyari?
~~

Monday. Ambilis ng panahon no? Parang kamakailan lang, sportsfest palang. Ngayon, awarding na ng winners.

"The Champion for Volleyball Boys are*drum rolls please* Grade 10!!!!!"

Hiyawan. Tilian. Sigawan. Nakakarindi walanjo!
Nagpuntahan ang players sa unahan at aba! Ngiting ngiti si Algid hindi naman sya naglaro! Antaas ng self confidence ni Koya! Di ko ma reach!

Ayun, natapos ang boring na araw na bwisit na bwisit na naman ako kay Algid.

~~
Lumipas ang mga araw...
Ambilis no? Ganyan talaga.

Hindi ko na nakakausap si Algid. Kahit kaklase ko sya, walang pansinan. Nagtaka ako pero hindi ko sinubukang magtanong sa kanya. Hindi naman kasi kami close. Alangan namang mag FC ako diba?

Hayy. Ano na naman ba ito Algid? Isa ba ito sa mga pakulo mo? Sana tigilan mo na. Kasi sa lahat ng pakulo mo, ito ang pinakamasakit.

**
Dedicated kay @Mellodi_1101.

Ampangit ng chapter na ito! Feel ko talaga

Love Warning [ON-HOLD]Where stories live. Discover now