YNAKanina ko pa napapansin si Olivia na tila sinusundan ako. Eto na ba? Gagawa na ba siya ng ikakapahamak ko?
Napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa paglilibot sa site at pinagmamasdan ang mga nagtatrabaho. Sobrang lapit na at matatapos na ang lahat. Inimbitahan nga kami ng Presidente ng kompanya'ng to para sa opening eh, kaso tinanggihan ko na dahil aalis na nga ako.
Napalingon muli ako at nadatnan ang kapatid ko na biglang umiwas ng tingin at halatang nagtataray nanaman.
“Engineer Yna!” Napalingon ako sa tumawag sa akin kaya nakipag usap muna ako sa kanya tungkol sa construksyon.
Pagkabalik ko ng tent, nadatnan ko ang ilang architect na sobrang busy na habang nakikipag usap sa interior designers. Napalingon ako sa mesa ni Lemuel, ni hindi na niya ako pinapasadahan ng tingin. Medyo nanlumo na ako. Tsaka na siya tumayo at tila nililigpit ang gamit niya at nilagpasan lang ako sa pintuan.
Akmang papasok na ako ng tuluyan ng may humablot sa akin palabas. Abot-abot ang kaba ko sa naiisip ko'ng mangyayari. Natrauma na nga talaga siguro ako, muntikan pa ako'ng maiyak kung hindi pa tinakpan ng kung sino man ang mga mata ko.
“Sheez, don't even make a scene.” napatigil ako ng mabosesan ang nagsalita kaya naialis ko ang pagkakahawak niya sa mga mata ko. Tinaasan niya kaagad ako ng kilay tsaka niya ako binitawan.
“Bakit? Ano'ng kailangan mo? Pinaplano mo na ba'ng ipakidnap ako?” nangunot ang nuo niya at napailing nalang.
“Like I care. Mom wants to see you, and yes alam ko'ng nakikipagkita ka sa kanya. Zach even mentioned you.” simple niya'ng pahayag na tila hindi manlang natinag.
Ano'ng arte to? Medyo bumait, slight.
“Oh? Di mo'ko kukulamin dahil lumapit ako sa Mama at anak mo?” I grinned as she just rolled her eyes.
“Can't move on, sis? I admit I still hate you, nasayo ang lahat eh. But when I have Zach, I get to appreciate everything that I have even the little things. And I still don't have enough courage before when I see you again. Oo natakot ako na baka isumbong mo ako kay Mama, but to my surprise you didnt. Ano'ng arte mo, may kailangan ka ba kaya hindi mo sinabi? And look, I'm sorry for what I did, I'm just young and reckless and jealous.” Natahimik ako sa sinabi niya kaya napatulala nalang ako habang inuulit ulit ang mga huling sinabi niya sa akin.
She's not going to hurt me again? Akala ko kasi..
Lemuel!
“Oh btw, I know Lemuel still onto you. I dont care anymore. And fyi, he's leaving later to London. If I we're you, kung mahal mo parin bakit mo tinatago?” Hindi ko na alam ang gagawin ko at bumigat bigla ang pakiramdam ko at nanakit kaagad ang ulo at ilong ko.
Ni hindi ko napansin napaiyak na ako kaya nakita ko ang pagkataranta ni Olivia at hinawakan pa ako at pinapatigil.
“Wag ka nga umiyak! Baka isipin nila pinaiyak kita ha!” she said nervously.
Hindi ko na napigilan ang luha ko at umiyak na ng tuluyan habang hawak ni Olivia ang balikat ko at pilit ako'ng tinatago na hindi makikita ng iba.
Bakit ganun? Siguro nga tumatak sa akin ang takot at pangamba. Inuna ko ang mga hindi kasiguraduhan at pinagliban ko ang mga dapat ko'ng gagawin para naman sa sarili ko.
All of them we're right.
I'm still a coward.
“Tangina naman Yna tumahan ka nga!” Halata'ng naiinis na sa akin si Olivia pero hindi niya ako iniwan at panay ang pagpapatigil niya sa akin sa pag iyak.
“Kasi naman eh! Huhu Ba't ngayon mo lang sinabi!” ngawa ko tsaka niya ako tinaasan ng kilay.
“Are you still threatened? Christ Yna, may anak na ako! Pakealam ko naman kung gugustuhin mo ulit si Lemuel. Hindi ko na kayang masikmura'ng gumawa ng mali dahil pumapasok sa isipan ko ang anak ko. Ano ka ba!?” pasigaw niyang pahayag kaya napatitig nalang ako sa kanya habang basa ang mga mata.
I pouted and tried to calm down.
“Eh sa natrauma ako sa ginawa mo noon eh!” I spat back as she massaged her forehead.
“I already said I'm sorry. Geez.” halata na ang inis niya kaya tumahan na ako tsaka na siya napatingin sa akin tsaka niya pinitik ang tenga ko.
“Umuwi ka muna sa bahay, hinihintay ka ni Mama.” she smiled and left me.
Right!
Pero..
“...And fyi, he's leaving later to London.”
Doon ako natauhan at tinakbo ang parking lot. Ni hindi ko na nilingon si Francis na tinawag ako tsaka na ako sumakay kaagad sa sasakyan ko at pinaharurot ang pagmamaneho. Teka, saan ko siya hahanapin?! Sa mansyon kaya nila?
Eh kanina pa siya umalis eh. Malay ko ba baka dala na niya mga gamit niya?
Kaya dumeretso nalang ako sa airport at agad nilabas ang isa'ng id ko noon sa isang airline nung sinubukan ko'ng pumasok bila'ng airline personnel ng isang airline.
May ilang guwardya pa na pinigilan ako makapasok sa back office ng airline tsaka humahangos pa ako na pinakita ang id ko ulit tsaka nila ako binitawan. Doon ko nakita si Michelle na tila kakalapag lang rin at nagpapahinga, nataranta siya ng makita ako lalo na ng makita ang istura ko.
“Yna. Ano'ng nangyari?” she ran to me as I held her.
“Mich, kailangan ko'ng makausap si Lem.” She was hesitant at first pero dahil purisigido ako may kinausap siya'ng isang staff tsaka siya bumalik sa akin.
“Nasa VIP lounge siya. Here, use this to change. Baka hindi ka doon papapasukin.” saad niya at inabot sa akin ang isang uniporme.
I smiled at her and pulled her for a hug as she tapped my back.
“Kakausapin kita mamaya. Pero alam ko na hindi kita mapipigilan. So go after him.” Halos mangiyak ako na tumango at mabilis tumungo ng banyo para makapagbihis.
I've never been a cabin crew, hanggang ground handling personnel lang ako. And these clothes really can change you especially your confidence. I feel like I'm so powerful and I feel so high.
I didnt mind it na at agad tinungo ang VIP lounge, pero halos manghina ako ng marinig ang final announcement ng airline para sa mga pasahero nito. I tried to walk as fast as I can, at muntikan na ako'ng mapasigaw ng bigla pa ako'ng natalisod at mabuti nalang nasalo ako ng isang pasahero na dumaan sa gilid ko.
Ng matanaw ko na ang sign ng VIP lounge ay nagmadali ako at napatingin pa sa akin ng personnel na naroroon tsaka na nila ako hinayaang makapasok sa pag-aakala'ng nagfafinal check ako upang walang naiwang pasahero lalo na at VIP yun.
Nilibot ko ang buong lounge, at nanlumo ako ng walang makita kahit isa manlang na naroroon. Pilit ko'ng pinipigilan ang luha ko tsaka na ako lumabas at napatingin sa glass wall ng airport kung saan makikita ang mga nakapark na mga eroplano para magload ng mga pasahero. Lutang ako'ng bumalik sa back office, ni hindi ko napapansin ang ingay sa paligid ko. Nadatnan ko si Michelle na aligaga at agad ako'ng pinuntahan.
“Hindi ako umabot.” Ngiti ko. Bumalandra ang lungkot sa mukha ni Michelle at agad akong niyakap.
Di ko alam. Sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi manlang ako naging matapang. Akala ko talaga kaya ko, pero sa totoo takot parin pala ako.
And now, he's the one who left.
----
Tbc..
BINABASA MO ANG
She Came Back
General FictionExor Series, Lemuel Xing Exor. ⓒ SweetButStoneHearted 2016 Finished Writing 2020