Chapter 3

11 0 0
                                    


LEM

GRADE 5

"Lemy! Classmate parin tayo!" Ngumiti ako sa kanya at tumango at nagpahila nalang hanggang sa matunton namin ang magiging classroom namin.

Grade five na kami, at magkasama parin kami. May mga ilang kaibigan narin akong nakilala, dahil nga nahasa ako ni Yna sa maraming tao noon. Tinulungan niya akong i-build up ang confidence ko kaya, marami na akong mga kakilala at naging kaibigan. Pero nag iisa parin ang totoong kaibigan ko, si Yna yun.

Napawi ang ngiti ko ng maalala ko ang naging usapan ng mga magulang ko.

Sinasabi na baka pupunta kaming Korea and stay there for good. Iiwan ko si Yna dito, kahit ayaw ko wala naman akong magagawa dahil desisyon na yun ng mga magulang ko. Kahit nga months old palang ang bagong kapatid ko na si Baby Sedrick, napagdesisyunan na talaga nila na aalis kami.

Napatingin ako kay Yna na giliw na giliw na nakikipag usap sa mga kaklase namin habang ako naman nagtatalo sa isipan ko kung sasama ako kina Mommy or mananatili dito kasama si Lolo, pero ayoko naman silang iwan. Lalo na at may baby brother ako. Gusto ko matunghayan ang paglaki niya. Pero ayaw ko rin namang iwan si Yna.

Whaaaaat?

"Lemy! Ayos ka lang? Tara na dito." Napa angat ako ng tingin at tumango sa kanya at naglakad papunta sa upuan namin.

**

*Emergency Alarm*

Napabalikwas ako ng bangon. Bakit nag alarm?! May sunog ba? Yung mga kapatid ko!

Agad-agad akong lumabas ng silid ko at nadatnan ang ibang mga kapatid ko na tarantang nagsilabasan ng mga kwarto nila, tsaka ako napatingin sa dulo ng hallway at nadatnan si Jessica na nakatayo at hawak ang button ng alarm.

"You're late!" Singhal niya sabay laro nung swiss knife na hawak nito. Napalunok naman ako sa ginagawa niya at maya-maya rin ay namatay na ang alarm. Nakapagtataka, parang kami lang yung nataranta ng bumukas yung alarm?

"Its 6 in the morning!! Bakit mo kami ginising?! And what the! Ringing the fire alarm?! Baka atakihin si Lolo sa ginawa mo!" Galit na sigaw ni Sed at nagmamartsa palapit kay Jessica. Napasinghap naman ako ng bigla niyang binunot ang baril niya at tinutok kay Sedrick na biglang nanigas sa kinatatayuan niya.

"Watch your voice young man. I dont think twice to shoot you." Seryosong sambit niya.

"Miss.Jessica, di pwede ang mga deadly weapons dito. And if you'll kill one of us, its againts the rules in this house." Angal ko. Biglang ginapang ng kaba yung sistema ko ng bigla niyang nilabas ang mga armas niya eh. Aba! Kayo kaya!

"I know. I'll give you 10 min to prepare and immediately pumuntang training room. Late will have their precious punishment. Go!" Simpleng sambit niya.

Agad nagkandarapa kami na tumakbo papasok ulit sa mga rooms namin. Para mag ayos ng ng susuotin namin. Simpleng gym outfit ang sinuot ko at lumabas na kaagad ng kwarto, nakasalubong ko pa sina Kuya Xian na agad ring nagmamadali.

Nakakatakot naman ang batang yun! Daig niya pa mga napapanuod ko sa mga action movies eh! Di kaya kamag anak ni Idol FPJ yan? Pa autograph!!

**

Habang kumakain kami ng lunch ay panay ang tingin ko sa kanya at atras abante ang dila ko na magsalita.

She Came BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon