Noong una ko palang nakita si Algid, crush ko na sya. Pero simula nang i-bully nya ako, imbes na mabawasan eh grabe lang, lalong nadagdagan ang feelings ko. Oo na, ako na ang masokista. Wala naman akong magagawa sa peste kong naramdaman.
Nakain ako ng tahimik dito sa cafeteria. Dito na ako naguumagahan. Walang estudyante dito kapag umaga, kaya alam kong magiging maayos ang pagkain ko.
For the nth time, nagkamali ako...
"Hi geek."
Si Algid.
Hindi ko nalang sya pinansin kaya dinikitan nya ako ng Snob Warning. Wala raw kasi akong karapatang mangsnob sa kanya. Nilukot ko yun at tinapon.
"Ano bang kailangan mo? Nakain ako rito oh."
"Alam ko. Hayaan mo di kita guguluhin. Wala lang akong magawa. Wala pa kasi yung tatlo."
Sabi niya at tinitigan nalang ako habang nakain ako.Ahh. Ako, lagi ko syang choice. Sya lagi ang pinipili ko. Samantalang ako, option lang. Pagpipilian kapag wala syang magawa. Joke lang ang drama ko.
Nailang naman ako lalo noong inaabot ko ang ketchup na malapit sa kanya at hindi man lang sya nagabalang abutin yun para sa akin. Nanatili syang nakatitig at hindi gumagalaw. Ang lapit tuloy namin sa isa't isa. Nagwala ang organs ko. Nagfireworks sa paligid at lumabas ang puso ko. Pero syempre, imagination ko lang yun.
Nakakailang na ha! Ano ba naman kasing ketchup to! Nauurat na ako! Ayaw makisama! Hindi ko maabot!
Nilingon ko si Algid para humingi ng tulong.
Napatulala ako ng malapit na pala ang mukha namin dahil sa paglingon ko. Wrong move!Ewan ko kung nagiimagine ako na namula ang tenga nya o totoo ang nakikita ko. Awkward nyang inabot ang ketchup at sya pa ang naglagay sa hotdog na kinakain ko.
Napatingin ako sa mukha nya. Ang gwapo talaga ni Algid. Kamusta naman siguro ang pang nerd kong mukha?
"Luh. Crush mo na yata ako geek eh!" Maktol nya at nilapag ang ketchup sa table.
"A-ah? Asa." Bakit ba ako nauutal? Maghunos-dili ka Weenie Scarlet.
Ngumiti lang sya sa akin. Again mga kababayan, natulala po ako.
Dumating naman ang nga kaibigan nya at may nagsabi "Wuy Algid bakit kasama mo si geek. Wow kadiri." Hula ko si Chase yun.
Nabigla naman ako ng tumayo si Algid at tinapunan ako ng ketchup. Yung kamay at braso ko ang nilagyan. Hindi yung pagkain ko. Tinapon rin nung si Chase yung inumin ko.
Bakit biglang ganito? Bakit umasa na naman ako sa Algid na to? Bakit kasi ganan sya kumilos, tapos biglang nagbabago?
Nagtawanan ang mga kaibigan ni Algid at nakaturo pa sa akin. Sinubukan kong hulihin ang tingin ni Algid pero nabigo ako. Tumalikod lang sya sa akin. Katulad ng lagi nyang ginagawa. Ang sakit, hindi ako makahinga.
Sa ngayon, isa lang ang maibibigay kong warning kay Algid, paasa warning.
Kunwari pa na mabait, kunwari pa na concerned, basta napakamapagkunwari nya! Ang sama sama nya! Pinaasa nya ako!
Pero bakit sabi nila..
Walang taong paasa kung wala ring assumera.Edi assumera pala ako? So what?!
~~
Tapos ko ng hugasan ang braso at kamay ko na may ketchup. Inamoy ko ang braso ko. Oh men, amoy ketchup parin.Pumunta ako sa locker's area sa pagbabakasakaling may makita kong pwede kong magamit sa locker ko.
Nanlaki ang mata ko ng may makita akong sabon.
Hugasan mo ang braso mo.
-AThank you talaga, A. Kung sino ka man. Hulog ka ng langit!
~~
Pumunta na ako sa room at dumating na si Mam Magsagot.
"May bago tayong lipat mula sa second section. Dito na sila sa first dahil mataas ang naimprove ng grades nila last school year." Sabi ni Mam.
Nagtilian ang mga babae kong kaklase ng dumating ang apat na peste sa buhay ko.
"Chase Santillan"
"Break Robinson"
"Danger Park"
"Algid Raveña"Tumili lalo sila. Ang haharot naman. Sikreto akong umirap sa hangin.
Umupo ang apat at may pumasok na isa pa. This time, cute na lalaki lang ang dumating. Pero parang kitikiti parin ang mga kaklase ko. Infairness, mukhang mabait si koya.
"Array Scott"
Hay. Crush ko na sya. Si Array ang SSG VP namin. At nagtataka ako kung bakit hindi nya alam ang kag@gvhan na ginagawa sakin araw araw. Baka busy.
Sa tabi ko ay may vacant pa at nagkahinga naman ako ng maluwag noong si Array ang nakatabi ko.
Nagulantang ako ng may kumulbit sa akin.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa cute kong katabi/crush/si Array.
"Hi. I'm Array."
"I know."
"Ikaw, anong pangalan mo?" Mala-kinder nyang tanong. Sarap nyang pisilin!
"Weenie. Weenie Scarlet. Uhh. Hi?"
"Ang ganda naman ng pangalan mo."
"H-huh?"
Nagblush ako for sure. Wala pang ibang nagsabi na maganda ang pangalan ko maliban sa sarili ko."Alam mo bang ang ibig sabihin ng Weenie ay nerd? Bagay na bagay sa itsura ko." Sabi ko with matching turo sa mukha ko.
"Ano ka ba. Hindi ka mukhang nerd. At ang ganda kaya ng pangalan mo, parang ikaw. "
"A-a-ah. A-ano."
Di ako makapagsalita. Ano bang icocomment ko? Nasusunog na yata ang pisngi ko sa sobrang init nito. Nanlalaki pa ang mata ko sa harap nya at bahagyang nakanganga. I think I look hilarious in my epic face. Grabe nakakagulat kaya. Ikaw ba naman ang icompliment ng isang napakacute na nilalang ewan ko lang.*BOOOGSH*
"Mam CR lang po."
Sabi ni Algid at padabog na naglakad.
Hala? Problema nun?
~~
Chase-Cheys
Break-Breyk
Danger-Deynjer
Algid-Aljid
Array-Arey
Weenie-WiniPlease vote/comment.
![](https://img.wattpad.com/cover/93722185-288-k38807.jpg)
YOU ARE READING
Love Warning [ON-HOLD]
FanfictionKapag kaya nalaman ni Algid ang nararamdaman ko sa kanya, ano kayang warning ang ilalagay nya sa akin? Alam mo ba Algid, kahit iba ang trato mo sa akin, umasa akong magugustuhan mo ako. Umasa ako, naghintay ako. Mula sa ilang araw, naging linggo, bu...