Chapter 7

6 0 0
                                    

LEMUEL

Hila-hila ako nina Kuya Xian at Kuya Shin papasok sa sasakyan, dahil nabuking ko sila sa magiging plano nila pagkarating namin ng eskwelahan.

"Kuya kasi! Wag nyo nalang ituloy yung plano niyo! Nakakahiya kaya!" Singhal ko at nagpupumiglas sa hawak ng dalawa.

"Ano ka ba Lemuel?! Bakla ka ba?" Nakangising sumbat ni Kuya Xian na kinabusangot ko at hinila muli ang braso ko at naunang pumasok sa sasakyan. Narinig ko pa ang tawanan ng dalawa.

Nakahalukipkip lang ako habang binabagtas namin ang daan papuntang University at di rin magkamayaw ang kaba sa dibdib ko sa mangyayari. Kainis naman kasi sina Kuya! Daming alam! Kaya pagkahinto na pagkahinto ng sasakyan ay mabilis akong lumabas at tumakbo pero, dahil mahahaba rin ang biyas ng mga kapatid ko ay nahablot nila yung damit ko. Nakita ko pa ang pagdating ng sasakyan nina Yna kaya mas lalo ang nagpupumiglas sa hawak nina Kuya at panay reklamo. Habang yung mga estudyante namang nakakakita ay tila nag eenjoy pa sa pinapanuod.

"Kuya! Ayoko nga kasi!" Reklamo ko pa at pilit na inaalis yung pagkakakapit ni Kuya Shin sa damit at braso ko.

Pagkarinig ko ng pagbukas ng pintuan ng sasakyan ay bumundol muli ang kakaibang kaba sa dibdib ko, tsaka ko nakita si Yna na takang-takang nakatingi sa ami kaya siya lumapit na kinataranta ko.

"Kuya!" Pagbabanta ko pero nginisihan lang ako ng mga kapatid ko.

"Ah? Kuya Xian, anong nangyayari?"

Yna! Parang awa mo na mauna ka nang umalis!

"Ah, may sasabihin sayong importante si Lemuel." Nakangiting saad ni Kuya kaya napako ang attensyon ni Yna sa akin at naghihintay ng sasabihin ko, pero nanatiling tikom ang bibig ko. Sana hindi niya naririnig ang kaba ng dibdib ko. Nabibingi na rin kasi ako sa tibok ng puso ko.

"Ano yun?"

"Lem, magsalita ka." Kalabit ni Kuya Shin sa akin pero inirapan ko lang siya.

"Ako na nga magsasabi, nababakla nanaman kasi tong 'kaibigan' mo eh." Napatawa pa si Yna sa sinabi ni Kuya na kinabusangot ko.

"Grabe ka naman Kuya. Ano ba yun?" Abot abot ang pagdadasal ko na sana hindi niya ako iiwasan pagkanalaman niya.

"Yna gusto kita." Maski ako nagulat sa biglang pagsalita ko. Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Yna at pagkalas nina Kuya sa pagkakahawak sa akin.

Ilang beses na ata akong napalunok at pinanuod ang susunod na ekspresyon ni Yna. She's still in the state of shock kaya hinawakan ko ang balikat niya para alugin.

"Yna." Tawag ko sa kanya.

"A-ahm..Ano..haha! Grabe ka naman magjoke Lemy." Nanlumo ako sa sinabi niya at siyang pagtalikod niya sa akin. Naramdaman ko ang pagtapik nina Kuya sa balikat ko kaya napatingin ako sa kanila at nakita ang tingin na nagpapa-encourage sa akin.

"Di ako nagbibiro Yna." Seryosong sambit ko. Tsaka ko napansin ang mga tao na nakapalibot sa amin at narinig yung sinabi ko. Kaya hinablot ko ang braso ni Yna at hinila siya palayo sa lugar na'yon. Maski ako nahihiya narin eh, bakit kailangan pa ng audience?!

Hanggang sa makarating kami sa garden na tinatambayan namin. Pinaharap ko siya sa akin at pinagmasdan ang mukha ni Yna na tila hindi mapakali.

"A-ano, Lem. Tara na, late na tayo eh." Pinanuod ko siyang parang hindi mapakali at nag aalangan pang humawak sa akin kaya hinuli ko ang kamay niya tsaka ko naramdaman ang pagtigil niya.

She Came BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon