YNA
ILANG linggo narin ang lumipas ng gabing natulog si Lem sa amin. Halos hindi ko na siya kinikibo kahit sa trabaho, kahit nahahalata na ako ni Francis pero alam ko'ng kati'ng kati na yan magtanong.
“Yna, pacheck naman neto oh. Sabi kasi ni Tope hingin ko rin opinyon mo tungkol sa proyekto'ng binigay sa akin nung kupal na'yun.” Napatingin ako kay Francis tsaka sa inabot niyang mga dokomento at sinuri, tsaka nasagi ng mga mata ko si Lemuel na nakasilay sa akin kahit na kinakausap siya ni Olivia.
“Sigurado ka ba dito? Ayusin mo kaya yung magiging pundasyon, mamaya magbabackfire yan kapag pumalpak. Papalakpakan ko mukha mo talaga.” nakasimangot ko'ng saad kay Francis sabay abot ng mga dokomento. Napakamot naman siya sa ulo niya at tumango.
“Sabi na nga ba eh parang may mali.” He muttered and went to his desk to do his work. Nakamasid lang ako sa kanya kahit na ramdam na ramdam ko ang titig mula sa pares na mga mata.
Kanina parin nagwawala ng dibdib ko dahil alam ko kung kanino galing yun.
Buong araw hindi ko kinibo si Lemuel kahit na makailang beses na siyang lumapit sa akin, kinakausap ko lang siya kapag kasama ko si Francis at kung tungkol sa trabaho ang pag uusapan.
Paulit ulit bumabalik sa isip ko ang mg sinabi niya sa akin nung gabi'ng yun. Tuwing naalala ko, di ko mapigilang mapamulahan at naapatulala nalang. Putragis, kinikilig ako oo!
“Engineer Krean, stop daydreaming and do your work instead.” Boses ni Olivia tsaka niya binagga ang balikat ko at naglakad papunta sa site. Tinaasan ko lang siya ng kilay tsaka ko nilingon si Francis na may kinakausap na architect.
“Nagmamaldita nanaman ang bruha.” I breath and held my hard cap.
Napangisi ako ng lumingon si Olivia obviously hearing what I just said. She's glaring at me while I keep mocking her.
Kung wala siguro kami sa trabaho malamang sinugod na ako ng bruhildang step-sis ko tsaka sinabunutan. Same to what she did years ago.
Hindi ko alam kung kanino nagmana ng kabruha to'ng babaeng to eh sa ang bait-bait ng nanay niya.
Kung hindi ko lang inaalala si Tita malamang pinakulong ko na to. Ang dami ko'ng ebidensya na pwede'ng ipatong sa kanya sa lahat ng ginawa niya. Pero hindi, I will let karma do it's job. Besides, hindi na ako magpapa api ulit.
“Yna!” napalingon ako kay Francis tsaka lumapit sa kanila.
Malapit na natapos ang trabaho sa araw na'to at makailang beses ko naring iniwasan na makasalubong manlang si Lem kahit nilalapitan niya ako. Kung tungkol sa trabaho, pwede niya naman lapitan si Francis diba? Isa pa halata sa mukha niya na hindi trabaho ang nilalapit niya sa akin kaya ako na ang umiiwas.
I messaged Tita for us to meet. Para kahit papaano maibsan to'ng mga iniisip ko kapag nakita ko si Tita. Tsaka ko narin tatanungin ng pasimplr kung gusto niyang sumama sa akin kapag umalis ulit ako ng bansa.
“Yna..” akmang tatayo na ako ng hinuli niya ang balikat ko at pinaupo ulit habang siya naman nakaluhod at lumebel ang mukha sa akin. Di alintana ang tingin na nakuha namin sa mga kasama namin sa tent na pasimpleng umalis.
“Lemuel, kung ano man ya'ng sasabihin mo. Hindi ako makikinig kagit ilang beses mo pa yang sabihin. My answer is still a hard NO.” I spoke before him as he sighed and slid his hands to my hand.
Napalunok ako ng marahan ang paghawak niya sa kamay ko at di magkamaliw ulit ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa magkasaklop naming kamay.
“I know, but I won't stop. Bakit ba iniiwasan mo ako. Dati naman hindi kahit makailang beses kitang nilalapitan at palagi mo'ng sinasabi na ayaw mo. Pero ba't nag-iba ngayon? Is it because of what I said that night?” I saw hope in his eyes. But I maintained my stone hard expression at him.
BINABASA MO ANG
She Came Back
General FictionExor Series, Lemuel Xing Exor. ⓒ SweetButStoneHearted 2016 Finished Writing 2020