Chapter 4

6 0 0
                                    


LEM

Babalik na sana kami sa Korea, pero kinumbinsi ko ang mga magulang ko na magpaiwan dito sa Pilipinas para tapusin ang pag-aaral ko. Pumayag naman sila, kaya nagpatulong kaagad ako kay Yna para maprocess ang pagtransfer ko sa school nila.

Napag alaman kong isang Council Officer pala siya sa University na'yun.

Gusto ko mang sumama kina Mommy at gustong makipaglaro sa mga bago ko nanamang kapatid, pero mas gusto ko ng maiwan dito para naman may kasama si Lolo sa mansyon.

"Desiree! Na-paconfirm mo na ba yung suggestions para sa School Fair?- Oh, Hi. Sino ka?" Napatingin ako sa isang babae na biglang pumasok sa Council Office.

She's pretty, but Yna is Beautiful. Just one look, I sense something not good about her. Mukhang mataray eh.

"Lemuel." Pakilala ko. Ngumiti siya sa akin ng matamis at umupo sa kaharap na upuan. Ng pumasok naman si Yna na may bitbit na mga folder at sa kabilang kamay naman ay plastic ng pagkain na pina deliver ko para sa aming dalawa.

"Let me help you." Tumayo ako at kinuha ang mga folders na hawak niya at hinila papunta sa couch para maupo. Nakatingin lang naman sa amin yung babae at tila nakipag eye contact pa kay Yna na nakayuko na.

"Care to say something Ms. Krean?" Yna cleared her throat tsaka humarap sa amin.

"Lem, si Olivia, Council President. Olivia, si Lemuel bestfriend ko." Nakipag kamay ako kay Olivia na nakangiti muli sa akin. Aalisin ko na sana yung kamay niyang nakahawak sa kamay ko pero pinigilan niya ako, tsaka na ako napatingin sa kanya at sya namang pag-alis niya ng kamay niya sa akin.

"Nice to meet you. New student?" Tumango ako at napatingin kay Yna na inaayos ang pagkain namin.

"Yeah."

"We'll talk later Desiree." Tsaka na siya lumabas muli at dun ko nakitang napahinga ng maluwag ang kaibigan ko. Kaya napahawak ako sa balikat niya.

"Are you okay?" Nag-aalinlangan pa itong tumango sa akin.

I know my bestfriend so well, she's not. May something sa kanila nung Olivia na'yun, is she bullying my Yna?

"Kumain ka na." Sabi ko. I saw her smile again, then we ate our food.

**

"Dito naman yung University Field and soccer field narin. Wait, are you planning to enter varsity? Naglalaro ka ng basketball diba?" Napatingin ako sa kanya at tumango.

"Well maybe. I want to catch things up to you first." Napangiti siya at sumabay na ako sa paglalakad niya.

"Kahit wag na, basta nandito ka na. Ayos na ako dun. Ikaw kaya bestfriend ko." That felt so good to hear.

"Do you have friends here?" Natigilan siya at nanahimik nalang.

Oh? Ang matapang at palakaibigan na si Yna, walang kaibigam dito?

"Yna? There's something's wrong." That's not a question, it's more of a statement. She smiled brightly at me at umiling.

"Wala ah! Siguro napagod lang ako ngayon, kaya matamlay ako. Ikaw talaga." Sge laughed at naunang maglakad.

I sigh.

What happened to her? Napatingin ako sa paligid at namataan kaagad ang mga tingin nila sa akin, at yung iba naman nagbubulungan. I glanced at Yna na nakatingin sa akin at tila hinihintay ako. Kaya tumakbo ako papunta sa kanya at sabay na ulit kaming maglakad at tinuloy ang tour namin sa buong university.

She Came BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon